dust off your highest hopes

202 11 1
                                    

A/N:
Hiiiii! Gusto ko lang sabihin na this specific one shot is like a "special chapter" to my twitterserye "Pamuyod". If you haven't read it yet, it's in my pinned tweet, bisitahin niyo lang viceryllegucci hehehehe. I'll try to write it in a way na magegets pa rin naman kahit hindi niyo pa nababasa yung serye. AYON LANG PUE THENKYU <3

Date: 10-10-2020
Song: Everything Has Changed

"My manager called me this morning," pahayag ni Tala na kausap ang kaibigang si Aya sa telepono habang binibihisan niya ang kaniyang anak.

"What did he say?"

"He asked if I was considering working with Gian again, since maganda raw yung mga naging projects namin in the past. Baka raw gusto ko lang ulit i-try."

"Did you say no?"

"I told him to give me a few days to think about it."

She put her friend on speakerphone at pinagpatuloy ang pag-aasikaso sa anak na si Scarlet.

"So... you're considering working with Gian again?"

"Who's Gian, Mommy?" tanong ni Scarlet. Natigilan naman si Tala. "Just a friend, baby. Don't worry about him."

"Tala, I'm waiting here." tila naiinip namang pag-singit ni Aya. "Sorry. Yes, I am considering working with him again. I just need more time to think about it, though. Hindi pa ako sigurado kung kaya ko na."

"Papa," pagtawag ni Tristan sa ama na busy sa trabaho. Hinayaan muna kasi siya nitong mag-laro sa kaniyang playroom.

Pero hindi ata siya narinig ng ama dahil naka-earphones ito kaya paulit-ulit niyang tinusok ang tagiliran nito gamit ang kaniyang index finger.

"Oh, bakit?" sagot ni Gian na nakatuon pa rin ang paningin sa laptop niya.

"Naiwan niyo po cellphone niyo sa playroom ko, tapos may tumawag kaya sinagot ko." doon lang naman na-notice ng binata na nasa may tenga pala ng anak niya ang kaniyang cellphone.

Thinking it was just Andrea, Tristan's mom, hindi na nagmadali si Gian na bawiin ang cellphone sa anak.

"Sorry po. Ano po ulit name niyo, miss?" pagkausap ni Tristan sa tao sa kabilang linya, dahilan para kumunot ang noo ni Gian.

"Tala raw po, Papa." nanlaki naman ang mata ni Gian dahil doon at dali-daling kinuha ang telepono niya mula sa anak.

It's been months since they last talked.

Lumabas siya at pumunta sa poolside upang hindi marinig ni Tristan ang usapan nila.

"Hello, Tal? Sorry, naiwan ko kasi kay Tristan yung phone ko."

"Haha it's fine, Gi."

"M-May kailangan ka?" puta, bakit ba ako nanginginig?

"Ah, yes. I was just wondering... what are your thoughts on working on another album of mine?"

"Ku-kukunin mo 'kong producer mo ulit?" it's been seven years since they last worked together.

"Kung okay lang sayo...?"

"Oo naman! Okay na okay!" wala na rin siyang pake kung maramdaman ni Tala na sobrang excited siya. He misses her so much.

"Hi, sorry for being late. Nagka-problema lang sa school ni Scarlet," pagpapaumanhin ni Tala nang dumating siya sa recording studio. Hindi naman napigilan ni Gian ang matulala habang pinapanood ang bawat galaw niya.

Stolen (ViceRylle Oneshots)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora