MY STALKER

13 2 2
                                    

Hindi maganda ang pakiramdam ko habang tinatahak ang madilim na daan patungo sa aming tahanan.

Binilisan ko ang paglalakad nang maramdamang may nakasunod sa akin.

Napakadilim ng paligid. Sa isang masukal na gubat nakatayo ang aming kubo kung kaya't pahirapan para sa akin ang umuwi nang ganitong oras.

Agad akong napatigil sa paglalakad nang maramdamang may humawak sa aking braso.

"Huwag kang kikilos,” bulong ng isang pamilyar na boses sa akin.

"S-sino ka? Ano ang iyong kailangan?" Ang kaba at takot ay mahihimigan sa aking pananalita.

"Kailangan kita," huli kong narinig.

***
Napakadilim. Wala akong makita.

"Nasaan ako!?" Malakas kong sigaw.

"Huwag kang mag-alala Binibini, wala ng mananakit sayo," tinig ng isang kahali-halinang boses.

Nalilito man ay pinilit kong lakasan ang loob.

"S-sino ka ba talaga? Ano ang iyong kailangan?"

"Ako si Ankou. Kasama mo ako sa lahat ng bagay."

"Niloloko mo ba ako?" Naiinis nang tanong ko.

"Minamaltrato't inaabuso. Sinasaktan kahit hindi lumalaban. Hahayaan mo na lang ba uling gawin nila iyon sa iyo? Sumama ka sa akin. Hinding hindi kita paiiyakin."

Tumulo nang tumulo ang luha ko, nasasaktan na naman ako.

Pinilit kong ngumiti.

"Sasama na ako."

Tuluyan na akong nilamon ng dilim.

---
Siya si Ankou.
Siya ay laging nariyan.
Siya na lagi kang sinusundan.
Siya ang kaakibat ng lahat ng pasakit.
Siya ang karamay mo sa pagdurusa.
Siya ang tatapos sa iyong paghihirap.

Siya si Ankou, Siya si kamatayan.

'SASAMA KA BA?'

__________THE END__________

Dedicated to my friend: Akihiro

References:

Oxford Reference:
Ankou is the spirit of the last person to die in a community. Ankou is usually a tall, haggard figure in a wide hat with long white hair, or a skeleton with a revolving head who sees everybody everywhere.

Merriam Webster:
Death personified as a skeleton with a scythe or spear especially in the mythology of Brittany, France. Ankou is the figure in Breton myth who collects spirits of the dead and brings them to hell.

Ankou-japanese meaning:
Calm and peaceful period of time.



ONE SHOT (Short stories)Where stories live. Discover now