CHAPTER 13

9.3K 158 8
                                    

My Hot Housemates Chapter 13

(Jarred P.o.v)

Mabilis ang paglipas ng mga araw at ngayon ay christmas break na namin. Napag desisyonan naming lima na wag nang umuwi sa kani kanilang bahay at dito nalang sa bahay na inuupahan namin kami mag papasko. Sa mga naglipas din na mga araw ay mas lalong naguguluhan na ako sa nararamdaman ko para kay mark naging mas lalo pa siyang naging malapit sa akin. Ano ba talaga ang
nararamdaman ko para sa kanya may gusto ba talaga ako sa kanya?. Hindi ko to gusto ang nararamdam ko sa
kanya. May gusto na ba ako sa kanya? pero imposible yun kasi alam ko sa sarili ko na lalaki ako pero bakit pag
nakikita ko siya kasama ang ex niyang si Jane ay nasaksaktan ako.

"Di ka naman siguro masasaktan kung wala kang feelings sa kanya" sabi ng isang bahagi ng isip ko. Huhuhu may gusto na nga siguro ako sa kanya sigurado akong mas lalong lalala pa tong nararamraman ko sa kanya at siguradong akong masasaktan lang ako pag nagkataon at pati si allen ay masasaktan ko rin. Pucha ang hirap naman ng sitwasyon kong ito.

KINAGABIHAN
Pagtapos namin maghapunan ay nagyaya silang uminom na agad namang sinang ayunan namin. Siguro ito narin ang right time para umamin ako kay mark para malaman niya yung nararamdaman ko at maging aware siyang nasasaktan ako pag kasama niya ang ex niyang si jane.

"Guys sa bahay pala ako mag cecelebrate ng new year" sabi ni Miguel

"Ako din pala mga pre pinapauwi din pala ako ni mama" si kent

"Ahh dito nalang ako siguro wala naman yung parents ko sa bahay" sabi ko wala yung parents ko sa bahay nasa states sila doon na sila nakatira dahil doon naka base yung business namin di rin ako umuuwi ng bahay dahil wala naman akong kasama doon.

"Ako rin di ako uuwi ayaw ko kasing bumiyahe pauwing probinsya sa summer vacation nalng ako uuwi samin" sabi ni Allen

"Sasamahan ko nalang kayo dito maiintidahan naman ako ni mommy kung ayaw kong umuwi sa bahay" sabi ni Mark katulad ko di rin umuuwi si Mark sa bahay nila tuwing vacation dahil di sila magkasundo ng bagong asawa ng mommy niya.

"Ahh ganun ba sige dadalhan nalang namin kayo ng foods pag balik namin" sabi ni miguel.

Naubos na namin ang empi na ininom namin lasing na yung tatlo si allen, miguel at kent. Nauna silang pumasok
ng kwarto dahil inaantok na daw sila.

"Mga pre pasok na kaming kwarto inaantok na ako eh" sabi ni kent

"Sabay na ako sayo pare" si miguel

"Sige liligpitin ko lang tong pinag inoman natin" sabi ko sa kanila

"Ako rin pasok na din ako" paalam ni Allen

"Sige" sagot ko kay allen pumasok na siya sa kwarto

Play: Pare mahal mo daw ako
By: Michael Pangilinan

"Pwede bang mauna na rin akong pumasok sa kwarto medyo inaantok na rin ako eh" sabi ni mark

"Ahh mark pwede bang mag usap tayo" sabi ko

"Bukas nalang pare" sagot niya

"May sasabihin lang ako sayo" sabi ko kinakabahan na ako shiit

"Sige ano ba yun" tanong niya at naupo sa katabi kong upoan

"Mark kasi ano kasi ehh" sabi ko di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya

"Ano nga yun? may problema kaba? Sabihin mo saken makikinig ako" sabi niya

"Mark gusto kasi kita eh" sabi ko habang nilalakasan ang loob ko para sabihin sa kanya ng hindi nauutal

"Ano pare pakiulit nga?" Seryosong tanong niya

My Hot Housemates [COMPLETED]Where stories live. Discover now