Chapter 52

46 3 0
                                    

Diana's POV

Parang sinadya ang pagkakataon, wala ang kamag-anak ni Marky na nakakakilala sa'kin pagpasok ko. Wala man lang nakapansin sa akin kaya ginamit ko iyong pagkakataon para makita si Marky. Nanginginig ang mga kamay ko habang palapit ako, puno na ng luha ang mukha ko buti na lang at naka-hoodie jacket ako. Nang makalapit ako ay parang mabubuwal ako sa kinatatayuan ko.

Nagkita na ulit tayo, Jerome. Nagpakilala ka na sakin bilang Jerome pero bakit nang-iwan ka kaagad? Bakit di ka man lang bumawi sa'kinBuong akala ko hindi na tayo magkikita pero nahanap mo ako. Bakit di mo man lang ako hinintay na masabi ko ang nararamdaman ko? Bakit kailangan nasa kabaong ka na habang nagtatapat ako ng nararamdaman? Oo, mahal kita, Marky. Kahit sino ka pa, Jerome man o Marky. Minahal kita at mahal pa rin kita.

Humawak ako sa salamin ng kanyang kabaong at hinaplos iyon. Dati, takot akong makakita ng patay pero ngayon parang gusto ko syang yakapin ng mahigpit sa huling pagkakataon.

Matagal akong umiiyak sa harap ng kabaong niya ng marinig ko ang malamig na tinig ni Charles.

"Sino ka?" malamig na sabi niya. Nanigas ako at napatakip sa mukha ko. Ayokong makita niya ako. Dapat hindi niya ako makita. Mabilis pa sa alas kwatro ako humarap sa kanya habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa mukha ko habang hoodie ay halos takpan na ang buong mukha ko sa laki.

Patakbo akong lumabas sa lugar na iyon ngunit ramdam ko na sinundan ako ni Charles. Pilit kong tinatakpan ang mukha ko at kahit hirap na ako sa pag takbo ay pinilit ko ang sarili ko.

"Diana!" malamig niyang tawag.

Napahinto ako. Nakilala niya ako!

Bago pa ulit ako makatakbo ay nahablot niya ang braso ko at marahas niya akong pinaharap at tinanggal ang hoodie ko.

"Ha! I'm right." may galit at malamig niyang sabi. Parang kulog sa pandinig ko iyon. Ang malalim niyang boses ay lalong lumalim.

Nagliliyab sa galit ang mata niya habang ang tingin ay nasa kung saan.

"May gana ka pa talagang pumunta 'no? Hindi ka ba nakokonsensya na ang anak ng pumatay sa tatay mo, pinuntahan mo?" nakangising sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"My dad kill your dad, right? Bakit kaya nagawa yun ng tatay ko sa tatay mo? I know my dad. Siguro may nagawa ang tatay mo ano? Alam mo ba kung ano—"

Sinampal ko siya ng malakas.

"Tsk. Alam mo ba kung ano? Nagnakaw. Ang. Tatay. Mo. Sa. Kompanya. Ng. Tatay. Ko." nakangising sabi niya ngunit galit ang mata nito.

"H-hindi a-ako naniniwala." sabi ko at iiling-iling.

"So don't! Wag kang maniwala! Hindi ba nasabi sa inyo? Ang akala mong perpektong tatay isang magnanakaw." bulyaw niya habang ako panay iling. Kumibot na ang labi ko. Nakahawak siya sa dalawang braso ko habang sinisigawan ako.

Tinaboy ko ang dalawang kamay niya nakahawak sa braso ko at matalim siyang tiningnan.

"Bakit hindi niyo patunayan sa korte, Charles?! Nasaan ang ebidensya ninyo na magpapatunay?! Ha? Nasaan..." nanghihinang sabi ko.

Natahimik siya ngunit panay pabulong na mura niya.

"Fvck. Shit!" mura niya habang ginugulo ang buhok niya.

"Nandito ako dahil gusto ko lang makita si Marky sa huling pagkakataon." umiiyak na sabi ko.

Panay lang ang sulyap niya saakin at kalaunay iiwas.

"Ako yung nauna pero bakit ako ang hindi minahal... Ako yung nandyan pero iba ang hinanap..." sabi niya at tinalikuran ako.

Nakatingin lang ako sa likod niya habang palayo ang bulto niya.

"Diana!" nagising ako sa pagkatulala ng maramdaman ko ang tapik ni Claire at Sandra.

"Sabi ko na nga ba pupunta ka 'e!" sabi ni Claire at tinapik ang noo niya.

"Ang galing mo dun, Claire. Idol na kita. Talino mo dun sa part na wala yung mga nakakilala sa kanya." turo ni Sandra sa akin habang tumatawa pero biglang nagseryoso ng hindi ako nakitawa.

"A-ah Diana... Ako yung nagplano—gusto ko lang na makita mo siya." nakayukong sabi ni Claire.

"Salamat." wala sa sariling sambit ko.

Tumango lang siya.

May nag ring na selpon at nakita ko na kay Sandra iyon.

"Po?" sagot ni Sandra dito.

"Ah hehehe. May b-binili ako. Opo. Pauwi na hehe." pagkapatay niya ay humarap siya sa amin.

"Sige umuwi ka na." sabi ko na nakangiti.

"Sige ha. Si Claire na lang maghahatid sayo dala niya yung kotse ni Tito Clyf." sabi niya at kumaway sa amin.

"Diana... Ano okay ka lang?" sabi niya.

"Pa'no?" sambit ko at patuloy na umiiyak.

"Diana, sorry..." sambit ni Claire habang pinapatahan ako.

Umiling ako at tiningnan siya.

"Wala ka namang kasalan. Ako ang may kasalanan—kung hindi ako pumunta, walang ganito. Hindi sana sobrang mabigat sa dibdib ko!" sabi ko habang pinapalo ang dibdib umaasang mawawala ang sakit.

Hinila ako ni Claire sa di ko alam kung saan ako dadalhin at nagpatianod na lang ako.

Nakarating kami sa isang bench sa gilid ng daanan. Naupo kami doon at tahimik ako na umiiyak.

Hindi ko alam pero nagsimula na akong magkwento sa kanya ng pangyayari noon na kung saan kasama ko si Marky noong bata pa kami. Tahimik lang siyang nakikinig.

"Kaya noong naghiwalay kami kasi kailangan na siyang kuhanin ng totoong magulang niya, sabi niya h-hahanapin niya a-ako. Pinatunayan ni...niya yun. Tinatanong ko nga kung bakit pa siya kukunin ng magulang niya kasi nandyan naman si Aling Gaby at Mang Roberto na magulang niya pero sabi niya komplikado daw talaga ang buhay niya at pamilya niya." nakangiting sabi ko habang inaalala ang lahat-lahat.

"Parang kami, komplikado." hugot ni Claire kaya natawa ako.

"Hoy! Anong nakakatawa? Komplikado talaga." naguguluhang sabi niya.

"Si Jaden yan 'no?" pang-aasar ko habang nagpupunas ng luha.

"Hindi ah! Yung...yung ano—" nagpalinga-linga ako sa paligid. Madilim na at malamig na ang gabi pero may napansin akong nakatayo sa isang poste na may kalayuan samin. Napatayo ako.






"M-marky?!" naguguluhang sabi ko.

***

At dahil sinipag ako, ayan!! Nagsulat ako. Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa nitong story ko kahit sobrrrrrrrrang tagal bago ko matapos. Maraming salamat sa inyo. Di ko akalain na may magbabasa nito HAHAHAHAHAHA. Thank you ulit!

-c

Highschool LifeWhere stories live. Discover now