Chapter 21

76 5 0
                                    


Apollo's pov

"Apollo?" Gulat na bungad sa akin ni Manang, hindi ko naman siya nagawang pansinin dahil buhat buhat ko si Chrizshel na parang isang lantang gulay.


"Ate?" Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Alex.


"A-anong nangyari kay Ate?" Utal na tanong niya, may pangamba at kalituhan sa mga mata niya.


Huminga naman muna ako ng malalim bago nagsalita, "Ihihiga ko lang ang ate mo sa room niya, wait me here."


Tumango naman siya sa akin kaya bumaling ako kay Manang, "Pwede niyo po bang bihisan at punasan si Chrizshel? Pakigamot na rin po ulit ng mga sugat niya."


"Oo, ako na ang bahala. Hali ka at iakyat mo na siya." Naunang umakyat si Manang kaya sumunod na ako agad.


"Jusko, ano ba ang nangyari, Apollo?" Mababa ngunit nagaalala ang boses ni Manang.


"Mamaya ko na lang po sasabihin sa inyo, asikasuhin na po muna natin si Chrizshel," Malungkot na sabi ko nang maibaba ko sa Chrizshel.


"Osige, kumuha ka ng tubig at bimpo, kuhanan mo rin siya ng damit pamalit," Utos ni Manang na agad ko namang sinunod.


Pumasok ako sa walk-in closet ni Chrizshel, kumuha ako ng oversized shirt at cotton short para sa kanya, pumasok naman ako sa banyo para kumuha ng maliit na planggana at malinis na bimpo.


"Manang, ito na po." Inabot ko sa kanya ang basin pati na ang clean towel.


"Puntahan mo na muna si Alexzy sa baba, paniguradong sobrang nag aalala 'yon sa ate niya." Bumuntong hininga si Manang bago nagsimulang alisin ang suot ni Chrizshel kaya tumalikod na ako at lumabas ng kwarto.


Mabilis akong bumaba at nakita ko naman ang nag aalalang mukha ni Alex.


"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit nagkaganon siya? Bakit wala siyang malay?" Sunod sunod na tanong ni Alexzy.


"Si Alec," panimula ko. Marahan kong itinulak ang wheel chair ni Alexzy paharap sa sofa pagkatapos ay umupo ako sa sofa kaya magkaharap na kami.


"What about kuya Alec?" Litong tanong niya.


Napahinga naman ako ng malalim, tinignan ko siya sa mga mata, "It's about Alec." Mas inilapit ko siya sa akin. "Nakita sa CCTV footage na si Alec ang nagtangkang pumatay sa ate mo."


"Ano!?" Hysterical na tanong niya. "Pero imposible 'yon! Patay na si kuya Alec, alam nating lahat 'yon. Namatay siya sa—"


"—Oo, pero kuhang kuha ng taong 'yon ang buong detalye patungkol kay Alec, kung makikita mo ang video paniguradong aakalain mo talaga na siya ang taong 'yon." Bumuntong hininga ako bago isinandal ang likod ko sa sandalan.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon