24 Kandado

350 27 8
                                    

"Laila, akyat na!" untag ni Elsa na nasa likod ko.

Natigilan kasi ako.

"U-uhm... paano ka?"

"Tanong ba yan?" tila inis na sabi. "Bodyguard mo nga ako eh. Bilis na."

Umakyat na ako tapos ay nilabas ni Elsa si Justin.

Dumiretso ako sa silid ko patago sa gilid ng bintana. Gusto kong marinig ang usapan nila.

"Wala siya rito," narinig kong sabi ni Elsa.

"Hindi ako naniniwala," si Justin.

"E di huwag. Walang bilin sa akin na tatanggaping bisita. Bantay lang ako sa bahay at tindahan. Umalis na kayo. "

Kayo?

Hindi mag-isa si Justin!

Sino ang kasama o mga kasama niya?

"You're lying!"

"Teka, bawal kayong pumasok."

Narinig ko ang tila komosyon dahil lumangitngit ang gate namin. Nagsimula akong kabahan dahil narinig ko ang dalawa sa mga kapitbahay naming malapit kay Tatay ang nakialam na.

"Iho, huwag na kayong manggulo."

"Hindi ka na dapat pumaparito matapos nang ginawa mo sa mag-ama!"

"Huwag kayong makialam kung ayaw ninyong madamay!" galit na balik sa kanila ni Justin. "Laila!"

"Rolly, tawagan mo si Ralph," boses ni Elsa.

Hindi ko alam kung sino yung tinawag niya.

Narinig ko na pinapatawag na ng kapitbahay namin ang barangay.

"Laila!" si Justin uli.

"Si Atty. Marquez ang dapat mong kausapin, hindi si Laila," salo ni Elsa. "Isa pa, magkasama silang umalis."

"Magkasama? Pero dalawa kayong nagbabantay dito?" sarkastikong balik ni Justin. "Laila, hanggang tatlo lang. If you won't talk to me, you'll never hear what I have to say about your father."

Napasinghap ako.

"Isa!"

"Umalis ka na," taboy uli ni Elsa. "Magkakagulo dito kapag pinilit kang pumasok."

Pumihit ako palabas ng silid ko para babain si Justin para lang mapatigil dahil nag-ring ang cellphone ko sa bulsa.

Di pa man. Sigurado akong si Atty. Marquez yun.

"Dalawa!"

Di ko na pinansin ang pag-ring ng phone ko. Halos mahulog ako sa hagdan pababa.

"Sandali!" sigaw ko.

"Laila, bumalik ka sa loob, tangna!" galit na balik ni Elsa sa akin paglabas ko sa pinto.

"Hindi pwede. At hndi sang-ayon si Ralph," sagot nang isang lalaki na hindi ko kilala.

"Ako ang may-ari ng bahay, kaya ako ang magsasabi kung ano pupwede at hindi dito! At sino ka?"

"Bantay rin siya, Laila," mahina pero pagigil na sagot ni Elsa. "Protocol breach ito. Ano ba? Dalawa ang kasama niya."

"Si Justin lang ang papasok. Maiwan kayong lahat sa labas."

"Hindi pupwede. Alam mo yan, Laila. Ilang beses mong mamantsahan ang record ko sa trabaho?"

Saglit akong inatake ng guilt para sa babae.

"Kailangan kong marinig ang sasabihin niya, Elsa."

Lifting Her Up #B6Onde histórias criam vida. Descubra agora