PROLOGUE

80 14 10
                                    




Prologue:

"Anak, mag handa ka na. Darating sila Tito Carlo mo galing Manila. Dala niya si Ian, kaya bilisan mo!" Sigaw ni Mom galing baba.

"Opo, Ma!" Ian? May anak palang lalaki si Tito Carlo? Akala ko si Mia lang. Well, anong pake ko?

Tito Carlo is my father's brother. Hiwalay na sila ng asawa niya kaya si Mia lang 'yung alam kong anak niya. I think si Ian 'yung nakatatandang kapatid na galing sa Manila, dahil doon 'yung mama nila. 

I stopped scrolling on my phone and turned it off para makapagligo na. Nang natapos, I put on my high waisted shorts, black sleeveless turtle neck, Air Force at ang kwintas na binigay ni Lola. I also blew dried my hair. When I was done, I looked at the mirror and I saw my dark brown hair that has curls at the end. It's my natural hair, by the way.

Noong highschool ako, maraming babae ang naingit sa buhok ko dahil kulot daw ito. Pero I find it normal lang naman. I have long lashes, dark brows, a pointed nose, and pinkish cheeks.

Nang masatisfy na ako sa itsura ko, agad akong bumaba dahil kanina pa nila akong inaantay sa labas.

Nag simula nang magmaneho si Dad papuntang bahay nila Tito Carlo. "Ma, pwede bang nursing 'yung kukunin kong kurso next year? Tutal, gagraduate naman ako next month." I really know what she'll answer me!

"Anak, napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Ayaw kong mawala ka sa tabi namin, nak. Ang layo ng Manila. 'Di ba gusto mo namang maging guro? Bakit ngayon nursing nanaman?"

"Okay lang naman na educational course 'yung kukunin ko, pero naisip ko lang po kasi. Kung ayaw niyo po, okay lang din. Mas importante po 'yung desisyon niyo." Sabi ko kay mom at napatingin nalang sa labas.

Nang dumating kami sa bahay nila Tito Carlo, lahat ng pamilya ni Dad ay nakaupo na sa lamesa at mukhang kami na lang ang inaantay. Nagmano muna ako kay Lolo at nakipagbeso kina Tito at Tita bago umupo sa tabi ni Mia.

"Carlo, nasan na ba si Ian? Papuntahin mo na siya dito para makilala niya si Gabrielle. Siya na lang ata 'yung hindi kilala ni Ian." Sabi ni Lolo.

"Papunta na siya dito, Pa. May pinuntahan lang na kaibigan sa downtown."

Habang inaantay na dumating si Ian, me and Mia were just talking about school. While the old people were talking about their business.

"Sorry I'm late po, may dinaanan lang." A cold baritone voice echoed inside the dining room. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ang isang matangkad na lalaki.

He's wearing a black t-shirt and black ripped jeans. Napatingin ako sa matangos niyang ilong, his fair white skin, his reddish thin lips. When I was looking at his dark piercing eyes, it was looking directly at me.

Umiwas ako ng tingin at humarap na lang sa hapagkainan. Mia was sitting on my right side but my left side was vacant, so doon umupo si Ian.

"Hi! You're Gabrielle right? Tita Marie and Tito David's daughter?" Napatingin ako sa kaliwa ko at nasamid sa sarili kong laway nang nakita kung sino 'yung nagsalita. I didn't expect him to talk to me, akala ko tahimik siyang tao.

"Uhm, yes. You're Ian right? Mia's brother?" I composed myself at nagpatuloy sa pagkain. Mia was busy talking to her father about school, while Mom and Dad were talking to Lolo kung anong dapat gawin tungkol sa kalusugan niya, others were busy eating.

The kids were just playing in the living room dahil tapos na silang kumain kanina. So, that leaves me and Ian talking.

"We should talk casually, parang hindi naman tayo magpinsan." He playfully said.

Fall Out Of Love(Love Series #1)(On-Going)Where stories live. Discover now