Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2 : Transferee

--- SINN ---


"Hey Fein, wake up!"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses na iyon. Aish, sino ba kasing manggigising nang ganito kaaga? Sino pa nga ba edi si Nessa. Grabe! Kung manggising ay akala mo naman ay papas---oh shit! Nasa university nga pala kami at ngayon ang first day namin.

"Heto na nga, maliligo na."

Parang zombie akong naglakad papunta sa banyo samantalang si Nessa, ayun at nakabihis na. Early bird talaga iyon eh anytime and anywhere.

Hmm, in fairness sa banyo na 'to... kumpleto lahat. Lahat ng toiletries na kailangan ko nandito na. Sinigurado talaga ng university na 'to na walang kawala ang mga estudyante ah. Iyong tipong... 'Sir, palabasin niyo naman po muna ako. Bibili lang po ako ng napkin, may period po kasi ako ngayon eh.' Psh! In my dreams na lang.

Hindi ko na tinagalan pa ang pagliligo ko dahil ramdam ko na ang gutom ko dahil kahapon nga pala ay hindi ako nakakain ng dinner. Isa pa ay first day ng klase namin ngayon, hindi nga lang ako sigurado kung nag-aaral ba talaga ang mga estudyante dito o nagpapatayan lang.

Lumabas lang ako sa aking kwarto matapos kong ayusin ang sarili ko. Above the knee na skirt, high sock, and polo with blazer and necktie ang itsura ng uniform na suot ko na may combination na color black, white and maroon.

"Wow, ang ganda mo Fein. Bagay sayo." bungad sa akin ni Nessa nang madatnan ko siya sa dining table.

Kita mo iyon, hindi man lang ako hinintay sa pagkain. Tsk! Padarag akong umupo sa upuan sa harap niya bago naglagay ng pagkain sa aking plato. Rice, ham, hotdog and egg lang ang niluto niya. Nagtimpla na rin siya ng kape para sa akin habang gatas naman ang sa kanya.

"Wag mo na akong tawaging Fein simula ngayon, Nessa. Tawagin mo na rin akong Sinn gaya ng tawag sa akin ng iba." biglang saad ko na ipinagtaka niya naman.

"Ha? Pero Fe---Sinn, mas nasanay na akong tawagin kang Fein!" pagtutol niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, "Kung ganoon ay mula ngayon ay sanayin mo na rin ang sarili mong tawagin akong Sinn, ganyan lang kasimple."

Pilit na tinanguan niya lang ako bago muli kaming kumain. Ilang minuto rin lang kami sa ganoong sitwasyon, habang kumakain ay pinapaalalahanan ko siya sa mga dapat niyang ikilos sa labas. Delikado ang buhay namin dito at hindi ako papayag na may manakit sa kanya habang kasama niya ako at sisigiraguhin ko iyon.

"Nessa, let's go."

Habang naglalakad kami patungo sa Building 4 ay nahahagip na ng paningin ko ang ilang estudyanteng napapatingin sa amin.

"Sinn, kinakabahan ako." saad ni Nessa na ngayon ay nakakapit na sa braso ko.

"Wag kang kabahan, kasama mo ako. Just act normal."

'Yon lang sinabi ko bago muli kaming dumiretso sa paglalakad. Natanaw ko na mula sa kinatatayuan namin ang Building 4. Tsss! Walang duda na building ito ng 4th year student, ang wild nila. May mga grupong nagtatawanan at nagsisigawan at meron ring naghahalikan sa tabi-tabi. Ang cheap ha, hindi man lang kumuha ng room at mukhang hindi talaga uso sa lugar na 'to ang salitang 'privacy'.

Nang makaapak kami sa Building 4 ay natahimik ang lahat, maging ang nagtatawanan at nagsisigawang mga grupo ay natutop sa kanilang kinauupuan pati na rin ang nagmimake out session sa tabi-tabi. What's wrong? May dumaan yatang anghel ah.

Taas-noong naglakad lang ako kasama si Nessa habang sila ay nagbubulungan. Tsismosa pala ang mga estudyante dito, hindi ako nainform.

"Transfer yata sila."

Aston Villa University ( Assassin University )Where stories live. Discover now