Prologue

451 1 0
                                    

--

JONATHAN’s POV

Pagkababa ko ng taxi, ang sumalubong sakin, “Insan!”  si Jae, pinsan ko. Obvious naman, sa tawag palang nya sakin e.

“Insan, tulong naman!”  Tawag ko sakanya habang ibinababa ang mga bagahe ko mula sa trunk ng taxi. Lumapit naman sya nung saktong naibaba ko na lahat ng gamit ko at umalis na ang taxi. Ayyy?!

Tinulungan nalang nya akong ipasok mga bagahe ko sa loob ng café nila, kung saan sya mismo nagtatrabaho. Mag-manage sana, pero dahil hindi pa daw nya kaya, pa-waiter waiter na muna sya ngayon hanggang sa maka-graduate daw sya.

“Akala ko ba magbabakasyon ka lang sa South Korea, e bakit ngayon ka lang nakauwi dito sa Pinas?”  Tanong nya pagkapasok namin sa café. Itinabi na muna namin yung mga gamit ko sa isang tabi. Itinabi sa isang tabi, ganun kasimple. Hahaha.

“Hindi kasi agad naiayos ni mama yung mga kakailanganin ko sa pagbalik ko dito sa Pinas e. Nasabik ata sya sakin kaya nakalimutan nyang babalik pa pala ako dito at tatapusin ang highschool, hahaha.”

 

“E, late enrollee ka na nyan, insan. Dalawang buwan ka nang late sa klase, tsk tsk. Graduating ka na pa naman.”

 

“Ayos lang, madali lang naman mag-adjust. Ang gwapo ko naman para mahirapan pa sa bagay na yun, hahaha.”

 

“Puro ka parin biro! Teka, tatawagin ko lang si mama.”  Agad naman syang nawala sa harap ko para tawagin nga ang mama nya.

Umupo na muna ako sa isa sa mga bakanteng upuan saka humugot ng mga barya sa bulsa ko.

Alam nyo yung larong pambata, kung saan pipitikin mo yung piso para tamaan yung isa pang piso? Ewan anong tawag doon, basta yun.

Hindi naman siguro akong pagkakamalang-isip bata kung maglalaro ako nun, diba? Ano bang isip-bata dun, e naglalaro lang naman.

Atsaka fourth year highschool palang naman ako, bata pa ko! Pag college student na ko, pramis titigilan ko na. Hehehe.

Nung pinitik ko yung piso, hindi ko natamaan yung isa pang piso. Kaya ang ending, lumipad! Yung piso ko, lumipad sa kung saan. Ewan kung saan. Basta sa kung saan.

Instinctively, yumuko ako para hanapin sana ang piso ko. Bawat piso, mahalaga! Hindi mabubuo ang pamasahe sa jeep kung walang piso, etc etc.

Nakita ko naman iyon, pero nasa kabilang table na. I mean, sa ilalim ng kabilang table. Alangan sa table mismo nag-landing?

Anyways, gusto ko sanang kunin yung piso ko, kaya lang nakakahiya dun sa may magandang legs sa kabilang table.

Ang swerte ng piso ko! Nag-landing pa talaga sa may magandang legs. Ang kinis talaga. Babaeng-babae. Sana legs nalang sya. De joke lang!

Tinignan ko naman yung may-ari nung magandang legs, maganda naman pala pati mukha. Bagay na bagay sakanya yung legs nya. Hahaha, ano ba tong pinag-iisip ko?

VOICE MESSAGE (HIATUS!!!)Where stories live. Discover now