LAST CHAPTER

199 6 13
                                    

—ELYAS POV—

Pag dilat ng mata ko ay si Jazz agad ang unang nasilayan ko. Kaya agad ko inabot ang mukha niya kaagad naman niyang hinawakan ang kamay ko at saka 'to nilapat sa pisngi niya.

“Akala ko, mawawala kana naman sakin.” tila naiiyak na pagkakasabi ni Jazz.

Agad naman ako ngumiti sakanya.

“Wag kana umiyak, ayaw ko nakikitang umiiyak ang mahal ko.” saad ko.

Maya maya ay narinig kong bumukas ang pintuan ng silid, at ilang saglit pa ay nakita ko ang AFP General.

Pero sa pagkakataon na yun ay hindi tingin ng isang galit na galit na General ang nakita ko sa mga mata niya. Isang tila nag aalalang ama sa kaniyang anak ang nakita ko.

“Bakit siya nandito?” seryosong tanong ko.

“Elyas----”

“Hindi pa ba sapat yung pangto-torture na ginawa niyo sakin? Gusto mo ba talaga akong patayin kaya ka nandito? Kung yun naman pala ang gusto mo bakit mo pa ako sinugod dito sa hospital na 'to?” sarcastic na tanong ko.

“Lieutenant, iwan mo muna kami.” utos ng General kay Jazz at kaagad naman sumaludo si Jazz bago siya tuluyan umalis.

Unti unti naman humakbang ang General palapit sa hospital bed kung saan ako nakahiga, habang nanggigilid ang luha sa mata niya.

“Pwede ba kitang mayakap.....anak.” naluluhang sambit ni General at tila nalito at naguluhan ako sa huling salitang lumabas sa bibig niya.

Bakit niya ako tinawag na anak? Kailan niya pa ako naging anak? At bakit ganito ang naramramdaman ko ng tinawag niya akong anak.

—JAZZ POV—

Nakasilip lang ako sa pintuan ng silid ni Elyas, halos ako ay naluha ng makitang magkayakap ang mag ama na matagal na nawalay sa isa't isa. Elyas is already 30year old, at sa unang pagkakataon mula ng mawala siya ay ngayon palang niya muling mayayakap ang ama niya.

“Bakit nakasilip kalang d'yan, hindi ka pumasok sa loob?” biglang sambit ni Technical Sergeant Bautista dahilan upang magulat ako.

“You scared me to death!” agad na bigkas ko dahil sa pagkagulat.

“*salute* pasensya na kung nagulat kita Lieutenant. Eh bakit naman kasi nakasilip ka pa d'yan? Hindi kana lang pumasok sa loob.” saad ni Technical Sergeant Bautista.

“Magkausap kasi yung mag ama doon sa loob.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Napakaliit talaga ng mundo para kila Elyas at General. Parang nakaraan lang, gustong gusto mapatay ni General si Elyas, tapos ngayon malalaman nating lahat na siya pala si Francis.” saad ni Technical Sergeant Bautista.

[2months later]

Unti unti, ay nagiging maayos na ang lahat. Hinikayat ni Elyas ang mga kasamahan niya na magbalik loob sa gobyerno at pumayag naman ang mga ito. Binigyan sila ng financial assistant na magagamit sa pagpapatayo ng negosyo. Naging maayos narin ang relasyon nila General at Elyas bilang mag ama.

Naging katuwang si Elyas ng AFP upang masugpo ang iba pang mga rebelde at mahikayat din ang iba na magbagong buhay.

“Cheers!” masayang sambit ni Technical Sergeant Bautista sabay taas ng hawak niyang wine glass.

At agad naman namin tinaas ang nga wine glass namin na may lamang red wine.

“Para sa matatag na relasyon nila First Lieutenant Vargas at Elyas. Cheers!” saad naman ni Captain Gomez at agad kami nagtawanan.

GUNS N' ROSES (BOOK #1)Where stories live. Discover now