Chapter 29

21 4 0
                                    

Caralouise Ledesma

"Wow" I exclaimed as I look at the view from the cottage

Ang ganda ng tanawin na nasa harap ko ngayon, Isa itong paraiso dahil sa kulay asul na langit, the crystal blue sea and the pebble steps ang mga palm tree na nakatayo at ang hangin na sumasalobong sa paghampas ng mga alon. Ang akala ko sa MV lang ako makakahanap ng resting place hindi pala, maraming pang lugar na Hindi ko nakikita.

Napalingon ako sa ingay na nasa loob ng cottage. Apat kami dito sa cottage ang iba ay nasa kanya-kanyang cottage kasama ko na si Josephine na medyo late sa pagdating rito dahil ibang van ang sinakyan niya. Nakikipagbiruan siya sa loob kaya napangiti nalang ako. Napatingin rin ako sa ibaba at nagtama ang mga mata namin ni Armiel kasama rin ang iilang kasama naming lalaki, he was smirking kaya kumunot-noo ako

'Bakit?' I mouthed pero umiling lang Ito at napatingin ulit sa kasama dahil kinausap siya nito. Binalak ko pumasok at magpalit ng damit dahil gusto ko rin maglakad-lakad

"Jo!" tawag ko habang papalapit sakanya "Tara, gala tayo"

"Eh? mag aayus pa ko ng gamit" ani niya
"Pero kung gusto mo samahan ka muna nila Tracy" tukoy niya sa kasama namin pero umiling ako

"Hindi na, ako nalang mag-isa"

"Sure ka? samahan ka nalang niya"

"Ayus lang Jo, baka rin makasalubong ko si Armiel makikisama nalang ako" sambit ko at nagsimula ng bumaba.

Naglakad-lakad kung saan man ako dalhin ng aking mga paa, lumapit ako sa shore at bahagyang sinisipa ang mga buhangin. May iilang tao ang naglalangoy sa dagat at naglalaro ng beach volleyball. Nagpatuloy akong maglakad nang nakaramdam ako ng pamilyar na presenya na lumapit saakin

"Bat ka nag-iisa? Alam mo namang delikado di ba?" tanong nito

My brows forrowed and I giggled "Delikado? nasa beach tayo wala naman sigurong masamang mangyayare sakin kahit naglalakad lang, Armiel"

"Kahit na, paano kung may lumalapit sayo? paano kung lumapit ka sa dagat at hinila ka ng Alon. Lahat naman delikado"

I rolled my eyes "Nag-iingat naman PO ako"

"Hindi ba Sabi ko dapat lagi mo na ko kasama?"

"Tsk! wag ka na magtampo kasama na kita ngayon" wika ko

Bahangya ko siyang nilingon para makita ang anyo niya, Para bang pilit niya tinatago ang kanyang ngiti kaya umiling-iling ako tsaka ko naisipan lagpasan siya at tumungo sa nakita kong  open space bar, iniwan ko siya at mabilis akong tumungo roon. Agad akong umupo sa barstool na naroon

"Mango shake please" sambit ko sa bartender

Tumabi naman saakin si Armiel na tila naiinis sa pag iwan ko sakanya. Tinnawag niya ang bartender

"Caribbean rum punch"

Habang ginagawa palang ang drinks namin tumingin ako sakanya

"Ang aga-aga iinom ka na"

"Hmm... Minsan lang toh" sambit niya, Hindi ako naniniwala sakanya mukha ngang palainom ito.

"So... ano gagawin natin ngayon?" tanong niya

"Ewan ko sayo, Kasama ko si Jo mamaya magswi-swimming" inabot na saamin ang mango shake kaya sumipsip ako roon sa straw

"Kasama mo ko"

"Hindi! bahala ka kung ano gagawin mo ngayon" pigil ko, Hindi ba dapat ngayon ay nagsasarili kami? baka nga kasama Niya ang iilang teachers o di kaya.... si Stacey

Breathe (Senses Series)Where stories live. Discover now