11

20.2K 231 19
                                    

"Lokaret! Hindi iyon totoo! Nagpapaniwala ka dun sa sinabi asawa mo?!" Sabi saakin ni Yna. Nandito kami sa Cafè expresso, nag-aya si Gaga tsaka miss ko na kasi siya kaya keri lang.

"Hindi talaga totoo?" Tanong ko sakaniya.

"Siyempre! Maloko talaga iyang asawa mo! Sino ba naman maniniwala na mababaog  siya kasi hindi kayo nagssex?! Alam namang buntis ka, eh! Maiipit ang bata!" Sabi niya saakin. Agad kong natampal ang bunganga niya. Wala talagang napipili ang maingay na bunganga neto.

"Aray ha!" Sabi nito saakin at inirapan ako.

"Bunganga mo! Marinig ka ng iba diyan! Nako, talaga 'tong babaeng toh!" Sabi ko sakaniya sabay sipsip sa frappe ko.

"Eh totoo naman eh! Baog na kasi hindi nagsex? Ano iyon?! Alam mo, damoves lang iyang asawa mo!" Ba't ba 'to ganto maka-react?! Sila ba nagssex ng asawa ko? Diba hindi? Kami naman eh!

"Huminahon ka nga. Kalma okay? Mamaya lang saakin si Kyle!" Sabi ko sakaniya. Inirapan naman niya ako. Tamo 'tong babaeng toh! Siya pa hysterical kesa sakin. Psh. Agad naman akong napalingon sa may pintuan at saktong may pumasok na babae rito. Morena, matangkad, halatang sosyalera. Napansin ko rin ang mga kalalakihan na nakatingin sakaniya. Well, meron ring mga babae.

"Ang arte teh!" Narinig kong sabi ni Yna. Tiningnan ko siya at yung babae pala yung sinabihan niya. Bagkus na sagutin ko siya ay ibinalik ko ang tingin ko sa babae. Parang nakita ko kasi siya, eh. Basta hindi ko lang matandaan. Pamilyar saakin ang mukha.

Tumitig ako sa sahig at baka nandon ang kasagutan. Aish. Talaga naman! Binibigyan ko talaga ang sarili ko ngg problema! Nakakainis. Hala mag-isip ka ngayon!

"Tulala ka ata ateng?" Biglang tapik ni Yna sa braso ko.

"W-wala may iniisip lang." At nanatiling manahimik uli.

Bigla kong naisip ang babae sa opisina ni Kyle! Tama! Siya yung babae na walang pakundangang hinalikan ang asawa ko!

Nakaramdam ako ng pag-akyat ng dugo ko sa ulo. Hindi ko pa napapatikim kung sino ang kakalabanin niya pag nagkataon. Matalim ko siyang tinitigan. Subukan niya lang talagang landiin ang asawa ko at mawawala lahat ng buhok niya! Tama! lahat! Sa taas man o sa baba! Sama pa natin ang kili kili niya, kilay niya at buhok niya sa ilong! Talagang uubusin ko iyon!

"Uhh.. A-ana.. Durog durog na ang cake mo.." Sabi ni Yna. Tama nga siya, Durog na durog na. Napabuntong hininga ako.

"Oo nga noh." Sabi ko sakaniya at inusog ang cake. Ayoko nang kumain nakakawalang gana ang pagmumukha ng babaeng iyon.

"Naku, juice ko Ana. Weird ha!" Sabi niya saakin.

"Yung babae kasing iyon.." At nginuso ko ang pangit na yun. "Yun yung kwinento ko sa'yo. Yung humalik sa pisngi ni Kyle ko" irita kong sabi sakaniya.

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango lamang ako. Nagulat ako ng biglaang pagtayo nito.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Jombagin na natin ng matapos na!" akamang pupunta na siya sa pwesto ng panget na iyon ngunit pinigilan ko siya.

"Stop. Papalampasin ko muna ang ginawa niya." sabi ko sakaniya.

"Ano?! Aba! Hindi puwede! Ang mga malalandi dapat bigyan ng leksiyon ng matuto! Mga bwisit sa lipunan! Katulad ng kurt na iyon! Malandi!" sabi niya saakin padabog na umupo. Hmmm. Kurt? I smell something fishy... May utang na kwento itong babaeng 'to.

"Nah, sa susunod na lang. Pag inulit niya lang talaga! Nako lang talaga.." Sabi ko sakaniya. Binalik ko ang tingin ko sa pweste ni panget pero wala na siya roon. Wow, bilis mag-teleport huh.

Hindi rin kami nagtagal sa Cafè ni Yna. Kailangan niya kasing makauwi agad dahil darating si Tito James at Tita Janine--parents ni Yna. We bid goodbyes at heto ako papunta sa pinaka-miss kong babae. My mom. I miss her even though I didn't see her face until I grew up. Sa picture ko lang siya nakita and she's the most pretty woman I've ever see. Ano kayang feeling ng may nanay?

Dumaan muna ako sa isang flower shop at binili ang paburito niya bulaklak. Ang tulips--na sabi saakin ni Dad. Pagkatapos kong makabili ay nagpunta agad ako sa isng private cemetery.

"Hi Ma," at inilapag ko ang bulaklak sa gilid at nagsindi ng kanidila.

"I miss you and Dad miss you too, of course. Sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw. Binabantayan ko po kasi ang mga apo niyo. Alam niyo Ma? Ang lalaki na nila. Sana nakita niyo silang lumaki. Ang g-ganda at g-guwapo nila, Ma! Mana saakin. Hehe.." At hinimas ko ang lapida. Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi. I really miss her. "Sana pala hindi ka nalang namatay Mama kasi.. Gusto kong makaramdam kung paano alagaan ng isang mommy at hindi Yaya. Ang unfair talaga ng Life Mama noh? Hayaan mo Ma, magkikita rin tayo. Pero hindi pa ngayon siyempre.. Hehe. Tapos Mama yayakapin kita ng mahigpit! At ikikiss kita sa magkabilang pisngi..  at mama,naaawa ako kay Daddy.. Miss na miss ka na niya. Alam mo Ma, naabutan ko si Daddy na umiiyak habang yakap yakap ang picture mo." Napayakap ako sa sarili ko ng biglang lumakas ang hangin. Napangiti ako. Si Mama 'yun.

"Naks naman Ma, Diyan kalang ah? Wag mo kong masiyadong takutin." at napatawa ako. "Miss na talaga kita Ma, I love you." Sabi ko at pinusan ang luha sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Agad ko naman iyon sinagot.

"Kyle." Yeah, It's him.

"Where are you?"

"Binisita ko si Mama. I brought her favourite flower." Sabi ko rito.

"Tulips? Yeah. Ikamusta mo ako.." Binalingan ko ang nitso-- "Mama, Kamusta ka na daw sabi ni Kyle." Sabi ko at hinaplos ko ito..

"Okay lang daw siya Kyle!" Sabi ko at humalakhak.

"Ang creepy mo Babe!" Sabi nito.

Hindi rin nagtagal ang uspan namin ni Kyle. Uuwi narin naman ako.

"Ma, Uwi na ako ah? I love you po.."

At tuluyan na akong umalis.

Miss ko na si Kyle..

-

Pasayahin niyo naman ako sa comment niyo please. :(( Ayaw ko kasi ng 'bitin'nakakadown po yun. Mahirap magsulat ano po? Kala kasi madali. Bawasan po natin ang pagkademanding. Happy happy!

Lovelotsxxx

SWMHT (SPECIAL CHAPTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon