Paghihirap ni Loisa

404 6 0
                                    

*ASin*

Part14
Warning!!

Loisa*
POV

Dinaanan ko silang Dalawa na nagtatawanan.
Dire-diretso lang Ako ng Lakad pabalik sa Back Stage kung nasan ang mga Kasamahan ko.

Ikinakalma ko tong Sarili ko na wag nang Umiyak pero hindi ko ito mapigilan.

"Bes! Tara na!" Sabi ni Quennie.

Tumango Ako saka lumapit sa Kanila.
Inayusan na ko ni Jenna pagkatapos nagbihis na ko.

Makalipas ang Limang Minuto

Lumabas na kame dito saka naghanda na dito sa Stage at nagsimula ng Sumayaw.

Nasa harapan sila Edward at yung Joaquin tapos nagbubulungan sila habang nakatingin saken.

Inalis ko na tong tingin ko sa kanila saka ko nagpatuloy sa pagsasayaw.

Ni hindi ko na hinahayaang tumama ang mga Mata ko kila Edward at Joaquin basta Sumayaw lang Ako hanggang sa Matapos ang Music at huminto na kame nitong mga Kasama ko.

Bumalik na kame sa Back Stage.

Tumingin Ako sa Relo ko at malapit nang Matapos itong Show dahil 1:56 am na.
Sila Carissa na ang susunod na magpe Perform.

Nagbihis na ko ng T-shirt at Pantalon saka hinintay na Matapos si Carissa at ang mga Kasamahan nya sa Acting.
Isa-isa nang nagpapaalam tong mga Kasamahan ko.

Kanya-kanya na sila ng Uwi sa mga Bahay nila.

Excited na din Akong makasama ang Anak kong si Loren.

"Hays." Bulong ko.

Makalipas ang ilang Minuto

Natapos na ang Night Show.
Nagpapalakpakan ang mga Tao sa Labas saka sila nag-alisan dito sa Lugar na to.

Nagpunta na sila Carissa at ang mga Kasamahan nya sa Acting saka sila nagsibihis.

"Grabe. Nandito pala si Sir Edward?" Sabi ni Carissa.

"Uhm, Oo nga e. Nakakagulat." Sabi ko.

"Osha. Magbibihis na ko tapos ihahatid na kita sa Apartment nyo ah. Teka lang." Sabi nito.

Tumango Ako.
Pinagmamasdan ko si Carissa na nagbibihis na tapos nalingon pa sya saken at nag-aalala ang Reaksyon.

"Ayos lang Ako." Sabi ko.

"Hmm. Basta wag mo nalang syang papansinin ah. Wag kang magpapa Stress sa Taong yun." Sabi nito.

Tumango Ako saka ngumiti.

Pagkatapos nyang magbihis inayos na namin yung mga Backpack namin saka kame nagpaalam kay Mamita at sa mga Katrabaho namin dito sa Night Show.

"Bye! Mag-iingat sa pag-uwi ah. See you Mamayang Gabi." Sabi ni Mamita.

"Bye po." Sabi ko.

"Bye Mama! Haha." Sabi ni Carissa.

Nagtatawanan yung mga Kasamahan namin.
Naglakad na kame ni Carissa saka lumabas na dito at nagpunta na sa Parking Lot.

"Gusto mo mag lugaw tayo?" Sabi ni Carissa.

"Hmm. Pwede din. Parang nagugutom Ako." Sabi ko.

Magkahawak Kamay kame ni Carissa hanggang sa nakarating kame dito sa Parking Lot.

Nag Helmet kaming Dalawa saka Sumakay dito.
Paaandarin na nya Sana to kaso...

"Loisa!"

Boses ni Edward yun kaya lumingon Ako at papalapit sya samen ng Kaibigan ko.

A Sin (COMPLETE)Where stories live. Discover now