CHAPTER 5

22 1 0
                                    

*Titania/Titan's POV*


Maaga akong nagising kaya ginawa ko na agad ang morning ritual ko.Pagkatapos ay bumaba nako para mag luto ng breakfast.



Naka suot na rin ako ng uniform.Hindi naman siguro to madudumihan. Pshhh



Yung uniform nila ay parang korean style. White long sleeve sa loob then black coat with white lining sa labas.



Meron din syang black necktie at black slacks(tama ba yung spelling?) and black shoes. I must say bagay na bagay talaga sakin.Inayos ko rin yung buhok ko. Correction wig ko.



Nag selfie muna ako sabay send kay Mhegan through email. Bahala syang himatayin dun.



Hmmm.. ano kayang pwedeng lutuin? kumuha na lang ako ng itlog,hotdog,ham and bacon..



Nagluto rin ako ng fried rice. Nang matapos ay saktong bumaba yung hampas lupa.Tulad ko naka bihis na rin sya.



"Good morning Titan! Ang aga mo ahh." bati nya. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 30 mins na lang at mag uumpisa na ang klase. Hayss Tyron, ang aga pa nga para matuyuan na naman ng utak.



"Walang good sa morning kung ikaw agad makikita ko sa umaga."  Walang gana kong sabi pero nginitian lang ako ng hinayupak. Kaya naman napairap ako. Teka...

.
.
.
.
.
.
.
.
NAPAIRAP AKO?!!


"Wow Titan ang galing mo namang umirap! Parang yung nakikita ko sa ate ko pag nairap. Turuan mo naman ako Titan!  Ganito ba?? " at saka nya nga sinubukang umirap pero imbis na irap nagagawa nya tumitirik lang ang mata nya na parang may epilepsy.



Napahilot na lang ako sa noo ko habang pinapanood sya sa 'pag irap kuno nya'



Umagang umaga pinapasakit nya ang ulo ko. Hindi parin sya natigil sa kakairap nya kaya sa inis ko dinampot ko ang tinidor at binato sa kanya. Sapol sa noo.. Oh yeah



He immediately held his forehead.



"Titan, ang bad mo talaga!!  Huhu susumbong kita kay kuya Trixon! Huhuhu" at nagsimula na syang ngumawa ng ngumawa.



Napabuntong hininga na lang ako at naupo na para kumain dahil male-late na ako.



"Gutom lang yan Tyron kumain kana." Walang gana kong sabi.



Napakunot ang noo ko ng hilahin nya ang upuan at ilagay sa tabi ko.



"Anong drama naman yan?" Taka kong tanong pero ngumuso lang sya.


"Subo ahhhhh.... " Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Ms. Shann I promise I'm gonna ripped your throat off.



(Ms.Shann: peace tayo Titania ^_^V)


At para matapos na tong kahibangan na toh ay sinubuan ko na lang. Ayun parang nanalo sa lotto si gag*. Tsk!



Mabilis din akong sumubo because we're going to be late.



Natapos kaming kumain na puro walang ka kwenta kwentang bagay ang naririnig  ko kay Tyron.



"Bye Titan una na ako!" Napailing na lang ako. Sakit sa ulo ang batang yun.



Mabilis kong niligpit ang pinagkainan namin at saka kinuha ang bag ko para makaalis na. I'm late first day of class and it's all because of that damn kid.


------FAST FORWARD-------


30 mins of finding and finally I found this f*cking class.

*Blaggg!*



Im not very good when it's come to patience at dahil naubos na ang pasensya ko walang pagda-dalawang isip na sinipa ko ang pinto.



Gulat na napatingin sakin ang prof sa loob but the hell I care. I'm trying to calm myself from bursting.



"So it's look like you're the tranferee that we are waiting. Come inside." Nakangiti nyang sabi. Isa pa ata tong may sapak.



"This school is giving me a hard time ms..."



"Powell. Call me Prof Powell." Dugtong nya sa sasabihin ko.



"Yeah whatever."



"So kindly introduce yourself, Mr." Tss ano pa bang aasahan ko.



Saka ko palang napansin ang buong klase. At kung tinamaan ka nga naman ng malas. I saw Tyron but he's not alone. Panay ang kaway nya sakin para makuha ang atensyon ko but I just rolled my eyes on him.



"Titan Zues Suarez." I introduced then look at Prof Powell.



"Welcome to Haidon University, Titan please find a vacant seat."

Gangster Queen Pretending To Be A BoyWhere stories live. Discover now