CHAPTER 5

124 18 1
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 5:

—DOMINIC POV—

Bahagya naman akong nakaramdam ng konsensya sa ginawa ko doon sa babae, lalo pa't hindi niya kabisado ang palabas sa exclusive subdivision na 'to. Kaya agad ko siyang sinundan sa labas ng gate.

Ngunit paglabas ko ay hindi ko na siya makita.

“Ang bilis naman niyang nawala.” sambit ko sa sarili ko habang palinga linga.

Hindi ako mapakali. Kaya agad ko tinungo ang garahe kung saan nandoon ang kotse ko, upang hanapin ang babae.

——

—SCARLET POV—

“Mukhang mag uumaga na. Hindi pa ba tayo uuwe kung saan ka pansamantalang naninirahan ngayon?” tanong ni Gie habang nakaupo kami sa isang waiting shed.

“Natagpuan ko na ang susi ng Thysia.” saad ko.

“Ano? Oh ano pang iniintay natin? Bumalik tayo kung saan mo yun nakita ng makauwe kana Scarlet.” saad ni Gie.

“Nasa pangangalaga siya ni Dominic. Hindi ko alam kung paano ko yun makukuha sakanya.” paliwanag ko.

“Kung gusto mo talaga makauwe. Gagawa ka ng paraan para makuha ang susi.” seryosong pagkakasabi ni Gie.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko.

——

—KATHY POV—

“Nasaan ka?” agad na tanong ko kay Scarlet ng sagutin niya ang tawag ko.

Mag a-alas singko na kasi ng umaga pero wala si Scarlet sa silid niya. Lumabas narin ako ng bahay pero hindi ko siya makita.

“Nandito lang sa labas. Nagpapahangin.” sagot niya.

“Nagpapahangin? Sa labas?” agad naman akong dumungaw sa bintana. At nakita ko si Scarlet na nakaupo sa isang upuan sa ibaba ng puno ng acasia at masayang kumakaway sakin.

Agad naman kumunot ang noo ko ng makita ko siya. Wala naman siya doon kanina.

“Kanina ka pa ba d'yan?” tanong ko.

“Oo.” nakangiti naman niyang sagot.

“Oh sige, ibaba ko na 'to. Pumasok ka na dito sa loob. Magluluto ako ng almusal.” saad ko saka nag end call.

—SCARLET POV—

Kalong kalong ko si Gie ng pumasok ako sa loob ng bahay. Dahil sigurado akong pati siya ay nagugutom narin.

“Oh saan galing yang pusang kalong kalong mo?” pagtatak ni Kathy ng makitang may kalong akong pusa, si Gie.

Agad ko naman na inilagay si Gie sa isang upuan.

“Hindi siya basta pusa. Siya si Gie, kaibigan ko. At tulad ko, hindi rin siya nagmula dito sa Earth.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Wait lang ah. Wag mo sabihin sakin na. Alien din ang pusang yan? Naku Scar----”

“Parang ganun na nga.” sabat ni Gie kaya naman halos himatayin si Kathy ng makitang nagsasalita ang pusang si Gie.

Ngunit ilang saglit pa ay nahimasmasan narin naman si Kathy. Agad nga sila nagkasundo ni Gie, dahil certified Ailurophile si Kathy.

“Scarlet, kapag umalis kana. Pwede bang iwanan mo nalang 'tong si Gie. Gusto ko siya maging pet.” nakangiting pagkakasabi ni Kathy habang hinihimas ang makapal na balahibo sa tiyan ni Gie.

“Ayaw ko.” tila masungit na pagkakasabi ni Gie.

Agad naman natawa si Kathy.

“Oo nga pala Kathy. Nahanap ko na yung susi ng Thysia.” nakangiting pagkakasabi ko dahilan upang mula sa masayang mukha ni Kathy ay naging seryoso ito.

“Thysia? Ano yun?” curious na tanong ni Kathy.

“Yun yung sasakyan ni Scarlet pabalik sa bituin na kinabibilangan namin.” sabat ni Gie.

