CHAPTER 8

22 2 0
                                    

[ A/N : Hi mga pinakamamahal kong readers :)) Gusto ko lang po sana sabihin na sana po ay wag niyo pong lalampasan ang mga chapters dahil bawat chapter po ay mahalaga para mas maintindihan ang storya :D Salamat po ^__^ ]

     ( JELAI'S P.O.V )

Andito kami ngayon sa Supermarket dinalaw kasi kami ng gutom eh kaya naisipan namin na kumain

"Ano ba bibilhin natin? " - Sabi ni Cj na kapatid na lalaki ni Yesac

"Pagkain malamang *rolledEyes* "- Yesac

"Haha Nag Away ang magkamukha. Be ayun may Titsirya ohhh ^______^ " - Sabi ko ng makita ko ang kumpol ng mga Nova , piatos at kung ano ano pa

"Yun oh ! Tapos bili din tayo ng Hot choco " - Yesac

"Sige Sige Gutom na din ako ehh"- Cj

Pagkatapos namin mag Grocery dumiretso na kami doon sa may FoodCourt , doon kami kakain at para atleast makapagpahinga na din ng kaunti . Habang kumakain nakarinig kami ng tilian .

" Ahhhhhh Oppaaaaaa!!!" Girls

"Prince !!!!! " - Sigawan ng mga naririnig namin mula dito sa 3rd Floor .

" Be baka sila jhake vargas na yun"- sabi ni Yesac na parang kumikislap na ang mata hahaha

"Hindi pa yan "

"Osige . Dito na muna tayo"

Nalaman kasi namin na may show pala sila jhake Vargas dito kasi bago kami pumunta dito sa FoodCourt nakita namin sa poster sa stage ng activity center na may show sila at may iba pang kasama.

"Ahhh !! i love you WayUp!!!!"

sigawan na narinig nanaman namin . mas lumakas ang tilian kaya nagtaka kami tapos tumugtog pa ang " HINAHANAP HANAP KITA" na Favorite song ko .

"Be bakit parang mas dumami na yung kumakanta ? "- Pagtatakang tanong ko kay yesac

"Hala ! Tignan nga natin "- Sabi ni yesac sabay hinila ako papunta dun sa mga nanunuod sa may parang tererace XD

"Be Sino yung mga yun ? "- pagtatakang tanong nila Yesac

"Baka sila yung WayUp . Yun ohh Yung nakalagay sa Poster"- Turo ko  kay Yesac

"Shit ! Be Ang pogi nila . Halika baba tayo please ! " - pagmamakaawa niya

" hahaha sige . Tara na "

So ayun nga bumaba na kami ng hagdan haha tumakbo kami ng mabilis pero sa 2nd Flr ang bagsak namin .

"Be Kita na natin dito "- Yesac

"Sige dito na tayo "- sabi ko sa kanya sa kalagitnaan ng hingal ko

"Be ! Sila Hyira yun diba? hala shitt ang swerte nila , nilapitan sila ng WayUp ! " - Yesac

"Be baba na tayo sa baba please"

"Haha ! Halika na nga . Bilissss"- Tumakbo nanaman kami pababa . papasok na sana kami dun sa crowd ng may biglang humarang sa amin .

" Miss bawal na po pumasok"- Manong Guard

"Hala ! Manong bakit naman "- Yesac

"Masyado na pong magulo dun . siksikan na masyado ."- Manong G.

"Manong papasukin mo na kami pleaseee"

"Bawal po talaga . puno na po" - Manong G

"Sige na po pleaseee :3 "- Paawa effect kami dito . Syete naman kasi ehh ! Umepal pa tong si Guard

"Kuya Dalawa lang naman kami ehh .. Maawa ka naman sa amin kuya tumakbo pa kmi mula 3rd flr . para lang makababa tapos ---- "

"Sige na nga .. Last na kayo " - sabi ni ManongG

" Yesss ' Thank You Manong Guard ! I lab you na ! XD HAHA " - sabay na sabi namin haha naloloka na kami dahil sa Grupo na yun XD

So pagkapasok namin nakasingit kami doon sa mga babae . Shit ! Mababali na ata mga buto ko sa mga Harot ng mga to . Nung nakapwesto na kami doon , tinignan namin sila, ang Pogi nila lahat pero PINAKA umagaw talaga ng atensyon ko ay yung GREY ba yun?

Natapos na yung kanta nila ng nag HI sila sa lahat at saktong nagtama ang mga mata namin nung Grey kaya sumigaw ako .

" I LOVE YOU GREY !!! "- sigaw ko tapos nag sign ako ng heart sa kamay ko <3

Then nagulat ako nung ginawa niya din yung ginawa ko then sabi sa Microphone ng.......

" I LOVE YOU TOO ! :)) " - Grey

Unpredictable LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon