SPOKEN?

4 2 0
                                    

"HINDI KITA IIWAN"

Di ko alam kung saan ko uumpisahan
Dahil madami nakong paalala na dapat mong tandaan
Mga salitang dapat ko ring Panindigan
Mga pagsubok na kailangang lampasan
Dahil ayokong bitawan ang salitang
Hindi kita iiwan
Ako yung taong simple
At laging iniiwan sa ere
Lahat ng akala mong imposible
Kaya kong gawing posible
Dahil ako yung tipo ng tao
Na kapag nag iwan ng pangako
Iisip ng paraan upang di mapako
Hanggang saan,hanggang kailan?
Hanggang kailan kita hinihintayin at aabangan?
Lahat ng bagay walang kasiguraduhan
Masaya naman tayo sa umpisa
Pero pag nakahanap kana ng mas better pa saken
Iiwan mo rin
Hindi kita iiwan
Salitang pilit kong pinaninindigan
Kahit sarili ko hindi ko maintindihan
Kahit hindi ko na kaya
Salitang pilit ginagawan ng paraan
Para di makalimutan
Kahit ilang beses pakong masaktan
Kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan
Ako'y mananatili at Hindi aalis
Dahil ako'y may isang salita!
Ako'y nangako!
Hinde kita iiwan
Itaga mo sa bato
Hindi ako susuko at magpapatalo
Lahat ay gagawin ko
Upang sa tabi mo ay manatili
Ako na ang nagsasabi
Hindi ako yung taong mapili
Ako yung taong kapag nag iwan ng salita
Gagawa ng paraan para patunayan
At mapanindigan ng walang pag aalinlangan
Hanggang dulo
At hanggang sa huling sandali
Aking tutuparin ang pangakong
"Hindi kita iiwan"

One Shot + Tula + SpokenWhere stories live. Discover now