CHAPTER ONE

833 38 5
                                    

7 years ago....

LAKAD-takbo ako'ng nagpunta sa Gymanasium ng school namin. 30 minutes na ako'ng late sa usapan namin ng bestfriend ko'ng si Kim. Dali-dali na ako'ng pumasok sa loob at hinanap ang kaibigan ko. Agad ko naman siyang nakitang naka-upo sa isa sa mga bleachers sa dulong bahagi ng Gym. Agad ko naman siyang tinabihan.

Nakasimangot ito at parang nakipag-away pa ang itsura. Ang weird lang, hindi naman pala-away ang kaibigan ko'ng ito. Sa aming dalawa siya nag may pinakamalakas ang Control at pagpipigil sa sarili, ako pa ang mas may tendency na makipag-away sa aming dalawa. Magmula Freshman year namin up until now ay inseperable kaming dalawa. Pareho kami ng mga gusto at hilig, lalo na ang pagka-adik namin sa kape.

Sa antas ng buhay niya, ako ang napili niyang maging kaibigan. Mayaman ang pamilyang pinagmulan ni Kim, completely opposite to mine. Nakapasok lang ako sa University ng dahil sa scholarship. Sa awa ng Diyos ay pareho na kaming third year college sa kursong Business Mangement. Lahat ay pinagkakasunduan naming dalawa maliban na lang sa isa...

Malakas akong tinapik ng kaibigan kong si Kim, bagay na nakapagpabalik sa akin sa huwisyo, hindi pa nga siya nakuntento at nagawa pang hilahin ang braso ko. Napangiwi naman ako sa lakas ng pagkakahatak niya sa akin, halos bumaon na ang mga kuko at daliri niya sa braso ko.

Hinila niya ako sa mas dulong bahagi pa ng bleacher na malayo sa karamihan ng tao sa loob nito. Iniisip ko na tuloy ang kasalanang nagawa ko, pero kahit na ano'ng flashback ang gawin ko eh hindi ko talaga malaman ang piangkakaganito niya.

"Aray!" daing ko. Talagang masakit na ang braso ko "Bakit na naman ba? asik ko sa kaniya.

May kinuha siyang isang nakatuping papel sa loob ng bulsa niya at iwinagayway pa sa harap ko. Pamilyar sa akin ang papel na 'yon. Isa iyong pink stationary paper na may mga design na unicorns. Ang love letter na ginawa ko para kay Dave.

"Ano 'to? Ano ka ba naman! 'di ba at sinabi ko na sayo na 'wag mong gagawin 'to?" Pumahalukipkip pa ito.

Guilty ako sa pagkakataong ito. Sobrang alam ko ang ginawa ko'ng kalokohan. Ni hindi ko na masalubong ang tingin niya sakn.. Galit na galit na siya. .

"Akin na nga iyan!" Pahablot kong kinuha sa kaniya ang papel. "Saan mo ba kasi nakuha 'yan"

"Aba naman, Hoy, Annie Leighton! hindi ka na bata para sa pantasya mo, puwede ba? Itigil mo na yan!"

"Bakit? Ano ba ang masama sa pagbibigay ng love letter? this is how I express my feelings eh--"

"Feelings? Hoy Leigh! tapos ano? sa akin ka na naman iiyak? rinding-rindi na ako sa pag-atungal mo sa tuwing nag-ngangawa ka sa ka-dramahan mo na para kang asong may rabis"

"Iba si Dave, Kimberly--"

"Paanong iba? ni hindi mo nga kilala yung lalaking iyon," asik niya sa akin. "Lolokohin ka lang niya!"

"Kim naman," napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko masabi sa kaniya na mahigit anim na buwan na nang sagutin ko si Dave. Na gui-guilty ako, si Kim lang ang nakakakilala sa akin ng husto at ang nag-iisang kaibigan na meron ako. Nagawa ko pa'ng maglihim sa kaniya.

"Ipapakilala kita sa kaniya, Kim, tara na. hinihintay na niya tayo sa gate." ani ko. Hinila ko na siya palabas ng Gym.

Tama naman siya, 20 na ako, mas bata siya sa akin ng dalawang taon. Mas mature pa nga si Kim sa akin mag-isip at kumilos. at sa edad kong ito, ako pa ang alaga in sa aming dalawa, para pa rin ako'ng batang mag-isip at umasta, lalo na pagdating sa salitang LOVE.

Ako yung tipong pinag-iisipan muna lahat ng ginagawa at sinasabi ko pero gaya ng iba, tao lang ako. Marupok. Lalo na pagdating sa salitang LOVE. Madali akong ma-in love at ma-fall ng basta-basta. Hindi ko alam kung bakit ang hina ko pagdating sa love. Ilan na nga ba ang mga naging lihim na boyfriend ko na sinaktan lang ako at iniwan. Tanging si Kim na bestfriend ko lang ang nag-iisang nakakaalam ng lahat ng sakit at pasakit sa buhay ko. Mapa-pag-ibig man iyan o buhay pamilya ko.

************

Bata pa lang ako, na-i-imagine ko na naglalakad ako sa harap ng altar. Wearing a simple white gown, habang hawak sa mga kamay ko ang isang bouquet ng favorite flowers kong tulips at carnation. I'm a hopeless romantic. In love ako sa salitang 'love', as in halos lahat ng Movies na related sa love ay na-picture out ko na ako mismo ang bidang babae sa isang love story na may happy ending, masama ba yon? lahat ng tungkol sa love gusto ko konektado sa akin at lahat ay masaya.

Gusto ko lang maramdaman ang magmahal at mahalin. Mahalin na walang exemptions, mahalin unconditionally. Sabi ko sa sarili ko, pag dumating yung time na iyon, hinding hindi ko na pakakawalan pa. And now is the time..

Nakangiti siya habang papalapit sa akin, may bitbit pa siyang bulaklak at iniabot sa akin. Nahihiya naman akong tinanggap ito, ang sweet naman ng boyfriend ko, may pa flowers pa. Hindi naman namin anniversary at lalong wala namang okasyon para bigyan niya ako ng bulaklak. So, ano kaya ang meron?

"Anong meron at may pa flowers ka pang alam?" tanong ko habang pinipilit kong itago ang kilig ko.

"Bakit masama ka bang bigyan ang girlfriend ko?" pa-awa effect pa niya.

Mabilis ang sumunod na naging oagkilos nito, lumuhod siya at dunukot sa bulsa nito ang isang pulang kahon.

"Annie Leighton Mercader, Will you marry me?" tumambad sa akin ang isang diamond ring. 'Yung klase ng sing-sing na pinapangarap ng mga babae. Hindi pangkaraniwan, malaki at makinang

Nakatitig lang ako sa lalaking nakaluhod sa harap ko, pilit ko'ng iniintindi ang mga salitang binanggit at lumabas sa mga labi niya. Hindi ako makapaniwala. Siya, si David Montecillo...ang lalaking nakaluhod at nag aalay sa akin ng isang sing-sing, hindi ko alam kung paano ako mag re-react, ni hindi ako makahinga. Is this for real? No! this is...it! he is now proposing to me.

"Yes!" nangangatal pa akong sumagot. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang mga pangyayari, basta ang alam ko lang... Ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Ang tagal ko rin na hinintay ito and now it's all happening.

Naramdaman ko na lang na isinusuot niya ang sing-sing sa daliri ko at ang pagyakap ni Dave sa akin. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya...bakit ba ang hirap kumilos at magsalita sa harap niya. Para akong dinala sa dream land, kung panaginip man ito, wag na muna sana akong magising.

"You are now mine!" he grinned. Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito...


WIFE SERIES : The Life I Chose (UNEDITED)Where stories live. Discover now