Chapter 12

21 5 0
                                    


"Good morning hehe" sabi ko at naglakad ng mabilis papunta sa room.


"Why are you sweaty? Tumakbo ka ba? May humahabol sayo?" sunod sunod na tanong ni Yumi. Tumingin pa siya sa likod ko at nakita niya si Isaac na nakangiting pumasok sa room. Then, she looked at me. "May ginawa ba si Isaac sayo?"


"Ha? wala. It's nothing akala ko kasi late na ako kaya binilisan ko lakad ko." sabi ko. I think I convinced her kasi wala na siyang sinabi at tumango na lang. 


"Punta na 'ko sa seat ko" sabi niya at umupo na. Pumunta na ko sa tabi ni Ace. Buti na lang katabi ko si Ace kasi katabi ko din si Isaac. So if something happens alam ni Ace at makikita niya.


"You okay?" Ace looked worried tumingin pa siya ng masama kay Isaac.


"Yeah, don't worry" sabi ko at tumingin na sa harap dahil pumasok na prof. namin.


"Okay class dismissed," sabi ng prof. namin. Break time na namin after two subjecs. 


"Tara cafeteria," Yumi said. 


"Hintayin ko na lang kayo sa labas ng room." sabi ni Ace at lumabas na.


"Okay," sabi ko at inayos muna yung mga gamit ko.


"Tara," sabi ni Yumi ng matapos niyang ayusin gamit niya. Tapos na din naman ako mag ayos kaya nag lakad na ako. 


"Aray," sabi ko ng madapa ako. Dumaan kasi ako sa harap ni Isaac na dapat 'di ko ginawa. Dahil hinarang niya yung paa niya para madapa ako.


"Oops, sorry I didn't mean it." sabi niya at tumayo na para lumabas ng room. Ako naman nasa sahig pa rin kasi ang sakit ng tuhod ko.


"You're bleeding, nakakainis talaga yung Harry na yun." sabi niya. Tinignan ko ang tuhod ko at may dugo nga. 


"Ang tagal niyo nama-" napakinggan kong bumukas yung pinto at ang boses ni Ace kaya tumayo agad ako. "Ano nangyari sayo? Bakit dumudugo yang tuhod mo?" nag aalala niyang tanong.


"Si Harry kasi! Hinarang niya yung paa niya para madapa si Emily." paliwanag ni Yumi.


"Dalhin na kita sa clinic." seryosong sabi ni Ace at binuhat ako. 


"Huy wag na, okay lang ako 'di naman masakit." sabi ko pero di siya nakinig. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Ngayon ko na lang ulit nakita na magalit si Ace. Yumi was so worried and confused. Ace looked so angry kaya naguguluhan si Yumi. She kept on shaking her head.


"What happened?" tanong ng nurse sa clinic ng makapasok kami.


"Nadapa po siya. It's all because of Harry, hinarang niya po yung paa niya that's why napada po siya." sabi ni Yumi. Hiniga ako ni Ace sa kama at kinuha ang phone. 

The Nerd PrincessWhere stories live. Discover now