She Will Be Love

23 8 27
                                    


Unedited|Raw

-----

"Salamat nga pala dito," kahit na nangangatog ang aking tuhod sa lamig at parang kinukulit ang aking talampakan sa lamig ay pumasok ako ng mini store para ibili siya ng kape.

"Ayus Kana?" I ask her. She yawned before nodding but I know her better. Hindi siya okay.

"Delilah," tawag ko sakanya. Nakatingin siya sa labas ng glass wall at bahagyang nakatulala doon.

Kumalat na ang eyeliner sa kanyang mata, kanina pa sigurong umiiyak. Nasa likod niya nakasampay ang case ng kanyang gitara.

"Hindi ka na ba nilalamig?" Humiphip muna siya ng kape bago umiling. She's wearing my jacket kaya ako naman ang nilalamig pero ayus lang. Basta mainitan lang siya.

"May matutuluyan ka na ba?" Tanong ko kahit puro tango at iling lang ang natatanggap kong sagot mula sakanya. I wonder what's running in her mind. Mahirap siyang basahin sa totoo lang.

"Ayus ka lang ba?"

Sa wakas. Tumingin siya saakin ng mata sa mata, agad kung napansin na namumula ang ilong niya at mas lalong pumugto ang mata niya, ng suminghot siya at tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigil.

Dumukdok siya sa lamesa at doon umiyak. Aaminin ko, kahit na ilang taon pa ang lumipas. Masaya ako kahit papaano May mga bagay parin na hindi nagbabago sakanya.

Itinukod ko ang aking siko sa lamesa at ipinatong ang aking baba sa likod ng aking palad. Ang isa kong kamay ay ang humagod sa kanyang likod. Nilaro-laro ko ang kanyang buhok.

"Ano bang nangyari, ba't sad mode ka?" Tumingin siya sa gawi ko, muntik na akong natawa ng makita ang mga mata niya. Para siyang panda.

"Pinalayas ako ni Papa," panimula niya. Umayos siya ng pagkakaupo at pinunasan ang kanyang mga luha. Mas lalo tuloy kumalat ang kanyang make-up.

I badly want to dry her tears. I badly want to embraced her tight then kiss her to fade her problems and burdens away. Pero hindi ganon kadali yon.

"Sabi niya, malandi daw ako tulad ng nanay ko. N-na nagpalaki siya ng p-pokpok.." she sobs.

I smiled bitterly. Parang sinasakal ang puso ko sa tuwing nakikita siyang umiiyak. I sucked my lower lip to control my self. Don't cross the line, Jandro.

"Masama bang m-magmahal? Ang tuparin ang pangarap?" Mas lalo siyang yumupyop at umiyak. Parang sinusuntok ang aking tiyan habang pinagmamasdan siyang umiiyak. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil wala man lang akong magawa para maiparamdam ko sakanya na mahal ko siya at nandiyan ako para sakanya palagi.

"Shhh.... Hush... Gusto mo sa ibang lugar tayo?" Tumango siya at tumayo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at ayaw ko siyang mapahiya.

Kinuha ko ang lalagyan niya ng gitara para sana ako ang magdala niyon pero sinenyasan niya ako ng wag na..

Hawak niya ang kanyang kape ay lumakad kami patungo ng plaza. Habang naglalakad kami ay walang nangangahas na magsalita ni isa saamin. Hinayaan ko naman siya, nang makarating kami sa park ay umupo siya sa bench.

"I hate my life, Jandro..." She cries.

"Gusto ko lang naman sumaya?! Tangina, masama ba?! Nakakasal na kasi! Putangina! Putangina!" Nagpapadyak siya at nagwala. Agad ko siyang niyakap kahit na saakin a tumapon ang kapeng hawak niya.

Tumawid sa suot ko ang init ng kape. Napapikit nalang ako, wala sa sakit ng paso ang nararamdaman niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sana malipat saakin lahat ng sakit na pinagdadaanan mo. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan ng ganito at wala akong magawa dahil wala naman akong karapatan.

One Shot Compilation Of My Favorite SongsWhere stories live. Discover now