“Patingin ako.” intersadong pagkakasabi ni Kathy.

“Wala pa sa kamay ko. Pero alam ko na kung saan ko 'to makikita. Nasa pangangalaga kasi ito ni Dominic.” paliwanag ko.

“So, totoo pala talagang si Dominic nga ang makakatulong sayo na makauwe ka? Eh teka, paano naman yun napunta sakanya? Alien din ba siya tulad mo?” pagtataka ni Kathy.

Agad naman kami nagtinginan ni Gie.

“Hindi ko rin alam kung paano yun napunta sakanya. Ang importante sakin ay ang mabawe yun. Dahil kailangan ko ang susi na yun. Upang makabalik na ako.” saad ko.

“Anong plano mo ngayon? Paano mo mababawe yun kay Dominic? Sigurado akong hindi niya agad sayo ibibigay yun.” saad ni Kathy.

“Hindi ko alam. Pero, kung sabihin ko kayang. Alien ako? At ang susi na yun, ay kailangan ko upang makabalik na ako sa bituing pinanggalingan ko.” nakangiting pagkakasabi ko.

Bahagya naman napakamot si Kathy sa ulo niya.

“Sis, ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi lahat ng tao tulad ko ay bukas ang kaisipan pagdating sa mga Alien thingy. Baka isipin niya pang nababaliw ka at tumawag pa yun ng mental or mas worst, tumawag siya ng pulis.” paliwanag ni Kathy.

“Alam ko na. Diba, sikat na artista si Dominic? Edi, act like one of his fan. Para nakakalapit sakanya. Kapag naging close na kayo sa isa't isa. Doon kana magsimulang sabihin sakanya ang pakay mo. Ang mabawe ang susi ng Thysia.” dagdag pa ni Kathy saka siya kumindat sakin.

“Tama ang naisip ng kaibigan mo, Scarlet.” sabat naman ni Gie.

“Oh diba pati si Gie sang ayon sakin.” nakangiting pagkakasabi ni Kathy.

Sinunod ko nga ang gusto ni Kathy. Nagpanggap nga akong isa sa mga fans ni Dominic na sumusuporta sakanya.

May isang event na dadaluhan si Dominic bukas ng gabi. Kaya naging pagkakataon ko yun upang magpanggap bilang fan niya.

——

—DOMINIC POV—

Halos karamihan sa mga dumalo ng grand opening ng Sports Bar kung saan ako ang special guest ay puro fans ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero pakiramdam ko ay mayroon akong hinahanap na hindi ko makita.

“Dominic marry me!!”

“wOohOo Dominic!”

“Fafa Dominic! Ang gwapo mo!”

Malakas na sigaw ng mga fans ko at agad naman ako kumaway sa kanila.

Hanggang sa magtama ang tingin namin ng isang babaeng pamilyar sakin. Hindi ako maaaring magkamali, siya yung babae na miyembro yata ng budol-budol.

Ngunit bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit nakaramdam ako ng labis na tuwa ng makita ko siya.

Maya maya pa ay sunod sunod ng sinindihan ang fireworks na nagbigay kulay at liwanag sa kalangitan.

Nang tumingin ako sa kinaroroonan niya ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya naman nagpalinga linga ako.

—SCARLET POV—

Napaupo nalang ako bigla habang takip-takip ang tenga ko gamit ng dalawang kamay ko.

Takot ako sa ganitong klaseng ingay at takot din ako sa flash ng camera.

Nagulat na lamang ako ng may biglang may dalawang kamay ang tumakip din sa tenga ko kaya agad ako napalingon sa lalakeng nakaupo tabi ko.

“D-dominic?” nauutal ko pang pagkakasabi habang nakakatitig sakanya.

Agad naman siya ngumiti sakin.

Nang mga sandaling iyon ay para ba akong matutunaw. Hindi na ingay ng fireworks ang naririnig ko, kundi tibok ng puso ko. Pero bakit? Bakit ako nagkakaganito habang pinagmamasdan siya.

To be continue...

The Girl From Another StarWhere stories live. Discover now