Tapos na ang lahat...

1.8K 77 21
                                    

Anya

Abala ang punong konseho at kabayan sa pagbibigay opinion kung sino nga ba talaga samin ang nararapat na maging reyna.

Kalat narin ang pagbabalik ng nawawalang prinsesa sa kaharian.  Ang iba ay natuwa dahil nakabalik na ako ang iba naman ay nagalit sa balitang maaaring mapalitan si astra sa pagiging reyna.

Hindi ko naman sila masisisi dahil si astra ang kinilala nilang reyna at prinsesa noong mga panahong wala pako dito kaya nirerespeto ko nalang ang kanilang mga pananaw kahit naapakan nito ang ego ko.

Kasalukuyan nga pala akong umiinom ng tsaa habang nakamasid sa magagandang bulaklak rito sa hardin.

Wala rin sina yuro at pury dahil kasama sila ng inang reyna. Sila kasi ang kinuha nitong gumabay sakanya kapag naging pinal na ang kanyang pasya.

Alam kong mahirap ito sa reyna dahil pareho niya kaming apo ni astra kaya paniguradong mahihirapan itong magdisisyon.

Ngunit sino nga ba talaga samin ang karapat dapat ni astra? Ako na hinirang noon paman o si astra na may sapat na talino at abilidad upang pamunuan ang kaharian.

Maging ako ay hindi masabi na ako ang karapat sapat dahil maaring hinirang lang ako ngunit hindi naman talaga ako ang karapat dapat na maaupo sa trono.

Iba parin naman talaga ang may abilidad at alam sa pamamahala kaya hindi ako masasaktan kung si astra ang piliin dahil alam kong karapat dapat naman siya.

"Marahil ay masaya kana" muntik ko ng maibuga ang tsaa na nasa bibig ko ng bigla nalamang sumulpot sa gilid ko si astra

Ibinaba ko ang tsaa na aking iniinom at pinagmasdan siya.

Wala na ang masayahin at nakangiting astra na kilala ko...tuluyan na nga itong napalitan ng walang emosyon na astra.

Tumayo ako sa harapan niya.

"Tingin mo ba ay masaya ako?" Balik na tanong ko rito.

Ngumisi siya na hindi niya naman ginagawa noon at umupo sa kinauupuan ko kanina.

"Sa tingin ko ay oo sapagkat unti unti mo nang naaagaw sakin ang lahat."

Ouch ganon ba ang tingin niya sakin isang mang-aagaw.

Nagsalin siya ng tsaa sa baso ko at ininom ito. Bahagya akong namula ng maisip kong indirect kiss namin yon pero naalala ko mag pinsan nga pala kami kaya nawala rin agad ang saya sa puso ko.

"Nagkakagulo ang lahat sa pagdating mo..maging ang kabayan at konseho ay nag-tatalo para lamang maihalal ang karapat dapat na reyna sa kahariang ito..lahat ng yon ay nagaganap ng dahil sa pagbabalik mo"

Alam ko astra..alam ko..

"Alam mo bang kinamumuhian kita?" Tumingin ito sakin at kitang kita ko ang galit sakanyang mga mata.

Nasan na ang astra na kapag tinitignan ako ay pagmamahal lang ang tanging nakikita ko? Nariyan pa kaya siya o tuluyan ng naglaho...

Naglakas loob akong tanungin siya kung bakit kahit alam ko naman ang maari niyang isagot.

"Bakit astra?...bakit kinamumuhian moko?" At bakit hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na ibinahagi mo sakin noon..bakit?..

Tumayo siyang muli dala ang tasa ko at pinagmasdan ang mga bulaklak na kanina ay pinagmamasdan ko.

"Sapagkat ng dahil sayo may posibilidad na mawala sakin ang lahat"

So tungkol nga talaga ito sa kapangyarihan..

BOOK 1: The uncrowned princess and the  of Alta (GXG) (COMPLETED) SEASON I Where stories live. Discover now