Chapter 1 The Birthday Celebrant

6 0 0
                                    

"You don't meet people by accident. There's always a reason. A lesson or a blessing."
-Anonymous

June 3, 2016

Ako'y inimbitahan ng aking matalik na kaibigan sa kanyang kaarawan. Kakauwi ko lang noon pagkatapos ko na mag trabaho sa malayong syudad dahil bakasyon naman at walang pasok ng mahigit dalawang buwan. Hindi ako umuwi sa amin sapagkat tumungo ako sa karatig bayan kung saan ako nag-aaral para makipag-kita sa kaibigan ko na si Ashley para sabay kami na pumunta sa bahay ng may kaarawan na si Patrick. Pero bago kami pumunta roon ay bumili muna kami ng maisusuot ko dahil nakalimutan kong magdala ng ibang damit dahil ako'y nagmamadali na umuwi. Sobra akong nagagalak na makita sila ulit.

Pagsapit ng gabi kami ay gumayak na ng aking kaibigan at pumunta sa bahay nila Patrick. Nasa harapan na kami ng bahay nila pero nahihiya kami na pumasok kasi ito palang ang unang beses na pumunta kami dito at hindi kami kilala ng pamilya niya. Kinakabahan at hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang damit na aking isinuot ngayong gabi. Pero ako'y naglakas loob na tawagin ang pansin ng mga tao sa loob dahil ayoko naman na tumayo buong gabi dito sa labas at mangisay sa sobrang ginaw.

"Good evening po. Nandyaan po ba si Patrick? I'm Frona Becker po and this is my friend Ashley."

"Ma, sino po ba ang nasa labas? Napasulyap ako sa lalaking lumabas ng pintuan at ako'y napangiti ng mapagtanto na si Patrick pala iyon. May sumilay na ngita sa aking labi ng makita siya ulit.

"Hi, Patrick! Kamusta ka na? Sorry, kung ngayon lang kami dumating may ginawa pa kasi kami." A smile formed on his lips when he saw us. He gave me a tight hug and he did the same to Ashley.

"Ang tagal niyo naman dumating. Kanina ko pa kayo hinihintay. Pumasok na kayo sa loob." He motioned for us to get inside the house and we did. We followed him all the way to the dining area. Their house was simple yet elegant. Every furniture has been designed appropriately and were unique. My eyes were busy eyeing the house and the interior design when Patrick called out my name.

"Hey, Frona. I want you to meet someone. Bago ko siyang kaibigan and he currently works as a social worker dito sa lugar natin." I looked at the guy sitting in one of the chairs near the table. He motioned me to come closer and formally welcome the guy who's new in town. He was short and a little flabby. He was bit bald as well but he had a great smile and sense of humor.

"Hi, I'm Frona Becker." I introduced myself to him and suddenly I felt conscious because he was looking at me from head to toe then he painted a smile on his face and introduced himself.

"Hi, Frona. I'm Ian. Nice to meet you. Kanina pa sinasabi ni Patrick na meron daw siyang kaibigan na ipakikilala sa akin at maganda raw pero I didn't expect na ganito kaganda." At sabay na nagtawanan ang lahat ng tao sa loob ng bahay.

"He didn't say anything silly about me, right? Dahil papatayin ko talaga siya pag nilaglag niya ako!" I looked at Patrick and glared at him and the fool had the audacity to smirk at me. Curse you, Patrick!! I screamed in my mind. I'm going to get you for this and glared at him while the fool sat comfortably in his chair. How I would love to punch him and wipe that smirk on his forsaken face.

"Tama na nga muna yan at umupo na tayong lahat at kumain na." Sabi ni Patrick at lahat kami umupo ng biglang pumasok ang mama niya

"Okay lang ba kayo dito? Wag kayong mahiyang kumain dahil ang dami ng pagkain. Kain lang kayo ng kain at nasa labas lang kami ng tito Roger niyo. Mag sabi lang kayo pag may kailangan kayo. Wag kayong mahihiya, okay." His mum said while looking at all of us with a genuine smile plastered on her wrinkled face. I think nasa early 50's na ang mommy niya pero kung umasta parang teenager pa din at bagay na man sa kanya. Ang cute nilang tingnan na mag-ina kasi parang tropa lang turingan nila. Nakaka-inggit tuloy kasi hindi ganon ang relasyon namin ng aking ina. Masyado kasing conservative ang mama ko dahil ganun siya pinalaki ng lola. Bawal maiksi ang damit at dapat mag suot ng damit na disente at hindi yong halos makita na ang kaluluwa mo. Kagaya nga ng suot ko ngayon, baka mapalayas lang ako sa amin pag heto nakita niya kasi medyo maiksi at hapit sa katawan ang suot ko na fitted dress na hindi umabot sa tuhod ko. Balingkinitan ang aking katawan kaya agaw-pansin sa mga kalalakihan ang suot ko ngayong gabi. Nakaka-proud lang pag lahat tumutingin sayo dahil nababagay ang damit sa nagsusuot nito.

