Chapter 30 (IRON)

38 4 0
                                    

(Keylyn's POV)

Kinakabahan akong pumasok ngaun! habang nandito ako sa kalsada, hinihintay ko si Daniel. Para may kasama ako sa pagpasok ko sa school.

"Ang tagal naman ni Daniel.." sabi ko at naiinip na sa kakahintay sa kanya. Sabay napatingin ako sa relo ko.

"Naku! Late nako!" Sabi ko at tumakbo na papuntang school.

At nang makarating na ako sa may gate namin nakita ko si Rex at agad ko namang binati siya.

"Hi Rex!" Pero imbis na batiin niya din ako umiwas siya at hindi ako pinansin. Tapos sinundan ko siya.

"Rex? May problema ba tayo?" Pagtataka ko naman.. Pero hindi niya talagah ako pinapansin.

"Rex?" Pagtataka ko.

"Uhm.. Key? Pede bang simula ngaun wag mo na akong lalapitan?" sabi niya at binilisan ang lakad. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko na siya nahabol kaagad.

Sobrang pagtataka ko kung bakit niya nasabi iyon? Hindi naman siya ganon ah? Baka may problema siya? Kaya dumiretso na ako sa room namin at pagkapasok ko nakita ko si Daniel. Aba? Bakit ang aga niya dumating sa school. eh halos kasabayan ko lang siya?

"Pst. Daniel" Sabi ko naman at umupo sa tabi niya...

"oh?" Masunget nyang sabi. Sunget naman nito? Mayroon siguro toh ngaun...

"Alam mo ba kung anong nangyayari kay Rex? iniisnob niya kasi ako eh..." Tanong ko naman siya kanya pero hindi niya ako tinitingnan at diretsong tingin lamang sa blackboard nmin. Hindi siya sumagot sa tanong ko...

"huy!" Sabi ko naman at tinapik siya.

"Ms. Martin Please pay attention!" Saway naman sa akin ng teacher ko at umayos na ako ng upo.

Nagsulat ako sa NB ko at nakalagay ung tinanong ko kanina tungkol kay Rex. At binigay ko na kay Daniel. Agad niya naman itong nabasa.

Maya maya pa ay binalik na niya sa akin ung NB. Pero walang sagot. Napatingin ako sa kanya at naka patong ang index finger nya sa gitna ng labi niya at sinasabing wag akong magulo...

"huh? Ano bang nangyayari? Daniel may di ka ba sinasabi?" Sabi ko naman kay Daniel tapos biglang hinampas ng teacher ko ang ulo ko.

"Ms. Martin! 2nd warning! Kapag naka 3rd warning na ako LALABAS KA MALIWANAG?" Masunget na sabi ng teacher namin. Tumungo na lamang ako. Tch. bwisit na teacher! :/

Hindi ko na lang kinausap si Daniel kasi wala din naman siyang kwenta kausap eh. At nang magrecess na, dba lagi kaming sabay nila Daniel, Ken at Rex kumain. Pero bigla na lang sila nawala. Nagtaka tuloy ako nasaan kaya ung mga un? Tapos nakita ko si Ken...

"Ken!" tawag ko naman kay Ken. Nakita na ako ni Ken pero parang nilalayuan niya pa ako. "Ken! Teka!" Sabi ko naman at hinabol si Ken..

"Key? Uhm.. sorry nagmamadali ako" Pag-iwas naman sa akin ni Ken.

"Ken? Sabihin mo nga sa akin, may problema ba? Kasi parang lahat kayo ay nilalayuan ako.."

"Honestly?"

"oo! sabihin mo ang totoo!"

"Nilalayuan ka namin kasi ayaw na namin sayo. Ayaw ka na namin makasama. Tsaka para kapag sinabi ni Adonis sa School hindi na kami damay sayo! Hindi na kami ung tutang pinapaikot mo at pinapaasa mo. Ayan! Yan ang totoo? Kaya pede ba? Lumayo ka na rin sa amin? Ayaw ka namin makasama." Pagalit na sabi ni Ken at sabay alis siya. Nagulat ako sa sinabi niya and I just froze where I was standing. Tagustagusan ang sinabi ni Ken. Halos mapaiyak na lamang ako sa sinabi niya.

Love Really is A Wonderful Thing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon