Chapter 6

197 22 0
                                    

Kc's POV

Bago ako umalis ng bayan na iyon kung saan ang Magic Council nag cast muna ako ng mahika para hindi nila maramdaman ang enerhiya ko, mahirap na at baka kung ano pa mangyari sakin at sa mga tao.

Nandito ako sa Gubat ng Olibar, ito yung sabi sakin ng matandang lalaki na yun, na Gubat ng Olibar daw ito maraming mga babangis ng hayop dito sabi niya, pero wala akong pakialam kaya ko ang sarili ko.

Bako ako umalis sa bayan na iyon may binigay ang Magic Council na pera saakin para daw makapag simula ako malaki laki din ito, bumili kasi ako ng napakaraming Dagger siguro mga mga trentang dagger ang binili ko, at nilagay ko sa bag iyon na binili ko rin.

Magagamit ko iyon para ipagtanggol ang sarili ko pag may tumanggka sa buhay ko.

Mas mabuti na ang sigurado, bumili din ako ng kunting pagkain tama lang sa pag lalakbay ko hindi ko nga alam kung kaysa ito sa akin hindi ko naman kasi alam kung ilang araw ako pag lalakad ko para makaalis sa Gubat na ito.

"Memory Make Magic: Telekenisis"

Mahinang sambit ko naalala ko na may nabasa ako sa isang libro noong bata pa ako, at gagamitin ko ang Telekenisis para makatipid ako sa enerhiya ko.

Sa totoo lang napaka laking tulong ng mahika ko lahat na nalalaman ko at nabasa ko na tungkol sa mahika tinatandaan ko iyon at pwedeng ko itong gamitin halimbawa ang itong Telekenisis, nabasa ko ito at tinandaan noong bata ako at pwede ko itong gamitin kaya wag na wag nila akong bibigyan ng libro at mabilis ko yun matatandaan at pwede ko itong gamitin sa kanila, kaya lagi akong may dalang libro mas lalo ako lalakas pag may hawak akong libro, hindi ko alam kung bakit ito ang mahika ko walang nakakaalam kung ano talaga ang mahika ko kahit ang Magic Council kundi mga magulang ko lang ang may alam.

Telekenisis ang napili ko para makontrol ko ang mga dagger ko pag may nag tangkang umatake sa akin kaya kung pagalawin itong saan ko gusto ko.

Mas mabuti na yun para hindi agad ako maubos ang enerhiya ko at mapagod.

Naninibago pa ako sa mahika ko mahigit sampung taon ko ito hindi na gamit.

Malapit na dumilim pero nasa gubat pa rin ako siguro dapat muna ako mag pahinga bukas ko na itutuloy ang walang silbi kung pag lalakbay hindi ko naman kasi alam kung saan ako pupunta. Hindi naman ako pwedeng bumalik doon sa dati kung tirahan sigurado akong sira sira na iyon at ayoko na din bumalik doon baka maalala ko lang kung anong nangyari doon.

Ginamit ko ang Mahika ko na telekenisis para kontrolin ang mga maliliit na kahoy at mga malalaking dahon para makagawa ng maliit na kubo kumuha din ako ng maliliit na dahon at inipon iyon sa loob ng kubo na gawa ko para may higaan ako.

Hindi naman ako nahirapan gumawa ng kubo dahil sa maliit lang na enerhiya ang nagagamit ng telekenisis.

Pagkatapos ko gumawa ng maliit na kubo pumasok ako at nahiga nilagay ko ang maliit ko na bote na puno ng alitaptap inipon ko yun kanina para mag kaliwanag naman dito sa loob kahit kunti.

Pagkatapos ko kumain nahiga ako at nag pahinga.

Bukas ko na ipag papatutuloy ang pag lalakbay ko.

Nakakapagod din pala mag lakad, ngayon ko lang ito nagawa, noong bata pa kasi ako may sasakyan kaming karwahe doon kami laging sumasakay pag may pupuntahan kami.

Maya maya lang nakatulog ako ng mahimbing. Dahil ata sa pagod ko kaya mabilis akong nakatulog.

"Anak wala ng oras makinig ka saakin ng mabuti gusto ko pumunta ka sa Phoenix Academy at hanapin mo si Ms.Witherspoon matutulungan ka niya."

Phoenix Academy Où les histoires vivent. Découvrez maintenant