chapter 3

7 1 0
                                    

Mau's POV

Simula ng makita ni Ela yung hindi dapat nya makita ay tulala na sya hanggang ngayon.

Nakatingin lang sya sa malayo ng parang ang daming iniisip.

Dapat pala hindi ko na sinabi sa kanya . Ayan tuloy hindi sya makausap ng maayos.

Hindi ko alam na ganon ang magiging epekto non sa kanya.

"Ela..."

Kanina ko pa sya tinatawag pero parang wala lang. Parang hangin lang ako dito.

" ELAAAAA!"

"Ha?.."

"Kanina pa kita tinatawag"

Inis na singhal ko kanya.

"Ah.. Sorry ano uli yon?"

"Wala... Ano ba kasing nangyayari sayo? Kanina kapa ganyan ah?!"

Hindi ko naman na sya matiis kaya nagtanong narin ako. Kesa naman muka syang tanga dyan na nakaupo at nakatulala.

"Wala yun , wag muna lang akong intindihin "

"Anong wag intindihin?!, Tanga kaba?! Ano bang kasing nayayari sayo ha , simula kanina para kanang ewan jan,"

"Wala, Cr lang ako,"

Bakit ba kasi ayaw nyang sabihin sa akin. Hindi ba sya nagtitiwala sa akin?

"Sige, pero bilisan mo ha. Malapit na mag time . Baka malate ka sa susunod na subject . Mapagalitan kapa"

At tuluyan na nga syang umalis dala ang bag nya at lumakad na parang zombie na pagewang gewang.

***
Ela's POV

Oh my god ...

Halos masuka ako sa aking nakita, nagtayuan narin ang aking mga balahibo sa takot. Napatakit nalang ako ng bibig sa gulat.

Totoo ba talaga tong nakikita ko? sino naman tangang gagawa nito dito .

Nakalat ito sa sarili nyang  dugo at ang mga laman nito ay nakapalibot sa kanya. Kagaya don sa panaginip ko.

May isa lang namang nakahandusay na daga sa harap ng pinto dito sa isang silid.

Do more of what you love.On viuen les histories. Descobreix ara