Day 2

112 5 0
                                    

"Hmm" Ingit ni Ryan ng maalimpungatan mula sa kanyang  mahimbing na pag-tulog. Nilibot niya ang kanyang mata, mahimbing pa rin ang tulog ng kanyang mga kasama. Kaya't napag-desisyunan niyang muling bumalik  sa pag-tulog.

Pipikit pa lamang sana ang kanyang mga mata nang may marinig na kaluskos. Muli niyang nilibot ang kanyang paningin, at ganon na lamang kanyang kaba ng makitang may pilit na napihit ng doorknob.

Lumingon siya  sa kanyang katabi, si Eruption. "Huy, huy" Pag-gising  niya dito. Ngunit ni-hindi manlang ito naabala. "Huy, may nabukas pinto"

Napa-iling na lamang siya dahil tila wala itong pag-asa magising. Dahan-dahan na lamang siyang tumayo habang nagdadalawang isip kung anong dapat gawin.

"Staff siguro 'to" Isip-isip niya sabay lapit sa pinto. At dahil marami sila, halos lahat ay sa lapag na lamang natulog, kaya't hindi niya napansin na nadali niya ang paa ng kuya Jhong niya.

Nag-inat si Jhong, na hindi napansin ni Ryan. Nilibot niya ang kanyang paningin, ngunit huli na ng makita niya si Ryan.

Nabuksan na nito ang Pintuan.

"RYANNN!!!" Sigaw niya at mabilisang tumayo upang lapitan ito. Ngunit napa-atras siya ng may humatak dito. Dahil sa ingay na nangyayari, ay nagising na rin ang lahat at ganon na lamang sila ka-shock ng makita  nilang kinakagat si Ryan.

"Jhong!"  Pag-tawag ni Vhong sa nakatulalang si Jhong at hinagisan ito ng tinaliman nilang kahoy, naka-tulong naman ito para bumalik sa realidad si Jhong.

"Guys get him! Get ryan!" Naiyak na sigaw ni Anne ng mapukpok na ni Jhong sa tulong na rin ni Vhong ang Zombie na kumagat kay Ryan.

"Close the door!"  Paalala naman ni Karylle.

Lahat sila ay tila lalabasa na ng puso sa sobrang lakad ng tibok ng mga ito. May mga shock parin, habang ang iba ay iniiyakan ang nangyari kay Ryan.

"Ryan, Ry look at me" Pangungunang approach ni Karylle. Aside from Vice, she's the  closest to Ryan.

"Saan masakit? Tell me, tell me Ryan" Naiyak niyang bitaw, kahit kita naman niya ang madugong part ng katawan ng binata.

"Ate Karylle, ayaw  ko mamatay" Naiyak  din na  inda ni Ryan. Hindi  naman nagdalawang isip si Karylle na yakapin ito kahit pa madugo ang katawan nito.

"Hindi, hindi ka mamamatay okay? Nandito si Ate si Karylle,  hindi kita pababayaan" Pag-comfort ni Karylle sabay tingin sa mga kasamahan. "Can I have a piece of cloth please?" Agad naman siyang inabutan ni Tyang Amy.

"Nakagat siya, does it mean  that  he's already infected?" Nakatulalang sambit ni  Anne. "What should we do now?"

"Siguro dapat na muna natin siyang itali"  Sagot ni Eruption. Tinignan naman siya ng masama ni Karylle.

"No. We  wont do that to Ryan" Madiin na bitaw ni Karylle sabay balot sa  braso ni Ryan na nakagat.

"K, Anak, Eruption is right--"

"Direk no--"

"Karylle listen, nakagat si Ryan, nakita mo naman ang nangyari sa video diba? Nakagat ang isa, hanggang sa dumami na sila. Hindi natin alam ang maaaring mangyari kay Ryan, anytime pwede siyang magtransform and kill us. Do you want that to happen?" Paliwanag ni Direk Bobet kay Karylle.

"Ate Karylle" Pag-iyak pa lalo ni Ryan sa kanyang Ate Karylle.

"Sasamahan kita,  okay?" Pang-aalo ni  Karylle. 

HIndi naman mapigilan ni Vice ang mag-breakdown kaya't tumakbo ito sa  CR at doon nagkulong.

"Ano ba kasing nangyari Ryan?" Tanong ni Tyang Amy.

"Nagising ako, tas  may napihit ng pinto. Ginising ko si Eruption pero tulog na tulog siya eh, kaya tumayo na ko. Isip ko naman baka isang staff" Paliwanag ni Ryan.

"See, hindi talaga tayo pwede magpaka-sigurado. Kaya simula ngayon, walang magbubukas ng pinto, walang lalabas. Para sa inyo rin 'to, para sa atin" Pangaral ni Direk Bobet sabay halik sa  noo ni Ryan.

"Im sorry Ryan, pero  kailangan ka naming itali Anak, kahit mabigat  sa kalooban ko at masakit" Hinging paumanhin ni Direk Bobet at tumayo upang punasan ang kanyang  luha.

"No, Nooo guys! Ano ba!" Naiyak na pigil ni Karylle kina eruption at Jhong. Itong dalawa ang magtatali kay Ryan.

"We can just lock him to the restroom!" Suggestion niya, ngunit tinignan lamang siya ng mga kasamahan.

"K, im sorry, even me I dont want to do this to Ryan, but for the sake of our safety, mas okay ng itali si Ryan" Pagpapakalma ni Anne sa kaibigan at niyakap ito.

"Saan natin itatali si Ryan, Direk?" Naluluha na tanong ni Jhong.

"Dito nalang  sa paa ng couch" Sumunod naman ang dalawa at ipinwesto doon si Ryan na nagpupumiglas sa bisig ni Eruption.

"Ayaw ko! Ayaw ko Kuya Jhong!...  Direk! Ate  Karylle!" Pag-hingi niya ng tulong.

"It's okay Ryan, it will just last for a while, everything will be okay and madadala ka na namin sa hospital. Hindi ka namin iiwan Baby Boy" Sambit na lamang ni Anne ang nginitian ang binata, habang nakasubsob ang mukha ni Karylle sa kanyang dibdib upang hindi na mapanood pa ang pagtali kay Ryan.

Tumigil naman sa pagpiglas si Ryan, ngunit patuloy ang kanyang pag-iyak.

"Dahan-dahan, yung kagat niya baka madali niyo" Bungad ni Vice after he went out of the restroom, magulo ang buhok, basa ang dibdib at namamaga ang mga mata.

"Mommy Vice  tulong" Medyo kalmado ng paghingi ng tulong ni Ryan. Nilapitan naman siya ni Vice at hinawakan sa mukha.

"Narinig mo naman si Ate Anne mo di ba? Hindi ka naman namin iiwan dito e. Babantayan ka namin. Mamaya lang ichecheck namin kung kaya na bang lumabas para mapagamot ka. Hindi ka namin pababayaan 'Nak"

"Sabi mo yan Mommy ha"

Sunod-sunod naman ang tango ni Vice kasabay ng muling pagbagsak ng kanyang luha. Hindi niya matanggap ang nangyari. Bakit kailangan pang makagat ng Anak niya?









AN

Sino kayang next?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Battle for Your LifeWhere stories live. Discover now