Chapter 1

215 107 3
                                    

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. I groaned when I felt a heavy thing in my tummy. Tiningnan ko kung ano ito and I was shocked to see an arm!

Beside me is Zaiden, who is now sleeping peacefully. Ang gwapo niya pa rin kahit tulog, pero medyo maamo siya tingnan kapag ganito kumpara kapag gising siya. Aaminin kong medyo na-intimidate ako sa kaniya kahapon. Pero inuna ko ang kaharutan kaysa ang matakot sa kaniya kaya ang ending ay ito at katabi siya.

I still can't believe that I almost did it with Zaiden. If malaman ng mga kapatid at pinsan ko 'to ay baka nabatukan na nila ako. Una, dahil sa legacy ng pamilya namin. Pangalawa, ay dahil hindi ko kilala nang lubusan ang lalaking kamuntikan ko ng magawan ng milagro.

To make it short, our family has a legacy. Iyon ay alagaan ang pagiging birhen hanggang sa ikasal ka. Hindi ko alam kung kailan, saan, at sino ang nag umpisa ng legacy na 'yan pero no choice akong sundin nalang.

Kaya hanggang kiss lang ang nagagawa ko sa mga lalaking nakilala ko, kamuntikan lang talaga ang kay Zaiden.

Anyways, I'm so happy. I feel like I'm on cloud 9 while taking a bath. After bathing, nag suot lang muna ako ng bathrobe dahil wala akong extra damit. Hinanap ko ang dress ko kagabi but it was nowhere to be found now, napaisip tuloy ako kung ganoon ba kami kaharot ni Zaiden kagabi tipong nawala ang damit ko.

Nilibot ko ang buong kwarto pagkalabas ko sa banyo, it's huge. I never thought na may hotel like room ang bar na 'to. Hindi ko ganoon nakita ang buong silid kagabi dahil sa biglaang kaharutan ni Zaiden, well at least nagustuhan ko rin ang kamuntikan na pangyayari sa pagitan namin ni Zaiden. Napalingon ako kay Zaiden na mahimbing pa rin ang tulog.

He's still wearing his white sleeves and his pants yesterday. I sighed and sat beside him. Kinuha ko ang phone ko sa table na nasa gilid, bilib ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang ilagay ang gamit ko sa table habang may ginagawang kababalaghan. Umupo ako sa gilid ng kama habang kinakalikot ang phone ko.

I saw lots of missed calls and messages from my cousin, Elaila. Messages from my twin sisters. A call from my secretary and two chats from my parents. Marami pang iba't ibang messages from boys pero hindi ko binuksan kailan man ang mga 'yun. This is all Meeva's fault, lahat ng lalaking nagtatanong tungkol sa phone number niya ay yung akin ang binibigay. Only because she wants me to finally settle down.

Twenty-five na ako pero ang tanging stable lang sa akin ay ang financial, bahay at sasakyan. Hindi naman ako pine-pressure ng parents ko na magpakasal na, kung tutuusin ay strikto si Daddy kaya ang ibang lalaking sinubok kong ipakilala sa kaniya ay tumatakbo o di kaya lumalayo sa akin.

Ang ending, walang nagtagal sa akin. Wala rin naman akong paki sa kanila, hindi ko kailangan ng lalaking sa Daddy ko palang ay takot na. Hindi pa nila nakikita kung paano magalit si Mommy dahil sa maamong mukha nito. Even the twins are scary when they're mad.

Kaya tipo ko talagang mapangasawa ay ang malakas at malaki ang katawan so they can protect me and mabusilak ang puso. Plus points nalang siguro ang kapogian at kayamanan.

I

glanced at Zaiden and unknowingly smiled. Malaki at malakas si Zaiden, may-ari pa ng bar ang kapatid niya so I bet he's also successful. And the way he treat me yesterday-such a gentleman!

Kung ibang lalaki 'yun, siguro ay pinagsamantalahan na nila ang pagpayag ko kahit malaman pa nilang yun ang unang beses na susubukan ko ang bagay na 'yun.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: May 06 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Shivani Series #1: Sereia Verena ShivaniHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin