Chapter Four

87.6K 1.9K 82
                                    

Chapter Four

            HE SNAPPED!
            Gusto niyang mapangisi sa kanyang naisip habang karga siya ni Jair na parang sako ng bigas. Nakakainis kasi ito akala mo kung sinong hari kung makapag-utos sa kanya pwes tingnan lang natin. Kaya nga niya ito ininis ng ininis habang nagsasayaw siya kanina.

            "Baby Xy! Where are you?" narinig niyang sigaw ng mommy niya mabilis siyang nabitiwan ni Jair. Of course hindi alam ng mga magulang niya ang mga pambubully nito sa kanya, napangisi ulit siya ng tingnan siya nito ng masama. She was saved by the bell.

           "Nandito ako mommy sa baba." Sagot niya.

            "I'm done with your custome's design baby babagay ito sa iyo." Napatingin ito kay Miggy. "Hello there inaanak, ang gwapo mo talagang bata ka." At yumakap ang mommy niya kay Jair. Si Jair naman ay nakatitig lang sa kanya, galit na galit of course. 

            "Really mom? I want to see the design." Nagkunwari siyang excited, as long as nasa malapit lang ang mommy niya ay alam niyang hindi siya nito mahahawakan. 

            "Come here where's March?"

            "Nagpapahinga lang po mommy." Umakbay siya sa mommy niya.

            "Come here baby Jair tingnan mo ang custome ni Xyler magugustuhan mo ito." Gusto niyang umismid, wala namang ibang gusto si Jair kundi ang buwisitin siya kaya kahit anong ipakita ng mommy niya ay alam niyang may 'say' na naman ito. Basher niya ito eh. 

            Agad siyang umupo sa tabi ni March na agad na naging statwa ng akbayan niya. Gusto talaga niyang mapahalakhak sa hitsura nito, nagpupunas pa nga ito ng pawis sa noo nito at tila maiihi na sa kinauupuan nito.

            "Are you okay March?" nag-aalalang tanong ng mommy niya na nakatingin kay March.

            "I-I'm okay tita napagod lang siguro ako sa practice." Anito at pasimpleng inaalis ang braso niya sa balikat nito pero idiniin niya ang pagkakakapit dito.

            "Mom, designed our custome." Bulong niya kay March kahit sobrang lapit na nila.

            "R-really? That's nice I think mananalo na talaga tayo makukuha mo na si uno." Parang robot na tumawa pa si March.

            "Sinong Uno?" takang tanong ng mom niya.

            "Mommy grade iyon, as in one." She said with conviction.

            "I thought you already have a crush." Napangiwi siya sa sinabi ng mommy niya, sinulyapan niya si Jair na kampante ng nakaupo sa tabi ng mommy niya habang hawak ang cellphone nito. Siya naman ngayon ang nagtaka ng makita na nagcurve ang side ng lips nito, bigla siyang kinabahan dahil sa ngiting iyon ni Jair. Alam niyang may naisip na naman itong panlaban sa kanya.

            "Ninang, I think I have to go my mom texted me kailangan ko siyang sunduin sa hospital ni daddy."

            "Sure baby Jair, just tell your mom I'm going to visit soon."

            Lumapit ito sa mommy niya at hinalikan ito sa pisngi. "Sure ninang." Tapos ay bumaling ito sa kanya at naglakad palapit sa kanya, at bahagya pa siyang napaatras ng dumukwang ito. Nakita nito ang kaba sa mukha niya kaya napangisi ito ng lihim at saka hinalikan din siya sa gilid ng kanyang mga labi na ikinatigil niya. 

            "Watch out Xy." Bulong pa nito sa kanya. "Bye Xyxy, see you some time." 

            Nakasunod lang ang tingin nila sa papalayong lalaki habang siya ay sinasaway ang malakas na tibok ng puso niya. Mabuti nalang at hindi nakita ng mommy niya ang ginawa nitong paghalik sa gilid ng kanyang mga labi. Pero nakita iyon ni March kaya nga nakatanga naman ito sa kanya ngayon.

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon