Chapter 01: Longing For You

9 4 0
                                    

Two Years Later...

"Tapos na!" Sabi ko sabay pagpag sa kamay ko.

Naglibot ako ng paningin sa bagong bahay namin. Kakalipat lang namin ng bahay. Well, it's been two years at nakapag-ipon naman kami para lumipat sa isang mas malaking bahay.

"Aakyat lang ako Christian, aayusin ko yung mga gamit natin sa taas," sabi ni Mama.

"Sige po Ma," sabi ko naman sabay upo sa sofa.

Tumanaw ako sa glass wall namin. Natanaw ko naman yung bahay nina Tito Caleb na katabi ng bahay namin. Napahinga ako ng malalim.

"Wala pa rin sila," sabi ko na nakatitig sa mga nakasarang bintana at sa saradong gate ng bahay nila.

Pumikit ako.

It's been two years...

Pero parang ang bilis lang ng dalawang taon na lumipas. Parang kelan lang nakasuot ako ng toga at kaka-graduate ko pa lang sa high school.

Pero ngayon, malapit na akong mag-third year college. Business Administration.

At sa mga hindi po nagbasa ng Book 1, I'm Christian Grey Yap Azrael, the CEO-in-training of a Publishing Company, ang pinakamalaking publishing company ng magazines, books, at kung ano-ano pa dito sa bansa.

Two years had passed since the day na nagpaalam sakin ang taong mahal ko. Two years had passed since na huli ko siyang nakita. Two years had passed since na huli kong narinig ang boses niya.

Pero walang nagbago. Mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin ang masungit na boss ko.

Mahal ko pa rin si Athea.

"Babalikan kita," yan yung huling mga salitang sinabi niya sakin bago siya umalis ng bansa. At yun na nga ang pinanghahawakan ko ngayon. I'm hoping na sana bumalik na siya. I'm hoping na sana mahanap na niya ang sarili niya.

These past two years wala akong hiniling kundi ang makita siyang bumalik.

Nung una ay mahirap talaga mag-cope sa sitwasyon. Mahirap mamuhay nang wala sa Athea. I still remember the first night nung umalis siya.

Tumayo lang ako nun sa labas ng bahay nila. Umaasa na biglang bubungad si Athea sa gate, nakakunot ang noo at nagyeyelo sa paligid dahil sa sobrang cold ng treatment.

But no one can deny the fact na wala na nga talaga siya dito sa bansa.

Kahit nung first day ko sa college ay di ko pa rin maiwasan na di isipin si Athea. Yung paglalakad namin from school pauwi sa bahay. Yung pagsundo ko sa kanya sa bahay nila. Yung nakakatawa niyang expression everytime na nagiging sweet ako sa kanya.

I just miss her. I just need her. I just want her.

Nagdilat ako ng mata.

Kelan ka ba babalik Athea? Babalik ka pa ba? Naiisip mo pa rin ba ako? Nami-miss mo rin ba ako?

Hindi ko maiwasan na hindi isipin na baka iniwan na niya rin ako. Baka di na niya ako babalikan. Pero sinabi niya sakin na hindi niya ako kakalimutan. Na hindi niya ako iiwan. Sana ay tuparin ni Athea yung mga sinabi niya.

Gusto ko na makita si Athea.

Ang alam ko ay nagpunta sila sa Japan at dun kasalukuyang nag-aaral si Athea. Pero wala akong contact sa kanila. I tried calling Athea's number pero hindi na yun active.

Sinabi na rin niya sakin na mawawalan talaga kami ng komunikasyon kapag umalis na siya. Kaya naman mas lalo ko siyang nami-miss.

"Christian, kailangan natin ng grocery. Pumunta ka na muna sa supermarket diyan sa unahan at bilhin mo 'to," sabi ni Mama sabay abot sakin ng isang listahan.

"Sige po," sabi ko naman.

Lumabas ako ng pinto. I stopped and breathed air. Medyo maalinsangan ang hangin kasi summer pa. Kung mga ganitong panahon parati kong inaaya si Athea na mag-bike o magpahangin man lang.

I checked my wristwatch. It's already thirty minutes past three. Ito mismo yung wristwatch na binigay sakin dati ni Athea. I never bothered to replace it. May emotional attachment na ako sa relo na yun.

Two years had passed pero wala namang pinagbago dito sa village namin.

Pagkarating ko sa supermarket ay agad kong pinamili yung mga nasa listahan. Naalala ko na naman yung mga panahon na parati kaming nandito ni Athea.

Kasalukuyan akong tumitingin sa mga gulay nung biglang may nakita akong tao na nakatayo sa shelves ng mga Japanese cup noodles. Nakatalikod siya sakin.

Naningkit yung mga mata ko.

"Athea?" Sabi ko pa sabay lapit sa babae.

Hinawakan ko siya sa balikat at umikot naman yung babae.

"Po?" Sabi niya.

She's not Athea.

"Ah sorry. I thought you were my friend. Sorry," sabi ko naman sabay talikod.

Inalog ko yung utak ko. Imposible naman na mapunta dito si Athea sa ganitong oras. Masyado na akong nagpapadala sa pagkawala ni Athea.

Tinapos ko na lang yung pamimili ko. Then lumabas na ako ng supermarket. Magluluto pa kasi si Mama ng dinner namin. Thirty minutes past four na nung lumabas ako ng supermarket. May kadiliman na sa paligid.

Binilisan ko na ang paglakad ko pauwi. Pero pagkatapat ko sa bahay nina Athea ay natigilan ako.

Naka-on yung mga ilaw at may mga tao sa loob. Mga maids na naglilinis.

Agad akong tumakbo papasok ng bahay namin. Naabutan ko naman si Mama sa kusina.

"Ma? Ngayon ba darating sina Athea?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman si Mama.

"Di pa ngayon. But this week daw, probably. Yun ang sabi sakin ng mga naglilinis diyan," sabi ni Mama.

Biglang kumabog nang malakas yung dibdib ko.

Makikita ko na siya ulit.

"Ma? San pala kwarto ko?" Tanong ko nung paakyat na ako ng hagdan.

"Yung pangalawang kwarto sa kaliwa," sabi naman ni Mama.

Umakyat na ako. Agad naman akong pumunta sa balcony ng kwarto ko para magpahangin. Malinis naman kasi yung kwarto na.

Pero nagulat ako pagkalabas ko ng balcony. Naningkit ang mga mata ko sa kakatitig sa kwarto na katapat ng kwarto ko.

My room is directly facing Athea's bedroom.


A/N:

Pasensya na guys. Puro lang muna emote at filler ang Chapter 1 HAHA. Don't worry, agad ko naman pong pagtatagpuin sina Athea and Grey. Hintay lang kayo. Hikhok

Vote (kung worth it basahin)

Comment (kung may gustong sabihin)

Follow (kung gusto niyo lang naman)

@Blue_Peppermint (sa hindi po nakakaalam cute po yan)

- Blue_Peppermint

Written Destiny [Book 2 Of CIAATM]Where stories live. Discover now