Eighteen

6 1 0
                                    

"Oh anyway suinnee is here!" Maligayang sambit ni zanne.

"Huh? Bakit? Umabsent sya?" Nabigla ako sa sinabi ni zanne. Third year palang sa law school yun! At ang alam ko  Third year ang pinaka mahirap!

"She didn't tell me. Basta sabi nya ay siguro tomorrow or sa Wednesday ang alis nya" nagkibit balikat si zanne habang nakatingin sa daan.

"Anong nangyari?" Napatanong ako, hindi narin kasi nagpaparamdam si suinnee expected ko ay busy sa pag aaral, pero bakit bigla bigla na lang sya nandito? At aabsent pa talaga ng dalawa o isang araw?

Sabay kaming napatingin ni zanne sa phone nyang nagring.

"Oh, Ilios is calling. Shh" ani zanne. Tumango ako at umirap.

"Hey" bati ni zanne. Naka connect sa speaker ng sasakyan nya kaya dinig na dinig ko sila.

"Saan ka?" Tanong ni ilios sa kabilang linya.

"Going to the airport, I'm with ashia, love" sagot naman ng maharot na zanne na 'to.

Umirap ako sa kawalan. Kailan ba ako magkaka boyfriend? Simula nung umalis ako sa San Vicente ay wala akong boyfriend, si zanne naman ay simula nung umalis sa San Vicenta ay hindi na naghiwalay pati ng boyfriend!

"Sinong Dumating?" Tanong ni ilios pabalik.

"Si Sun" sagot ni zanne

"Oh? So expected na ba inuman mamaya?" Ilios chuckled.

"G ako dyan!" Singit ko sa dalawa

"Hi Ashia! Archilles is here with me" ani ilios

Ngumiti si zanne at tumawa ng marahan. Kunot noo kong sinagot si ilios.

"Anong ginagawa ng dalawang baliw na tubong maynila na yan? Bat nandito sila ni suinnee? Wala ba silang klase?" Nagtatakang tanong ko.

"Uy, ashia, i never knew you're that concern pagdating sakin"  boses ni archi ang narinig ko.

"Kadiri ka!" Sagot ko.

"Love? Love!" Sabi naman ni zanne gamit ang baby voice nya.

"Yes love?" Agad namang sumagot ang baklang si ilios.

Lagi namin tinutukso na bakla si ilios at sister nya si zanne dahil kahit kailan ay wala nang ibang nakikita si ilios kundi si zanne. Binibiro lang namin sila.

"Gotta go, see you later, text lang ako pag may inuman. And im staying in your condo love" sabi ni zanne.

Napatingin naman ako agad sa kanila.

"Totnakan na dis" hagikgik ko at biglang namula si zanne. Kung kaya't humalakhak ako.

Tumawa si ilios dahil may sinasabi si archi ng kung anu ano bago bumaling sa tawag. "Sure, love, susunduin pa ba kita sa condo mo?" Tanong nya pa.

"Hindi na, ako na pupunta sa condo mo. Bye love you!" Mabilis na sagot ni zanne

"Ok, my bed's waiting for you" hagikgik ni ilios.

Agad namang namula si zanne at pinatay ang tawag.

"Masarap ba ang mga gabi pag kasama sya?" Humalakhak ako at namumula parin si zanne at hindi makapag salita.

"Mabubuntis ka nyan! Pusta ako sampung libo!" I said confidently.

"Gago!" She said at umiling iling pa.

Ilang minuto ay nakarating na rin kami sa airport, kita namin agad si suinnee na may dalang backpack at nakatali ang umaalon nyang buhok, pumuti rin sya at tumangkad, agad syang pumasok sa backseat, sinalubong nya kami ng sigaw kaya nagsisigawan kami sa loob ng sasakyan.

San Vicente Series #2, Every StringsWhere stories live. Discover now