Untold Truth

1 0 0
                                    


"Pre!" tawag ng bestfriend kong si Sigmund.

"Yes, Pre?"

"May crush ka na ba? Kasi parang lately hindi ka na nagkikwento sa akin eh."

"A-ahh si.." Paano ko ba sasabihin? Paano ko sasabihin sa kaniya kung siya yung gusto ko?

"Si Marcus." Pag-iimbento ko.

"Ahh ganon ba?"

Tumango naman ako. Napakasinungaling ko.

"Makakaattend ka ba sa gig namin mamaya?" Tanong niya at nag-puppy eyes. Ew, mukha siyang aso. Matitiis ko ba siya?

Siyempre hindi.

By the way, I'm Shiane Bernardo. And this is my story of how unlucky I am to fall in love with my bestfriend.

Nagtagal ang panahon at nanatili pa rin kaming matalik na magkaibigan. Nariyan siya kada may kwento, chika, maging may kaaway man ako. Lagi siyang nariyan at handang makinig.

"Shiane!" Tawag sa akin ng batchmate ko na si Crystal.

"Hmm?" Baling ko sa kaniya at itinigil muna ang pagsusulat ko ng tula.

"Gusto mo bang makasali sa campus journalism?" tanong niya at napatango naman ako. Oo, gusto kong sumali as a photojournalist kaso laging hindi ko naaabutan ang hiring.

"May favor sana ako. It's a win-win situation naman," sabi niya na medyo ikinakaba ko ngunit nais ko pa rin malaman.

"Hmm, sige. Ano yun?" nangangamba kong pagtanong.

"Ipakilala mo naman ako sa bestfriend mo na si Sigmund. After that, I'll give you a position sa campus journalism."

Hindi naman ako nag-alinlangan. Ipapakilala ko lang naman siya and after that, may position na ako kaagad. Easy as that.

Kaya pumayag ako.

But I didn't know that this could lead into something I didn't expect.

— After 6 years —

Isa na akong succesful na photographer. At kagagaling ko lang sa isang photoshoot. Nakapagtayo na rin ako ng isang art gallery na may paintings at photographs na gawa ko.

Nagulat ako nang pumasok si Sigmund sa art gallery ko.

Isa na siyang successful na singer-songwriter ngayon at nakabuo na rin ng banda.

At after all these years, ay siya pa rin.

Matagal ko siyang hindi nakita dahil parehas kaming naging busy sa mga professions namin at nakalimutan na namin bigyan ng oras ang isa't isa.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya at tumango naman ako.

Naglakad-lakad kami papunta sa park na malapit dito sa art gallery.

— — —

"Grabe napakasuccessful na talaga natin," saad ko habang kinakain ang sorbetes na binili namin kanina habang papunta kami sa park.

Andami na naming napagkwentuhan kanina.

"Nga pala, kaya talaga ako pumunta kasi may gusto akong sabihin sa'yo." Nagtaka naman ako.

"Ilang taon ko ring tinago ang feelings ko sa'yo. Simula noong senior highschool tayo hanggang college tinago ko yung nararamdaman ko. Masyado akong duwag nun eh. Hindi ko maamin sa'yo," napatulala ako sa sinabi niya.

So parehas pala kami ng nararamdaman? Seryoso ba? Sobrang saya ko.

Sasagot na sana ako ngunit nagpatuloy pa ulit siya.

"Hindi ko alam pero nasasaktan ako kapag may kasama kang iba. Ayaw rin kitang gawing rebound dahil kakabreak lang namin ni Lianne non. Natakot ako kasi baka isipin mong gagawin lang kita rebound."

"Pero isang araw, ipinakilala mo sa akin si Crystal. Naikikwento ko sa kaniya ang mga katorpehan at kaduwagan ko. Na hindi ko maamin sa iyo yung nararamdaman ko," dagdag pa niya.

"Naalala mo ba nung isang time na tinanong kita kung sino yung crush mo? Noong araw na 'yon, gusto ko na sanang umamin sa'yo pero at that same day, nalaman ko rin na may gusto sa' yo si Marcus. Kaya nawalan ako ng pag-asa."

Hindi ako makapaniwala.

Bakit pa kasi ako nagsinungaling nung araw na 'yon?

"Kaya Pre, I tried to move on. At naturuan ako ni Crystal kung paano kita makalimutan."

"S-sigmund.."

"Pero wag kang mag-alala kasi tapos na iyon. Nakamove-on na ako. Gusto ko ring sabihin na—"

I'm getting married."

Tila huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Inabot niya sa akin ang isang invitation card.

' You're invited to Crystal and Sigmund's Wedding! '

Hindi ko kinaya ang nakalagay sa invitation card. Pinahid ko ang mga luha ko at ngumiting muli.

Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pang umamin dahil wala na rin namang patutunguhan 'yon.

At ang huling nasabi ko na lamang sa kaniya bago lisanin at parke ay..

"Congrats."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untold TruthWhere stories live. Discover now