Prologue

323 18 1
                                    

" What type of dream husband you like? " tanong ni Ara sa katabi nyang kumakain ng ice cream

" Husband tlaga? " kunot noong tanong ni Mika

" Bakit? Eh dba lalake naman gusto mo? " inosenteng tanong pa ni Ara

" Oo, pero wala pa sa isip ko ang pag a-asawa Ara... ang bata ko pa " nakangusong sagot ni Mika at pinunasan ng panyo ang kanyang labi

" Bata? 26 ka na uyyy "

" Nagsabi ang mas bata " sabay paikot ng mata ni Mika

" Mas bata naman tlaga ako, 1995 ako " sabay labi ni Ara

" 1 year lang naman ang ikinatanda ko sayo, wag ka mayabang " napailing na wika ni Mika

Napangiti na lang si Ara. Inubos na nya ang kinakaing ice cream at nagsalita ulit

" So ano na? "

" Sasagutin ko lang yan kung may boyfriend na ako " balewalang sagot ni Mika

" May boyfriend ka naman ahh "

" Ex boyfriend " madiin na sagot nya sa kaibigan

" Yan kasi ang hilig sa gwapo " parinig ni Ara

" Sinong ayaw sa gwapo? Maganda ako natural sa gwapo ako papatol " paliwanag ni Mika

" Maganda ka? " d naniniwalang tanong ni Ara

" Bakit hindi ba? " naka cross arm na tanong naman ni Mika

" Matangkad ka lang at maputi " sabay tawa ni Ara na ikinasimangot naman ng isa

" Ang sama mo "

" Totoo naman ehh " insist ni Ara

" Mika, Ara buti na lang nakita ko kayo " boses na kanilang Ate Hollie ang nagsisilbing manager nilang dalawa

" Ate bakit po? " magalang na tanong ni Mika

" May goodnews ako sa inyong dalawa " nakangiting sagot ni Hollie

" Salamat naman Ate, kailangan ko tlaga ng good news ngayon " wika ni Mika at ngumiti

" Nakipag break po kasi sya sa bf nya kaya need po tlaga nya ng good news sa panahon ngayon " pagbibiro ni Ara

" At tlagang nag kwento ka pa " nakabusangot na reklamo ni Mika

Nginitian lang sya ni Ara

" Ate wag nyo na po siya pansinin, ano po ba ang good news? " pag iiba ni Mika ng usapan

" May isang singer na gusto kayong kunin bilang artista sa gagawin nyang music video " pagbalita ni Hollie

" Kami? " Mika

" Artista? " Ara

" Oo " sagot naman ni Hollie

" Ate, volleyball players po kami " paliwanag ni Ara

" at hindi naman po kami couple Ate, mag bestfriend lang po kami.. tropa tropa lang " dagdag naman ni Mika

" Alam ko, pero ang kanta naman kasi tungkol sa magkaibigan, kagaya nyo "

" Kung ang kanta tungkol naman pla sa magkaibigan eh d okay lang " kaswal na wika ni Mika

" Ako rin " pagsang ayon ni Ara at uminom ng tubig

" Hind nyo pa pinatapos ang sasabihin ko " naiiling na sabi ni Hollie

" Eh sabi mo naman Ate tungkol sa magkaibigan, kaya okay samin " at nag thumbs up pa si Mika

" Oo nga, tungkol sa dalawang magkaibgan na na-in love sa isa't isa " sagot ni Hollie

" Ano??!!! "

Third Of The Night ( Short Story ) Where stories live. Discover now