Prologue

464 14 2
                                    

"MISS DEL RIO,"

Naniningkit ang mga matang napatingin si Andrea Mikaela sa babaeng tumawag sa kaniya. Her old-fashioned professor in Research II. Nakita rin niyang nakatingin na rin sa kaniya ang mga kaklase niya.

"What?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa matandang propesora.

Kita niya ang pagkunot nang makunat na nitong noo. Ang eyeglasses nito ay nakapatong na sa ibaba ng nose bridge nito. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang naging sagot niya.

"You're not listening, Miss Del Rio!" bulyaw nito na ikinasinghap ng mga kaklase niya. Halata sa mga itsura ng mga kaklase na natatakot ito para sa kaniya.

Lihim siyang napaismid. Alam din naman niyang ang iba sa mga ito ay natatakot na madamay sa kaniya. Pero sino ba ang gustong makinig dito kung ang boring naman nito laging pakinggan? At paulit-ulit pa.

Seriously? Ilang ulit ba nitong ipinapasagot sa kanila ang tanong nito? At ilang ulit ba nitong ulit-ulitin sa isang buong taon ang mga tanong nitong nakakarindi na sa pandinig niya?

Hindi lang naman siya ang nagrereklamo sa klase ng pagtuturo nito dahil lahat naman sila. It's just that, she is the only one who has the guts to answer this old-fashioned professor in front of them.

"I heard what you were asking, Prof. But Miss Montreal answered it already yesterday." aniya sa matandang propesora. Nanlaki naman ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Am I right, Miss Montreal?" baling niya sa kaniyang kaklase na nasa unahan niya nakaupo.

"Yes, Prof. Natanong niyo na po iyon sa akin kahapon at nasagot ko na rin po," magalang na paliwanag ni Miss Montreal na mas lalong ikinalaki ng mga mata ng kanilang propesora.

She 'tsk' and shook her head in disbelief at her professor. Mukhang napahiya naman ito dahil namumula ang mukha nito.

What is research?

Really? Noong unang araw pa yata nito ng klase iyon natanong sa kanila at ngayon ay nasa kalagitnaan na sila ng semester at nasa ikatlong chapters na rin siya sa ginawa niyang research pero iyon pa rin ang naging tanong nito.

Damn! What a waste of time.

"O-Okay. That's it for now. Do your research, dismissed." anito at nagmamadaling lumabas ng research room ng medicine building.

She shook her head again. Pagkuwan ay ibinalik niya ang paningin sa labas ng medicine building.

Nasa ikatlong palapag ang room na kinaroroonan niya. Nakaupo siya malapit sa may glass window kaya kitang-kita niya ang mga estudyanteng kaniya-kaniyang nagkukumpulan sa ibaba.

May nagbabasa sa lilim ng naglalakihang mga puno ng kahoy. Meron ding nagpapa-cute lang sa boyfriend o di kaya'y sa mga lalaking gusto ng mga ito.

Napatingala siya. Mataas na rin ang sikat ng araw pero dahil sa mga punong nakapalibot sa loob ng school ay hindi iyon masyadong nakasisira ng balat. Prone pa naman ang skin cancer ngayon dahil sa unti-unti ng pagkakasira ng ozone layer.

Nasa ikatlong taon na siya sa kursong medisina. Gusto kasi niyang maging doctor para kapag may mangyari namang hindi maganda sa miyembro ng kanilang pamilya ay makakatulong siya.

Napapikit siya nang maalala na naman niya ang nangyari sa kanyang Mommy Ysabella, 23 years ago.

When she saw her mother unconsciously bathed her own blood. At wala siyang nagawa kundi ang umiyak lang nang umiyak noon. Pinahamak pa niya ang kaniyang kuya Luke. Her older brother died because of her...

"Kuya!" tili niya nang bigla na lang siyang hablutin ng mga taong nakamaskara ng itim. "Hmmm..." pagpapasag niya. Hindi na rin siya makasigaw dahil tinakpan ng malaking kamay nito ang bibig niya.

Broken Sweet Heart(Del Rio Siblings 3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora