P R O L O G U E

38 6 1
                                    

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok sa school.

Inayos ko ang polo shirt na suot ko at sinipat ang aking sarili sa harap ng salamin.

Isang pulang polo shirt at jeans ang sinuot ko. Walang uniform sa school na pinapasukal ko, 'di ko alam kung baket. Maybe kinulang sila sa budget? Tss, pake ko?

Sinuklay ko ang hangggang balikat kong buhok at nagpolbos ng konte. Nanatili pa'ko sa harapan ng salamin hanggang sa ako'y makuntento na sa itsura ko.

Isinakbit ko ang itim kong backpack sa balikat ko at dinampot ang susi ng apartment.

Kinuha ko ang sneakers ko at mabilis na sinuot ito. Pinatay ko ang ilaw at lumabas na ng apartment.

Matapos kong mapad-lock ang pinto, sinulyapan ko ang relo sa wrist ko.

8:09

Mahigit dalawang oras pa bago ang unang klase.

Nagsimula na akong maglakad sa mahabang pasilyo, tanging ang bawat yabag ko sa madulas na tiles ang maririnig sa malawak na hallway.

Inilibot ko ang paningin ko. Puti ang pintura ng mahabang hallway at kayumanggi naman ang mga pintuan.

Nakatira ako ngayon rito sa San Carlos City sa isang apartment building na sa tingin ko'y may sampong palapag at mayroong limang apartment bawat palapag. Medyo malaki-laki ang apartment building na'to kung tutuusin.

Nakatira ako sa ikalimang palapag. Nasa bandang kanan sa pinakadulo ang apartment ko. Bakit do'n ko pinili? Trip ko lang.

Kung matatakutin ka, iisipin mong merong nakamasid sa'yo o merong sumusunod sa likod mo habang naglalakad ka.

Sa totoo lang nakakatindig balahibo ang floor na'to sa mga praning. Pero sa tulad kong walang pakealam. Masarap tumira dito walang istorbo at hinde maingay. Nakakabingi nga lang sa tahimik.

Kagabi lang ako lumipat dito pero alas singko palang ng hapon tulog na'ko sa pagod—

"Tok, tok, tok"

Natigil ako sa paglalakad.. What the fck? Ano 'yon? Nagpalinga-linga ako sa buong hallway. The f?

May narinig akong tatlong magkakasunod na katok pero hindi ko alam kung saan 'yon ng galing.

Kumunot ang noo ko. Ang alam ko'y.. dalawang tao lang ang nakatira sa floor na'to. Una'y ako at ang taong nakatira sa pangatlong apartment.

Pinakiramdaman ko ang paligid at nagmasid.

"Me tao ba d'yan?" Wala sa sariling tanong ko.

Ngunit lumipas ang ilang segundo ay walang sumagot at 'di na naulit pa ang katok.

"Tss." Inis na singhal ko.

Siguro'y pinagtitripan lang ako ng kung sino man. Napairap ako sa kawalan at pinagpatuloy na ulit ang paglalakad.

Walang elevator ang building na'to kaya kelangan kong gumamit ng hagdan.

————————

Hinihingal akong napasandal sa pader ng parking lot. Bwisit.

Kinapa ko ang susi ng kotse ko sa bulsa ng pantalon ko. Ngunit na bitawan ko 'to at nahulog.

Aabutin kona sana nang may biglang kumuha nito at inilahad sa'kin.

"Sup, is this yours?"

Nag-angat ako ng tingin sa lalakeng nasa harapan ko.

Malamang sa'ken ya'n, tss.

Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. Ang unang napansin ko'y maputi siya. Halatang taga ibang bansa. Pero base sa itsura niya maaring matagal na siyang nandito.

Medyo mataba ang pisnge at matangos ang ilong, singkit, at medyo magulo ang buhok, nakasuot siya ng white shirt at itim na jagger pants.

Napairap ako at hinablot sa kamay niya ang susi.

"Whoah, whoah, easy!" Itinaas niya ang magkabilang kamay niya na para bang tinutukan ko siya ng baril.

Me sira ata 'to sa utak.

Tinalikuran ko siya. Waste of time, bwisit.

"Hey, sandali!"

Hindi ko nilingon ang lalaki at nagtungo na sa sasakyan kong nakapark 'di kalayuan.

"Sandali, Miss sungit!"

Sungit? Tss baliw nga talaga.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at mabilis na pumasok sa loob. Agad kong isinara ang pintuan ng makitang ayaw akong tigilan ng tisoy. Ibinato ko sa backseat ang backpack ko at inistart ang kotse.

Binalingan ko ng tingin ang tisoy na nakatayo sa gilid ng kotse ko. Parang tanga itong kumakaway sa'kin.

Bwisit.

'Di ko na pinansin pa at nagsimula ng magmaneho palabas ng parking lot.

Paglabas ko ng building bumumgad sa'kin ang medyo malawak na bukid sa harapan. Matatanaw mula rito ang mga maliliit na bahay at di gaano kataas na building na sa tingin ko'y mga grocery store at iba pa.

May makikita ring mga puno sa gilid ng highway. Nagsimula na akong magmaneho patungo sa San Carlos University.

Simula ng dumating ako sa lugar na'to nakaramdam ako ng kakaiba. 'Di ko 'to maipaliwanag ng maayos ngunit pakiramdam ko'y may tila nagmamasid sa bawat galaw ko.

Praning lang yata ako o ano dahil sa mga pinagdaanan ko? O naninibago lang.

Hindi ko alam..

Nagsisimula ng sumikat ang araw, kagabi pa ako nagtataka dahil kaunti lang ang mga taong nakikita ko sa lugar na'to ngunit mas nagtaka ako ngayon dahil mag aalas dyes na halos bilang lang ang nakikita kong mga tao sa paligid habang nagmamaneho ako.

Mas nagtataka pa ako dahil sa t'wing daraan o napapansin ang kotse ko ay napapalingon sila at tititigan ang kotse ko hanggang sa makalagpas ako sa kanila. The f this is goin'to be so weird.

There's something wrong.. Something Strange

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Something Strange (On-Going)Where stories live. Discover now