50 Finale

3.5K 110 5
                                    





Finale
"Skyler?pasuyo naman ako hon ng asin".pakiusap ni kim sa asawa na nakaupo sa maliit na mesa dito sa kusina habang nakatingin sakanya.Mas pinili nilang umuwi sa mansion nina kim dahil ayaw ni kim na makitira sa ibang bahay.Dito kasi sa mansion ay silang dalawa lang dahil nasa abroad lagi ang parents niya.

Isang buwan na ang nakaraan matapos ang drama niya noong akala niya ay iniwan na siya ng asawa.

Tumayo siya at kinuha ang ingredients sa harap niya na nakalagay sa itim na tray at inilapag sa tabi ni kim.

"I love you kim".nang yakapin niya ang asawa sa bewang at hinalikan sa leeg.

"Skyler ano ba!tikman mo 'to".hawak nito ang kutsara na may sabaw ng adobong manok.Mula sa likuran ay tinikman naman ni skyler.Ayaw niyang humiwalay sa pagkakayakap sa asawa.

"Medyo kulang sa paminta at toyo".nang matikman na matabang ito.

"Kim?bili tayo ng mga damit ni baby".excited na sabi ni skyler dito.Hindi pa sila nakapa ultrasound kaya hindi pa nila alam ang gender ng kanilang baby.

"Saka na,kapag alam na natin ang gender niya."tinanggal ni kim ang kamay ng asawa na nakapulupot sa kanyang bewang.

"Isa pa,wala kapang alawans".nakangiting sabi ni kim saka hinarap si skyler.

"Damn!papatayin ko talaga ang kyler na yun.Iuntog ko talaga ang ulo nila ni kevin".nakasalubong ang kilay na wika ni skyler at naikuyom nito ang kamay nang maalala ang kalokohang ginawa nila.

Ang inihatid kasi ng driver sa airport ay ang yaya ni kim na pinetesyon ng anak sa canada.
Si nancy naman ay kinausap din nina tyron na kung sakaling makita si skyler sa airport ay iyon ang gagawin at sasabihin niya.

Alam na nila na sa mansion ito didiretso at magwawala pagkatapos, kaya nakahanda na ang kanilang papel at ballpen para itally ang lahat nang mabasag nito.Mas pinili nilang si kevin ang magsabi na umalis na si kim para paniwalaan ito ni skyler.Minsan lang kasi ito magsinungaling kaya mabilis na napaniwala niya si skyler.

"Hayaan mo na yun.Isang buwan nalang din naman e.Isa pa,kasya naman sa atin ang alawans ko".habang tinitimpla ni kim ang adobo.Lihim na napangiti siya.Ang totoo ay hindi naman talaga nawala ang alawans nito.Sakanya lang ibinibigay ng biyenan.

"Hindi e!magmula noon,ako na ata ang pinagtitripingan nila e.Makakaganti din ako sa tatlong iyon".determinadong wika ni skyler.

Napangiti si skyler nang mapansin ang suot ng asawa.Wala itong bra at ang tanging suot lang ay ang mahabang sando niya na hanggang tuhod nito ang haba.
Napakasarap sa pakiramdam na paggising niya kada umaga ay ang simpleng asawa niya ang nakikita.Nakapusod ang buhok nito at walang kahit na anumang make-up.

Sabi nga nila,nakikita ang tunay na ganda ng isang babae tuwing umaga.Kapag wala pa itong makeup at kahit na anumang  kulurete sa katawan.Isa na si kim doon,DYOSA sa ganda.

"H'wag mo akong tingnan ng ganyan.".nakapout na saway ni kim habang nakapamewang ang kaliwang kamay at ang kanan naman ay may hawak na santok.

"Wala naman sigurong masama kung tingnan kita diba?"napailing nalang si kim dito.

"P-pasensiya kana hon ha?hindi ko sinasadya".malungkot na sabi ni kim nang hawakan ang braso ng asawa.Puno kasi ito ng kalmot niya.Ayaw din niyang magpaputol ng kuko dahil sa tingin niya ay manghihina siya.Mas gusto niyang lagi itong ipa manicure.

"Okey lang,Naintindihan naman kita e,buntis kalang kasi kim.Kahit na gawin mo pa akong punching bag,Walang problema sa akin iyon.Basta bago lumubog ang araw,at bago lumabas ang buwan ay nagkakasundo tayo at ikaw ang katabi ko sa pagtulog".niyakap niya muli si kim.Aaminin niya,masakit na ang katawan niya sa pambubogbog ng asawa.Lalo na ang likod niya,puno ito ng kalmot.Sa tuwing maglalovemaking sila ay laging nakabaon ang kuko nito sa kanyang balat.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paWhere stories live. Discover now