CHAPTER 30

32 7 31
                                    

"Doc! Gising na ang pasyente!" narinig kong sigaw ng kung sino

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Doc! Gising na ang pasyente!" narinig kong sigaw ng kung sino

Inilibot ko ang aking paningin sa isang puting kwarto na kung saan maraming akong nadidinig na tunog ng aparato. Sinubukan kong igalaw ang aking buong katawan pero ako lamang ay nabibigo dahil hindi ko 'yon maigalaw ng lubusan dahil sa mga aparato na nakalagay sa'kin. Ilang sandali pa, may mga Doctor ang lumapit sa'kin at sinusuri ako. 

"Mr. Ronan, Did you hear me?" tanong sa'kin ng Doctor matapos niya akong suriin. "Move your thumb kung naririnig mo ako." utos niya sa'kin na agad ko naman sinunod.

Gusto kong bumangon sa pagkakahiga dahil gusto kong makita si Hyacinth. Sabi ko na nga ba na isa lamang iyon panaginip. Alam ko naman na hindi ako iiwan ni Hyacinth. Naririnig ko siya t'wing gabi na kinakantahan niya ako at narinig ko din siya na sinabi niya na nandito lang siya sa tabi ko at hindi niya ako iiwan. Kaya napaka-imposible 'yon.

Napatingin ako sa isang Doctor ng bigla niyang sinuri ang mga mata ko. Inip na inip na ako gusto ko na talaga makita si Hyacinth. Maya-maya pa nang matapos niyang suriin ang mga mata ko sumenyas ako na tanggalin ang nakalagay na oxygen mask sa'kin. Agad naman iyon sinunod ng Doctor. 

Nang maitanggal na iyon, aasta sana akong magsasalita nang maramdaman na tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung ilang araw ba ako nakatulog para manuyo ng ganito ang aking lalamunan.Subalit, sinubukan ko pa rin magsalita.

"Where's Hyacinth?" I asked, hoarsely

Hindi nakasagot ang Doctor sa tanong ko, napansin kong tumingin siya sa may kaliwang direksyon ng kama ko, hindi ko alam kung sino ang tinitignan niya na para bang base sa itsura nito ay humihingi siya ng tulong. Pagkatapos ng ilang saglit ay bumaling ito sa'kin.

"You have to rest, Mr. Ronan, you're not fully recovered." aniya

Umiling ako. "Nasaan si Hyacinth?" seryoso kong tanong kahit hirap na hirap akong magsalita, napatingin ako sa likuran ng Doctor nang dumungaw ang bulto ni Daddy. 

Payat na payat siya at mukhang hindi siya natulog buong magdamag, linapitan niya ako at saka hinawakan ang aking kamay. Nangingilid ang kaniyang mga luha sa mata habang pinagkakatigan ako na tila bang hindi siya makapaniwala na nahahawakan niya ako ngayon.

"Son." malambing na sabi niya habang kumikibot ang labi nito upang pigilan ang luha na kanina pa nangigilid.

I reached his hand and gripped it tightly. "Dad, where's Hyacinth?" this time I asked him dahil alam kong masasagot niya ako sa tanong ko. 

Pinagkatitigan ako ni Daddy habang nagsisimula ng magsituluan ang kaniyang mga luha, umiling-iling ako, ayaw kong isipin ang tumakbo sa isipan ko ngayon. Unti-unti nagsituluan ang aking luha. 

"D-dad, nasaan si Hyacinth? Patawag naman oh, sabihin mo gising na ako."  para akong batang nagmamakaawa kay Daddy pero sa halip na sagutin at sundin ako ni Daddy, yumuko lamang siya. "D...d...a...d pl...e...ase." akma na mag-aangat muli siya sa'kin ng tingin nang biglang mangibabaw ang boses ni Kendra, napatingin ako sa kaniya.

WHAT WAS GOOD ABOUT TODAY? (ECCEDENTESIAST SERIES 2)Where stories live. Discover now