KABANATA 28

136 6 0
                                    

Kabanata 28


Scrambled Egg


--


Papasok ako ng kusina, excited pa dahil makikita ko ulit si Joshua. Alam kong magtatanong na sya sa oras na makita nya ako at kahit masaktan ako ng todo dahil babalikan ko na naman ang nakaraan kung saan sobra sobra akong nasaktan, sasabihin ko pa rin sa kanya ang lahat ng gusto nyang malaman. Pero nasa hamba palang ng pintuan, hindi pa man tuluyang nakakapasok, natigil na ako.


Daniella and Joshua were there. Daniella was cooking while Joshua was sitting down on the chair. They both turned to me. Joshua immediately stood up when he saw me. Nilapitan nya ako at hinawakan sa braso. Ikinagulat ko pa yon kaya tumingin ako sa kanya.


"She's just..." hindi nya maituloy, hindi ko alam kung bakit biglang nag alala ang mukha nya.


Tumingin ulit ako kay Daniella na natigilan na rin sa pagluluto. Lumunok ako. Kahit wala naman silang ginagawa, nakaramdam pa rin ako ng selos. But it's not good to show that. They are not doing anything and... Joshua and I are no longer in a relationship kaya dapat sa akin nalang itong nararamdaman ko.


"Oh! Nandito ka pala!" Masaya ko pang sinabi kay Daniella, huli na sa pagbati.


She didn't speak. Naiilang sya pero nakitaan ko rin ng bahagyang iritasyon ang mukha nya. She just averted her eyes and continued cooking.


I looked at Joshua who was just staring at me. I smiled at him.


"Bakit? Umupo ka na roon. Nauuhaw lang ako," sabi ko at naglakad na papunta sa ref.


Nabitawan nya ako dahil roon. Huminga naman ako ng malalim at pinakalma ang sarili. My gosh naman, Amora. Wala naman silang ginagawa. Besides, you and Joshua are not together anymore so stop what you are feeling. It's not good if you let your jealousy eat you! Baka ikaw lang ang magmukhang masama!


Joshua followed me. I quietly put water in the glass. It's awkward, alright? Walang nagsasalita sa amin. Sobrang tahimik. Ang tanging naririnig lang namin ay yung nilulutong itlog ni Daniella. I drank quietly while Joshua were already by my side.


When I finished, I smiled at them. I looked at Joshua.


"Bakit? Upo ka na don!" Tawa ko.

"You're going to leave?" He asked.

Natawa ako roon. "Syempre hindi! Kaya nga ako pumunta rito dahil sayo."


Naubo ng bahagya si Daniella. Inabot ko agad sa kanya ang tubig na hindi ko naubos.


"Ayos ka lang?" Tanong ko.


Tinignan nya ako. Hindi maganda ang timpla ng mukha nya. She just shook her head and immediately averted her eyes. Tumango nalang ako at binaba ang tubig.


"Umupo ka na roon. Magluluto ka ba?" Sabi ko kay Joshua.


He shook his head. Tumango nalang ako. Nagtataka ako sa kinikilos nya. Hindi nya inaalis sa akin ang titig nya, para bang may inaabangan na reaksyon. Muntik na akong matawa kundi ko lang pinigilan. Binalewala ko nalang at lumapit ng kaunti kay Daniella.


"Ano yan? Itlog? Para sayo?" Sunod sunod kong tanong.


She's awkward, abviously. Kaya susubukan kong makipag usap sa kanya. I want us to get along and not always be this awkward. I want us to be friends. I just don't know if that's what she also wants.


Choosing my Forever (Book Two)Where stories live. Discover now