Chapter XXIV

6K 78 5
                                    

Bumalik na ng America si Cymon ng hindi nagpapakita sa amin pero nagtext naman sya at humihingi ng tawad sa nangyari8 sa may restaurant.

Kahit papaano ay nasaktan naman ako sa nangyari sa aming dalawa di ko tuloy alam kung paano ko sya pakikitunguhan kapag nagkita kaming dalawa.

Sana mahanap nya na ang babaeng mamahalin sya ng buong-buo.

Nakahiga pa rin ako sa may kama at hindi makatayo dahil nakayakap ng mahigpit sa akin si Josh na para bang mawawala ako sa kanya. Tinitigan ko na lang sya habang sinusuklay ko ang buhok nito gamit ang kamay ko.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi parin ito bumibitaw kaya tinanggal ko ang braso nitong nakapulupot sa bewang ko.

"Baby it's too early, sleep" sambit nito habang nakapikit pa rin ang mga mata at kumapit na naman sa akin.

"Josh Let go, Kailangan ko ng bumangon at magluluto pa ako ng breakfast" sambit ko dito habang tinatanggal ang pagkakayapos nito sa akin.

Mabuti na lang at sumunod ito, tumayo na agad ako dahil baka mamaya kumapit na naman ito sa akin, dumeretso muna ako sa banyo para maligo at magbihis.

Nang makababa ako sa kusina ay nandoon na ang dalawang katulong namin na naghahanda na ng almusal namin, tumulong na lang ako dahil halos patapos na rin naman sila.

Tumunog ang doorbell kaya pinabuksan ko na lang sa isang katulong dahil tinatamad akong lumabas ng bahay.

"Good Morning Baby" sambit ng boses sa likod ko at nang harapin ko ay hinalikan ako sa pisngi.

"Good Morning,Oh akala ko matutulog ka pa?" Bati at tanong ko dito.

"Gusto kong kasabay kayo kumain" sagot nito sa akin.

"Sweet" biro ko dito habang kumukuha ako ng plato na nginitian lang nito "puntahan mo na ang anak mo doon at kakain na tayo"

Aakyat na sana si Josh ng bumalik ang isang katulong na nagbukas ng pinto.

"Sino yung tao sa labas manang?" Tanong ko.

"Ma'am Erica daw po ang pangalan pinapasok ko na po na sa may sala po sya" sagot nito sa akin.

Napatingin ako kay Josh ganun din ito sa akin na nagtaas pa ng balikat para siguro ipaalam sa akin na hindi nya alam kung bakit nandito yon, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Dito ka lang Josh ako ang kakausap sa babaeng yon" sambit ko dito ng may diin bago ito iniwan sa may kusina.

Nagulat ako ng makita ang porma nito, sobrang kapal ng make-up, naka-tube at short shorts. Seriously gantong oras ganyan ang pormahan nya?.

"What are you doing here?" May diin na tanong ko dito.

"Hindi ikaw ang gusto kong makausap" sambit nito bago ako inirapan at prenteng nakade-kwatro ng upo na akala mo sa kanya ang bahay na ito.

"Then what are you doing here huh?" Inis na tanong ko dito.

"I need to talk to Josh" maikling sambit nito. "Si Josh ang pinunta ko dito kaya iharap mo sya sa akin dito ngayon"

"Sino ka naman para utusan ako?" Mahinahong sambit ko dito. "Ang kapal naman talaga ng mukha mo para magpakita pa dito pagkatapos mo akong siraan"

"Pwede ba Nasaan ba si Josh ha?" Sigaw na tanong nito.

Nag-iinit na ang ulo ko sa kahahanap nito sa asawa ko, pigil na pigil ko ang sarili ko para hindi ito sampalin kahit nangangati na ang kamay ko.

"Bakit gusto mo ulit maging kabit?" Panunuya ko dito. "Lumayas ka dito hangga't nakakapag timpi pa ako" sigaw ko dito.

My Unlucky WifeWhere stories live. Discover now