Lahat ngayon dito ay abala sa pagkain ng biglang magsalita si Patrick.
"Ano ba ang gusto niyong inumin?" Biglang tanong niya sa amin. At napasagot ako bigla.
"Wala ka bang beer diyan? Yong iniinum na lang natin datin hindi naman kami mapili eh."
"Umiinum ka ba ng hard drinks?" Tanong ni Ian. Napabaling tuloy ako sa kanya dahil doon at lumaki pa ang maliit kong mata. Ewan ko lang kung lumaki talaga kasi napaka-liit ng mata ko na namana ko pa sa lolo kong tsekwa.

"Huh? Hard drinks? Nako! Hindi ako mahilig uminum nyan. Pwede iba na lang,  yong light beer. Okay na ko don." He looked at Ashley na kanina pa tahimik na kumakain sa tabi ko. Hindi kasi mahilig magsalita tong babae nato pag maraming tao at hindi niya kilala.

"What about you, Ashley? Ano gusto mo inumin?" Tanong sa kanya ni Ian. Biglang nabilaukan ang kaibigan ko dahil sa tanong na yon. "Bes, dahan-dahan naman sa pagkain. Hindi mauubos yan ang dami pa sa mesa." Sabay turo sa mga pagkain na nasa harapan namin. Bigla naman  tinampal ng baliw na babae nato ang braso ko at ang sakit pa naman manghampas nito.

"HAHAHAHAHAHA. I'm sorry, natawa lang ako sa reaksyon ni Ashley. Ian, hindi siya umiinum kaya ganyan na lang ang naging reaksyon niya at kung iinum yan bawal rin. Baka kasi ako pa mapagalitan ng mama niya. Hiniram ko lang kasi yan saglit sa kanila." Mahaba kong lintaya sa kanya para wag ng painumin tong bruha kong kaibigan. Mahirap kasi pag-nalalasing ito. Kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga.

"Well, tapos na rin kayo kumain. Diba? Sa labas na lang tayo uminum para makapag-relax tayo doon. Kasi ayoko naman dito. Mas maganda pag doon na lang tayo sa plasa. Okay ba? Magpapa-alam lang ako kay mama na aalis tayo. Antayi niyo nalang ako labas." Patrick motioned us to go out first and wait for him there. We carried ourselves outside and waited for him to go out. We bid our goodbyes to his parents. We rode on his car all the way to the plaza which is our favorite tambayan since then. We picked our favorite spot and sat down. I looked around the plaza while they were busy trying to order drinks for us. Nothing has changed simula ng umalis ako, ganun pa rin ang plasa walang pinagbago. Every night, maraming tao kumakain dito. Kasi nakahilera ang mga stalls na nagtitinda ng barbecue at alak. Heto yong lugar na pinaka sentro ng dito. Maraming nagtataasan na mga puno sa paligid, may makikita kang magkasintahan sa namamasyal mga bata at matanda na kasama ang kanilang aso o buong pamilya. Itong lugar nato ay buhay na buhay kahit hating gabi na marami pa rin ang tao dito.

Nakuha ni Ian ang atensyon ko ng bigla may sinabi siya na may kaibigan daw siya na gustong pumunta at sumabay sa amin. Nakuha ng lalaking yon ang atensyon ko. At hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. May nagsasabi sa isip ko na papuntahin mo na siya dahil gusto ko siyang makilala pero pinigilan ko ang sarili ko at nakinig lang sa kanya. Sabi niya kanina pa daw tumatawag sa kanya ang kaibigan niyang si Damond nasa malapit lang daw siya kung nasaan kami pero hindi pa siya maka-alis doon dahil kasama niya ang mga superior niya sa trabaho. Nakakahiya naman daw pag-aalis siya. Naging masaya at nakaka-aliw ang gabi namin habang nag-iinuman pero panay ang tanong ko kay Ian about sa kaibigan niya at kung pupunta ba siya. Sinabi ko na rin na ako bahala sa kanya pag nandito siya dahil ako makikipag-usap sa kanya. Ngunit umabot ang hating gabi at ni anino ni Damond ay hindi ko man lang nasilayan.
Sayang! Yan ang nasa isip ko kasi masyado akong excited na makilala siya pero hindi naman natuloy. Wala akong nagawa kaya umuwi na lang kami. Nakakapang-hinayang talaga. Sana makita ko siya ulit.

Little did I know na magkakaroon pa pala ng chance na magkita kami ulit.


Authors note: Hindi ko nakayanan ang purong tagalog. Na stress ako! Pero sana nagustuhan niyo po. Till next chapter.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Borrowed LoveWhere stories live. Discover now