Chapter 9

242 193 3
                                    

Chapter 9

Kakagising ko lang at tahimik kong inaayos ang mga gamit ko para sa pagbalik namin ni Dhion mamayang gabi sa Manila. Umaga pa naman ngayon pero inaayos ko na ang mga ito para hindi ko na aayusin mamaya.

Hindi na rin ako nagpatulong kay Mama dahil marami siyang ginagawa. Ayoko naman maka-abala pa. Kasama ko si Seven ngayon sa kwarto ko, tahimik siyang naglalaro sa tablet niya at hinihintay akong makatapos.

"Kuya, uwi fiesta ikaw?" tanong niya habang ang mata ay nakatutok pa rin sa tablet.

"Hindi ko pa alam, e. Baka kasi may exam kami sa araw na 'yon. Pero huwag ka mag-alala, papasalubungan na lang kita kapag umuwi ako!" sagot ko sa kaniya.

Pumalakpak lang siya at nakangiti pa habang nakatingin sa akin bago muli ituon ang atensyon sa nilalaro.

Nang matapos ay inaya ko na siya lumabas ng kwarto dahil mainit, baka pagpawisan siya. Pinapunta ko siya sa sala bago ako dumiretso papuntang kusina upang magluto ng ulam. Magsa-saing na rin ako ng kanin sa rice cooker.

Nakita ko rin si Mama kanina na umalis, pupunta raw sa kaibigan niya at may pag-uusapan daw silang importante. Binilinan niya lang din ako na bantayan si Seven at ako na ang magpakain. Ang sabi pa niya ay mamayang hapon siya uuwi.

Napagdesisyunan kong magluto na lang ng  tortang talong at saka imbutido, nag-init na rin ako ng soup na crab and corn; mga favorite na pagkain at ulam ito ni Seven.

"Seven! Kain na!" malakas kong sigaw upang marinig niya ito. Baka kasi hindi niya marinig dahil masiyadong focus sa paggamit ng tablet, gaanon pa naman ang mga bata minsan.

Wala pang isang minuto ay dumating na siya rito sa kusina, at tumatakbo pa. Sinaway ko nga at pinagsabihan. Buti na lang at hindi siya nadapa, paniguradong atungal ang batang ito kung nangyari man.

"Yummy." masayang aniya habang kumakain.

Nakangiti pa ito at tila enjoy na enjoy sa kinakain niya. Ang sabi pa sa akin ay hindi na raw siya magpapasubo dahil big boy na siya. Nag-thumbs up pa nga ito sa akin, pinaparating na ayos at nagustuhan niya ang luto ko. Cute.

Niligpit ko na ang mga kinainan namin ni Seven pagkatapos, nilinis at pinunasan ko na rin ang lamesa. Ako na rin naghugas ng hugasin dahil wala namang ibang gagawa kundi ako. Alangan si Seven, eh hindi nga no'n abot ang lababo. Maglalandi lang din 'yon panigurado.

Matapos hugasan ang mga pinagkainan ay dinala ko si Seven sa bathroom upang paliguan. Ako na rin ang nagbihis sa kaniya pagkatapos. Nilagyan ko pa ng polbos sa likod, leeg at mukha. Sa aking kwarto ko siya binihisan, kung ano-ano pa ang nililikot niya doon. Mga pabango at kung ano-anong gamit.

"Asti, nandito na si Dhion! Ayos ka na ba diyan?" sigaw ni Mama mula sa baba.

"Oo, 'Ma! Sabihin mo, wait lang!"" sigaw ko pabalik.

Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Naayos ko nga ang mga gamit ko ng maaga pero na-late naman akong nakaligo at nakapag-ayos.

Natulog kasi ako kaninang hapon dahil napagod ako bantayan si Seven at napakakulit. Maya't-maya na tumakbo sa bahay at nagkalat, kaya maya't-maya rin ako nag-imis. Nag-alarm din ako pero hindi rin naman ako nagising.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : 5 days ago ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Lingering in Dark Clouds (Prismatic Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant