Kabanata 1

103 5 3
                                    

💘

AURELIO'S POV

Iloilo City
November 1941


"Aurelio bilisan mo na
at baka mahuli tayo sa ating palabas!"
Sabi ng kuya kong si Flavio.

Sumasayaw kami sa isang bar tuwing Sabado ng gabi: Tap-dancing. Minsan may kasama na ring kanta. Kilala kami bilang entertainers dito sa lugar namin sa ciudad. Pero ngayon na may mga Amerikanong sundalo na sumakop dito sa lugar namin, nahinto na muna ang aming pag-aaral at marami ding mga Amerikanong sundalo ang nag iinuman dito kaya halos araw-araw na kami nag tatrabaho sa bar tuwing gabi.

Ang tatay namin ay isang karpintero. Ang nanay namin ay mananahi. Maswerte ng magkaroon ng trabaho ang mga magulang ko sa ganitong panahon.

Nilalakad lang namin mula sa bahay papuntang bar kasi malapit lang talaga ito sa amin.

"Maayong gab-i Manong Johnny!"
Bati namin sa may ari ng bar. Mabuti at hindi naman kami na late.

Noong una tutol ang mga magulang namin sa ginagawa naming pagsasayaw pero noong nalaman nilang medyo malaki ang kinikita namin dito, ay pumayag na rin sila. Nakakatulong din kasi sa mga bayarin at pagbili ng pagkain sa loob ng bahay.

"Oh mag handa na kayo diyan mukhang maraming tao ngayong gabi. Galingan ninyo!"

"Sige po Manong Johnny. Salamat po"

"Aurelio, tingnan mo oh.
Andaming mga kolehiyala."
Sabi ni kuya habang nag aayos kamo dito sa may backstage.

"Ay nako kuya ayan ka na naman. Halos gabi gabi iba iba ang mga babaeng kinakausap mo."

"Eh kausap lang naman eh tsaka pwede na tayong mag nobya ah. Nasa tamang edad na tayo."

"Nako kuya ikaw lang at wala pa akong panahon dyan."

"Ikaw naman nagka boyfriend lang ang crush mo ayaw mo na agad umibig muli? Maraming pa dyang mga babae."

"Alam ko kuya kaso ayoko ng kung sino sinong babae lang gusto ko talaga yung sa unang tingin niya sa akin makikita ko na mamahalin niya rin ako."

"Kaya ka nasasaktan eh puro sa pelikula naman yan eh. Dapat kung sino ang nandyan, kilalanin mo na agad. O sya tayo na at mag uumpisa na."

"Please welcome to grace us this evening - the Javellana brothers! Let's give them a round of applause!"

Na e-enjoy namin ni kuya Flavio ang pagsasayaw. Iba ang hiyawan ng mga tao
nung lumabas na kami. Mas maraming nanonood, mas maraming tip kami na matatanggap ni kuya.

Masaya kaming umuwi ng bahay sa tip na natanggap namin. Sulit na sulit ang pagod. Masarap magluto ang nanay namin kaya masaya rin ang aming hapunan. Sana ganito na lang kasaya ang buhay araw araw. Sana wala na lang digmaan.

"Flavio, Aurelio...mag handa kayo ah. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw. Hindi natin alam kung kakampi natin ang mga Amerikano. At hindi rin natin alam kung kailan magsisimula ang digmaan."

Biglang sabi ng tatay habang kami ay naghahapunan. Bigla namang nalungkot ang nanay sa sinabi niya.

"Fortunato, huwag ka munang magsalita ng ganyan. Magsaya muna tayo bilang pamilya at buo pa tayo."

"Olivia, mabuti ng masabihan sila ng maaga sa realidad ngayon. At bakit? Buo pa rin naman tayo ah. Hindi ko hahayaan na magkawatak watak tayo lalo na kung may digmaan. Basta kapag may mangyari man, dito sa bahay magkikita kita. Naiintindihan ninyo Flavio at Aurelio?"

"Opo tay."

ANALITA'S POV


Ako si Analita Cruz. Isang doktor ang tatay ko at isa namang teacher ang nanay ko. Meron akong kapatid na lalaki na nasa kolehiyo na si kuya Apolonio. Ako ay nasa high school pa lamang -magtatapos na sana kaso nahinto muna ang pag-aaral namin.

Na mi miss ko na pumasok sa paaralan. Na mi miss ko na rin ang mga kaibigan ko. Pero kahit anong oras ay pwede silang pumunta dito sa bahay.

Minsan ay sinasama ako ni pápá sa kaniyang clinic. Minsan tumutulong ako sa kanya. Gusto ko rin na maging doktor tulad niya balang araw. Gusto kong tumulong sa kapwa. Habang walang pasok si kuya ay nag tatrabaho ito sa planta ng coca cola kaya kada uwi niya ay meron kaming libre na soft drinks.

Kapag hindi ako nakasama kay pápá, ay nagbabasa ako ng libro dito sa bahay. Minsan gusto ko mang lumabas at pumasyal, eh binabawalan ako ng mámá.

Palagi nila akong tinutukso sa kapit bahay namin na kaklase ko na si Julio. Pero ayaw ko dito. Mas mabuti pang magbasa ako ng libro sang sa maka usap siya. Masyado kasi itong antipatiko.

Simple lang naman ako. Wala pa naman akong gaanong gusto sa buhay lalo na na nasa puder pa ako ng mga magulang ko.

Pero aaminin ko. Natatakot ako. Natatakot ako bakit maraming Amerikanong sundalo dito. Kakatapos lang na bombahan ng mga hapon ang pearl harbor sa Hawaii. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa Pilipinas. Payapa naman dito sa Iloilo pero kinukutuban ako na di magtatagal ay mangyayari din dito.

---------------

December 1941

Ilang araw lang ng matapos bombahan ng mga hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii ay binombahan naman nito ang Manila. Kumalat ang buong balita sa Iloilo kaya lahat ng tao ay mas nabahala. Lalo na ang mga Amerikanong sundalo na nandoon.

AURELIO'S POV

Habang walang trabaho ay tinutulungan ko si tatay na mag kumpuni ng mga sirang gamit ng biglang nakita naming tumatakbo papasok ng bahay si kuya.

"Tay! may kumakalat na balita na buong Pilipinas daw ay bobombahan ng mga Hapon. Nauna na ang Maynila kanina."

"Diyos ko! Fortunato ano na ang plano natin?" Sabi ng nanay

"Wag kayong mabahala. May pinsan ako sa Tigbauan. Pwede tayong pumunta doon kung tayo ay maapektuhan dito. Aurelio, paandarin mo ang radyo."

Maya maya pa ay nakita namin si Manong Johnny.

"Magandang hapon Fortunato, Olivia."

"Magandang hapon Johnny!"

"Di na ako magtatagal. Flavio, Aurelio, isasara ko na  pansamantala ang bar. Nag paplano na ang mga Amerikanong sundalo laban sa mga hapon. Marami na rin ang umuuwi sa probinsya ng dahil sa takot. O sya aalis na ako!"

Nalungkot kami ni kuya sa balitang ito.

"Wag kayong mag alala mga anak may naipon pa kaming pera ng nanay niyo. At meron pa naman tayong sapat na pagkain sa buong buwan."

"Hindi naman yun ang problema tay...paano pag nagkagulo dito? Kapag dito mismo sa atin aatake ang mga hapon?" Sabi ni kuya.

"Hindi ko rin alam ang gagawin anak. Basta sama sama tayo. Walang iwanan.
Gagawin natin ang lahat para mabuhay tayo."

💘

LOLO AURELIOWhere stories live. Discover now