Chapter 5

13 1 0
                                    

Chapter 5- With the bad kids

*×...×*

"Say no to Incredible Phoenix!", sigaw ni Raven na parang nagpo-protesta pero hindi siya pinansin ng mga students, "Say no! Our powers are not for sale! Our powers are not for sale! Hindi ito pinamimigay sa kahit na sino o binebenta! Say no to Incred---"

"Tss... Like they are gonna side you.", wika ng isang babaeng studyante na tumatawa pa habang tsinitsismis si Raven sa mga kaibigan neto.

Tumawa ang babaeng nasa tabi neto. "Diba 'yan ang weirdo? Hahahahahaha! Pinapapasok pa 'yan? Nakakaloka---"

Naputol siya sa sasabihin nang ginamit ni Raven ang kaniyang kakayahan para kontrolin ang utak ng limang babae.

"Ngayon... sabay na tayo...."

_____

"Our powers are not for sale!"

"Hindi ito dapat binebenta!"

"Say no to Incredible Phoenix!"

"Walang kwenta ang convention!"

"Sina-scam nila tayo!"

"Our powers are not for sale nor for donation!", sigaw ni Raven kasama ang mga babae habang kinokontrol pa neto ang mga utak.

Nang nakita niyang paparating ang principal, umirap siya dahil alam niyang malalagot talaga siya. The principal greeted her with a smile habang may pinalabas na red card.

Raven rolled her eyes once more as she took the card out of his hand while she still didn't stop the mind manipulation.

Nang akmang aalis siya, nagsalita muli ang principal.

"Miss Quin?"

Mabilis na tinigil ni Raven ang mind manipulation at pumunta sa detention room. Nang nasa daan siya papunta roon, nasalubong niya ang kaniyang kakambal.

"You okay?", agad na tanong nito.

Raven nodded. "Okay lang talaga ako. Mild mingraines lang daw 'yun. Una na ako."

"You know we're twins, right?", biglang tanong ni Hawk.

"Oo naman.", tumango si Raven, "Bakit mo natanong?"

"Kasi hindi tayo palaging magkakasama...", ngumuso ito na ikinatawa sa kakambal.

"Ulol! Malamang! We're not always gonna be together."

"Are you sure you're okay?", ikailang tanong na ni Hawk sa kakambal.

Tumango naman si Raven na walang expresiyon sa mukha. "Oo... Okay na ako.", nang hindi pa mukhang nakumbinsi si Hawk, nagbuntong hininga si Raven, "Huwag ka nang mag-alala. I think I reached my limits na so... hindi na mauulit."

"Promise?"

Ngumiwi si Raven. "Uh... hindi ako mangangako dahil hindi natin alam ang susunod na mangyayari---"

Sumama agad ang mukha ni Hawk. "Raven!"

"Pero susubukan ko.", wika ni Raven bago nagpaalam na pumunta sa detention room.

_____

Lyve walked down the hallway when she was greeted by fellow football players.

"OoOooh~ look who came into town, the whale of Nox High."

"What do you want, Jeffry?", tanong ni Lyve.

Ngumiti lang si James. "Famous ka, famous ako, kaya naman... What do you say, Lyve? Will you be my moby dick?"

"I don't date scumbags, Jeffrey. At ayaw na ayaw ko ang mga taong tinatawag akong isda.", pagkasabi nun, nang-itim ang kaniyang mga mata at may lumabas na shadow demon na kamay galing sa anino ni James at hinawakan ang paa niya.

Nang tumalikod naman si Lyve at iiwan na may humahawak sa paa ni James, nasalubong niya ang principal. Nangbuntong hininga ito.

"Anak kita pero hindi 'to pwede, Alyve Vienn.", with his long face, he pulled out a red card na ikina-irap ni Lyve at kinuha ito bago pumunta sa detention room.

_____

*nom *nom *nom *nom

Someone cleared their throat.

"Eh?"

May pinalabas naman na red card ang principal dahil sa dami ng kinain ni Travis na kalat na kalat na ang hallway.

"Ahm... hindi akin 'to.", ngiwi na wika ni Travis, "Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga ito. Nakikikain lang ako... uh... hindi naman ako ganito katakaw."

Kahit na ganon, pinapunta pa rin siya ng detention.

_____

"Oh? Ano na?", tanong ni Gemini sa kaniyang ibang sarili.

Tumango ang kaniyang clone. "Malapit na... Sandali nalang..."

"Bilisan mo!"

"Huwag ka ngang sumigaw..."

"Ang hirap kayang batayin ka... Ang daming tao na napapaligid."

"Ano ba?!"

The door opened revealing the principal. Nasa laptop kasi si Gemini na sana palitan ang rank niya sa school pero... lagot na siya ngayon.

"Detention."

_____

It was PE for the other class. Walang imik na nagbabasa si Krystal sa kaniyang libro habang naglalaro ng dodge ball ang buong klase. Ayaw na ayaw kasi niya ng PE. Lalo na't kapag dodge ball.

Humilik si Krystal nang tinawag siya ng PE coach. Hindi siya nakinig at patuloy sa pagbabasa. Nang narinig niyang sumigaw si Tristan.

"Hey, Krystal!", tumatawa pa ito.

Nang tumingin si Krystal sa direksiyon nito, gulat siyang nakita ang dodge ball na patungo niya. Nasalo naman niya pero nagalit siya nang tumatawa si Tristan. Krystal was really angry when she deflated the ball.

Narinig sila ng pito. Tumingin sila sa PE coach na naglabas ng dalawang red card.

Na naman?!; Krystal thought.

*×...×*

Detention at Nox HighWhere stories live. Discover now