Kabanata 13

491 26 23
                                    

Hurt

The location of our lunch was just nearby, just what Engineer Zajares stated a while ago. Hindi na ako nagulat na mahigit limang minuto lang yata ay nakaparada na kami sa labas ng pamusong food house ng Pueblo.

"Ayos lang ba sa'yo na dito tayo kakain?" Natigil ang pagbaba ko mula sa kotse ng dahil sa kanyang tanong.

Liningon ko ang nagtanong. Apollo...

Sa maiksing biyahe ay hindi kami nag-imikan. Tingin ko nalinaw naman lahat kanina kahit na ang sistema ko'y mas lalong gumugulo.

Nangangapa uli ako kung paano maging at ease sa kanya, iyon ay kung may sandali nga bang naging at ease ako sa bawat kibot ng labi't mga galaw niya.

"I can take you to the city's restaurant if you want, Lauvreen. I'll just cancel my patients' appointment for later."

Nangunot ang noo ko. "Why the need to cancel your appointments, Apollo? Nandidito na tayo. Dito tayo kakain di ba?"

May nag-iba sa ekspresyon niya pagkarinig niyang nabanggit ko ng kaswal ang pangalan niya. Isang beses na mahinang tumikhim siya at napakagat labi.

"Because you want to go and eat lunch in the city... with me?" He bit his lower lip. Unti-unti ngumisi siya sa akin at nanghahamon na ang kislap ng mga mata.

He's not assuming that I'll say yes to his conquest right?

Nag-iwas ako ng tingin. I bit the insides of my mouth just to stop myself from smiling too. Nakakahawa ang ngisi niya. Parang gumaan na ulit ang pwersa sa pagitan naming dalawa.

"What's special in the city? Hindi ako mahilig sa mamahaling restaurants. I just want to eat and satisfy my starving stomach," ani ko at itinulak na pabukas ang pinto ng kotse para makalabas. "Pareho lang naman na makakasama at makakasalo kita..." I don't know if the words reached his ears. Naisarado ko na kasi pabalik ang pinto.

When I step into the ground, I can't help but stare at the food establishment right in front of me. Moderno iyon dahil sa glass wall pero kahoy naman ang talagang estraktura. Kita sa loob ang mga taong kumakain mula dito sa labas.

"I just thought that you have a specific taste for food na maaaring wala dito sa Pueblo kaya kita inaaya patungong siyudad. You mentioned that you have your specific taste of tea the last time, kaya baka... sa pagkain rin mayroon kang gusto." Tumabi sa akin ng tayo si Apollo matapos niyang ipark ng maayos ang kanyang kotse. Samyo ko na naman ang kanyang bango. Gustong-gusto ito ng aking ilong.

His scent is not helping my brain in processing what he just said. It's unbelievable. He's keeping tracts on what I said...

"Hindi ako mapili sa pagkain, Apollo. Sa tea, oo, pero sa ibang bagay... hindi ako mapili."

"Hmm. Noted, Architect Love."

Nilingon ko siya nang parang iba ang tono ng pagkakabanggit niya sa aking pangalan. Something with the tone of his voice is making my breathing hitched for something nostalgic.

"Did you just..." I don't have the courage to continue what I want to say. Tanggap kong halos mabaliw na ako, pero hindi ko alam na nabibingi na rin ang tainga ko ngayon.

"What, Architect? I said, let's get inside and eat..."

Naabutan ko siyang nakataas ang sulok ng gilid ng labi bago lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanyang bibig. His aura looked much lighter complared earlier. The sparks on his eyes is making him vulnerable and gentle.

Lumampas siya sa akin na ganoon ang ekspresyon at pinagbuksan ako ng pinto papasok sa food house. Kasabay ng hakbang ko ang palad na dumaiti sa aking kamay para mahawakan ako.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Where stories live. Discover now