#LALLCHAPTER16

55 8 25
                                    

Reign

Nakakaloka, parang kahapon lang ang first day ng first year namin tapos ngayon, konting kembot na lang ay third year na kami.

But despite of the hardships, I really did enjoy everything. Hindi na lang si Camille ang ka-chikahan at kaibigan ko sa room, pero syempre si Toby rin.

Tumingin ako sa salamin at chineck ang ayos ko.

Black jeans, beige shirt, washed white shoes at canvas bag. Hinayaan ko lang na nakalugay ang itim kong buhok, hindi ko na napansin na hanggang beywang na pala. Nag-apply lang ako ng nude lipstick at moisturizer, nag-spray ng pabango at sa wakas ay lumabas na rin ako ng kwarto.

Nasa trabaho ngayon si Mama at Papa kaya dumiretso na ako palabas, sigurado ako na tulog pa si Francine kaya hindi ko na inistorbo. Paglabas ko ng gate namin ay napansin ko ang kotse ni Camille na naka-park sa gilid.

I took my phone inside my bag, pero wala naman siyang text.

Ito talagang babaeng 'to. Naglakad ako papalapit sa kotse niya at kumatok sa salamin. Kaagad naman niyang binaba 'yun.

"Miss mo 'ko agad, girl?" pagbungad ko sa kaniya.

"Whatever, get inside," sabi niya rin agad kaya 'di ko na siya sinagot, pero bago pa ako maka-ikot para makapasok ay nagsalita ulit siya, "Reign, I'm with Toby, sa likod ka muna, hehe."

Hindi ko siya sinagot and I just pouted at her. Pagpasok ko ay tulog pala si Toby sa tabi niya.

"Ikaw Camille, huwag mong masyadong pinapagod si Toby, kawawa naman," I said the moment I got inside and gave Camille a meaningful look.

"Ikaw Alexa, 'yang utak mo!" Camille laughingly said.

"Saan ba kayo pupunta? Manghuhula ka na ba ngayon? Ba't mo alam na aalis ako?" tanong ko habang tinitingnan ko paano niya paandarin ang magara niyang kotse.

"You are really old already," bwerta niya.

"Gago, inaano ba kita?" I asked, frowning.

"Have you forgotten? 'Di ba you told me last week na you're going to Arte this week?" Camille answered.

"Ay, nasabi ko ba?" I asked again at napakamot ako sa batok ko.

"Yes, you did."

I didn't respond to Camille and I just relaxed my back sa maganda niyang kotse. Ni hindi ko nga alam kung anong tawag na kotse na 'to, eh.

Napabalikwas ako dahil naalala kong may lakad din pala kami ni Gabrielle mamayang gabi.

"Cams, hatid mo na lang ako sa apartment ni Bea," I said when I notice that we are just almost there.

"Sure."

Nginitian ko lang siya and after almost five minutes ay nagpa-park na siya sa tapat ng apartment ni Bea.

"Thank you, Cams! Drive carefully," I said while getting off the car.

"No worries," Camille answered with a smile and drove away.

Dali-dali akong pumasok at medyo nagulat ako dahil nadatnan ko si Gabrielle at Jelo na nanunuod ng TV sa sala ni Bea.

Ang pagkaka-alam ko kasi ay mamaya pa ako susunduin ni Gab dito at alam ko rin na hindi namin kasama si Jelo.

"Uy," I said as I walk towards them.

"You could've texted me so I can just pick you up," bulong ni Gabrielle sa akin nang maupo ako sa tabi niya.

"No, it's okay. Hinatid ako ni Cams," I said as I smiled at him.

"Hi, Reign!" masiglang bati ni Jelo sa akin.

Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House Where stories live. Discover now