Chapter 34

938 30 64
                                    

Chapter 34

Best Part

Na-itext ko na si Shinalyn at nasabi nang hindi muna ako papasok ngayon sa work, mabuti nalang at pumayag naman siya kaso nga lang ay nahihiya din ako. Napag-isipan ko na din kasing malapit na akong umalis sa company nila.

Nakatingin ako ngayon sa labas ng bintana. On the way na kami ni Landrien sa sinasabi niyang bibisitahin daw namin. I really have no idea kung sino or ano ang bibisitihan namin.

Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol roon pero ayaw niya talagang sabihin kaya hindi ko na rin siya kinulit pa. Isa pa ay sabi niyang suprise niya daw saakin ito kaya hindi ko nalang tinanong.

Baka mamaya, suprise proposal pala ito. Hindi naman masamang umasa pero medyo ginandahan ko ang suot ko para prepared naman ako kahit paano. Alam niyo na mga panahon ngayon, uso na iyang suprise suprise na 'yan.

Kumunot ang noo ko nang tumigil na ang sasakyan. 'Tsaka ko namalayan na nasa parking lot na pala kami.

"Saan tayo?" takang tanong ko sakanya.

Pinigilid ko ang mga mata ko sa labas ng kotse at nakita kong parang nasa isang kulungan kami. Nakikita ko mula sa labas ang isang mobile car at may nilabas roon na isang lalaking hawak ng isang pulis at dinala ito sa loob ng presinto.

Kunot noong binalingan ko si Landrien na ngayon ay tinatanggal na ang seat belt. Hindi siya tumingin manlang saakin at hindi sinagot ang tanong ko, sa halip ay lumabas siya at pumunta sa may gilid ko para pag-buksan ako ng pinto.

Tulala lang ako at nanatiling nakakunot ang noo. Parang bigla akong nakaramdam ng kaba dahil wala akong ideya kung bakit kami nandito. Sino naman kaya ang bibisitahin namin?

Kahit ganoon pa man ay muli akong nabalik sa katinuan nang nabuksan na ni Landrien ang pinto sa gilid ko nang hindi manlang siya nagsasalita. Wala akong ibang nagawa at tinanggal ang seat belt at lumabas na rin sa kotse.

Nang makalabas ay pinatunog na niya ang kotse at iginiya na ako papasok sa presinto. Hindi ko alam pero agad akong binalot ng kaba nang makapasok ako dito. It feels nostalgic, naalala ko iyong panahong sumuko ako mismo sa pulis.

Pinilig ko nalang ang ulo at hindi na ulit iyon inisip. Natatakot akong bumalik nanaman ang trauma saakin gayong naka-move on na ako sa nangyaring iyon at tapos na ang lahat lahat, nasa mental na si Kaia.

"Are you okay?" bulong saakin ni Landrien nang nakapasok na kami mismo sa loob ng presinto.

Tumango ako at hindi siya binalingan. "Yeah..." maikling sagot ko sakanya.

Kalaunam ay nahagip naman ng tingin ko si Darius, siya iyong police na dapat magbabantay saakin kaso hindi na natuloy pero kahit ganoon ay naalala ko naman ang mukha niya dahil isa siya sa mga kaibigan ni Landrien.

Mukhang nakita kami ni Darius dahil bigla siyang tumayo mula sa pagkaka upo at agad kaming nilapitan. He's wearing a police uniform, sa itaas no'n ay nakalagay ang pangalan at ang rangko niya.

He looks hot, inaamin ko iyon lalo na sa suot niyang uniform. Iniisip ko kung ano kayang itsura niya kung formal lang ang suot niya. Noong una ko kasi siyang nakita ay ganoon din ang suot niyang uniporme.

Nagdaan ang ilang taon nang huli ko siyang nakita pero sa tingin ko ay hindi siya nag-bago. I mean, he didn't changed or matured kahit kaunti lang. Ang bata pa din niya tignan kahit mas matanda siya saakin, parang nga magkasing-edad lang kaming dalawa.

"Landrien!" bati niya sabay tapik sa balikat ni Landrien at sabay baling saakin. "Hey, Zya!" pormal na bati niya at tinapik lang din ang balikat ko.

Chasing the Waves (Matsona Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon