Chapter-9

1.7K 83 4
                                    

Aeris POV:

"Mommy Ris laro po tayo please" sabi ni Angela isa sa mga bata dito sa bahay ampunan.

3years old palang siya and she look so beautiful and smart kid.

"Later I need to finish this first Angela" I said tiyaka ginulo ang buhok niya

Nag tatanim kasi ako ng mga halaman dito sa garden ko

"Would you please get my water inside Angela" I said to her

"Sure Mom" sabay takbo papunta sa loob

Its been a weeks at sa susunod na araw na ako uuwi sa amin. Wala naman akong na miss na subject kasi na email naman sa akin lahat ng quiz and projects ko so nothing to worry.

At sa tagal ko dito nawala naman na yung sakit. Tanggap ko na din na walang kami. I mean hindi magiging kami, Oo mahal ko pa.

Mahal ko pa siya hindi naman nag bago yun at hindi mag babago yun pero kailangan ko na talagang kalimutan siya at di na umasa pa.

At yeah hindi na ako umaasa pa pero hindi ibig sabihin non na nawala na pagmamahal ko sa kanya

"Mom ito na po ohhh" nakangiting sabi sa akin ni Angela sabay abot ng tubig ko

"Thanks Angela" nakangiti kong sabi sabay inom nito.

Natapos ko na din ang pagtatanim ko kaya nag laro na kami kasama ang ibang bata

Ngayon andito na ako sa room ng mga bata. Kailangan na kasi nilang matulog.

"Mom when you go home po?" Angela ask me.

"Kaya nga po Ate" Bella

Lahat sila nakadapang nakatingin sa akin andito kasi ako nakatayo sa harap ng pinto

"Tomorrow afternoon" nakangiti kong sabi

"When you go back here po?" Angela ask me again I smile

"I don't know maybe soon or ohh don't know yet I don't want to say something about when I go back here co'z I really don't know, I don't want to say promise to all of you baka masira KO lang" nakangiti kong sabi sa kanila

"We miss you po" sabay na sabi ng mga bata

"I miss you all too" sabi KO

"Oh mga bata matulog na kayo at matutulog na din ang Ate niyo" sabi naman ni Mother Jessa

"Goodnight po Mother Jessa, Goodnight ate Ris" sabay na sabi nila

Nagdasal na muna sila sabay din silang humiga lahat at natulog na

Bago ako lumabas sinigurado ko munang tulog na sila bago ako umalis doon at sinarado ang pinto.

Pag katalikod ko nakita ko si Mother Jessa na nakaabang sa akin.

"Pwede ba tayo mag-usap Iha?" Sabi niya sa akin

"Sure Mother Jessa" nakangiti kong sabi.

Pumunta kami sa opisina niya at doon nag usap

"Alam ko na may sakit kang dinadamdam mula noong dumating ka Iha nakangiti ka man pero makikita sa mga mata mo yung sakit na nararamdaman mo. Gabi gabi nahuhuli kitang umiiyak mag-isa sa loob ng silid mo. Hindi kita tinanong o kinausap tungkol doon kasi gusto ko na ikaw mismo ang magsasabi sa akin ng sakit na nararamdaman mo" sabi niya na siyang nag paluha sa akin akala ko kasi naitago ko yung sakit hindi parin pala

"Nakapagpagaan sa loob natin kung umiyak tayo ng dahil sa sakit na ating nararamdaman. Pero Iha mas maganda minsan ilabas mo rin. Hindi kahinaan ang umiyak sa harap ng ibang tao, hindi kahinaan ang mag pakita ng totoong ikaw sa harap ng ibang tao, Hindi kahinaan ang mag pakita ng emosyon at sakit sa harap ng ibang tao. Nag pakatotoo ka lang. Pinakita mo lang ang emosyong unti unting nagpapahina sayo." Sabi nito sa akin

"Pero kasi po, natatakot na akong umiyak sa harap ng ibang tao. Napapagod na po akong mag pakahina sa harap nila. Pagod na po ako sobrang sakit na po. Nag mahal lang naman ako ng maling tao nag mahal lang naman ako ng taong hindi ako ang gusto pero bakit kailangan masaktan pa ako. Kasalanan ho bang mag mahal ng sobra, kasalanan ho bang mahalin ko yung taong iba ang mahal at gusto nito kasi kung Oo sana noon palang hindi na ako nag mahal" naiiyak kong sabi kaya napatakip na lang ako ng mukha ko kasi tuloy tuloy nanaman ang agos nito

"Iha hindi mali ang mag mahal, bagkus mali ang hindi mag mahal tandaan mo si Ama nag mahal sa atin ng sobra kahit nasasaktan natin siya pero kahit kailan hindi siya sumuko na mahalin tayo at araw araw pinaparamdam nito sa atin na mahal niya tayo, binigay niya ang pag subok na ito sayo dahil alam niyang kaya mong lampasan ito. At higit sa lahat hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa isang tao kung hindi ka nasasaktan ng sobra ngayon" sabi nito at lumapit sa akin sabay turo ng puso KO

"Iha hayaan mong madurog ito, hayaan mong masaktan ito, hayaan mong mag mahal ito, kasi darating ang oras na magiging matatag ito. Magiging matapang na din ito at sa pag durog nito ay mabubuo ulit ito ng bago at sa panahong yun handa na ulit ito mag mahal pero nasa tamang tao na, nasa tamang taong handang alagaan at gawing mas maganda at tibok nito kasi ngayon nasasaktan ka kasi sinusubok ka, nasasaktan ka kasi nag mahal ka, Malay mo nasasaktan ka kasi siya talaga ang tinadhana sayo pero sinusubok lang kayo ng Panginoon upang sa pag dating ng tamang oras mas magiging matatag na kayo at kaya niyo ng lampasan ang mga pag subok na ibibigay sa inyo" nakangiting sabi ni Mother Jessa sa akin .

Niyakap ko naman siya at nagpasalamat siguro tama siya sinusubok lang ako ni Ama

Nagpaalam na ako sa kanya.

Pero bago yun pumunta na muna ako sa labas at umupo isa sa mga upuan na andon

Napakaganda ng mga bituing kumikislap sa langit na nakapalibot sa buwan.

Ang ganda din ng simoy ng hangin

Napag isipan kong kumanta.

"Kalawakan"

Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala🎶

Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata🎶

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay🎶

Yeah Ice lagi kitang tanaw kahit saan ka man kahit ang layo mo ayos lang basta makita kita kasi ikaw yung mundo KO ehh. Di din ako mapakali kapag anjan ka kasi ang bilis ng tibok ng puso KO. Pero yung mahawakan ko yung kamay mo yun ang labo.

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa🎶

Napangiti nalang ako dito kasi hindi naman pala kami nagmamahalan eh. Pero saksi naman ang buwan at bituin kung pano kita mahalin.

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo
Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik🎶

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa🎶

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa🎶

Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa🎶

Pag katapos kong kantahin yun pinunasan ko yung luha ko at pumasok na sa loob upang magpahinga.

Stupidly In Love With Mr.Cold (SILVESTRE SERIES #1)Where stories live. Discover now