Liham Para Kay D

53 1 1
                                    

Dear D, 

Hindi ko alam kung bakit ngayon sinusulatan pa kita kahit alam ko naman na masaya kana sa piling ng iba pero kaya ko rin naman ginagawa 'to para mawala na rin yung feelings at pagmamahal ko sayo. Totoo pala yung sinasabi nila na, "mahirap mahalin ang isang tao kapag hindi pa tapos magmahal ng iba." Sobra akong tinamaan dito dahil alam ko naman na hindi mo kayang masuklian yung pagmamahal na binibigay ko. 

Way back 2013 nung una tayong magkakilala. 2nd year college tayo noon, tanda ko pa na nasa first row ka nakaupo, sobrang gwapo mo na at napaka maskulado na parang yung ultimate crush ko na si Chris Evans. Hindi ko alam kung anong meron ka na wala ang iba nating kaklase dahil simula nung makilala at makita kita, alam ko sa sarili kong gusto na kita. Palagi kitang kinukulit kahit mga walang kwentang tanong pilit kong tinatanong sayo at ikaw naman bwisit na bwisit na sakin pero kahit ganun ako sinasagot mo pa din. I remember I offered you friendship yung pangmatagalan. That time I feel nervous because I don't know if you like to be my friend but I also knew that ayokong friendship lang yung magiging ugnayan natin because I wanted more than that. I'm shocked that you accept the friendship that I offer, akala ko kasi ayaw mo sa akin dahil napakulit ko at alam ko naman na naiirita ka. Sobra akong natutuwa sa company mo, sa sobrang tuwa ayon mas lalo akong nahulog sayo. 

I've fallen for you, D. Kaso hindi mo ako sinalo. What a pain in the ass. 

Dumating yung araw na palagi na tayong nagkakausap, saying "goodmorning" and goodnight" to each other, sending sweet emojis and sending a goofy or ugly selfies to each other. Alam mo yung feeling ko tayo pero hindi talaga. Nagagalit ka kapag hindi agad ako nakakareply sa mga messages mo sakkin, kapag hindi ko nasasagot mga calls mo, kapag hindi ako kumakain sa tamang oras. You worry too much because of me and I know na kaya lang naman ikaw ganun sakin dahil ang sabi mo sakin, "You're my bestfriend. You're important to me, and I can't lose you. I care for you because you are my bestfriend."  Ano pa nga ba aasahan ko syempre kaibigan mo ako kaya ganon ka kung makaalaga sakin I am your fcking BESTFRIEND. B-E-S-T-F-R-I-E-N-D. Pero kahit ganon, okay lang sakin ang mahalaga kasama ko siya. Marami na rin tayong pinagdaanan, at higit sa lahat hindi tayo naghihiwalay. Parati kang nandyan para sakin through my ups and downs at ganon rin ako sayo. Sobrang kilala na natin ang isa't isa. Kilala na kita na kapag hindi ka masyado nagsasalita o nagkukwento there's something bothering you. Kapag naman nasasaktan ka nandyan ako para sayo. Mahal kita eh, hindi lang bilang kaibigan ko kung hindi mahal kita dahil mahal kita. 

I am your bestfriend but I wanted you to be my boyfriend, D. 

Naaalala ko nung pinakilala sa iba kong mga kaibigan, noong una nahihiya ka pa kasi syempre may tatlo akong kaibigang babae at yung iba naman eh mga lalaki na. Pinakilala ko sila sayo kasi gusto kong malessen yung fear mo sa pagkakaroon ng ibang kaibigan hindi man madami pero yung sakto lang. Alam ko kasi na hirap kang makahanap ng kaibigan dahil natatakot ka na baka sa huli iwanan ka rin nila. Hindi ko alam na nung pinakilala kita sa mga kaibigan ko makikita ko kaagad yung improvement mo, hindi kana masyadong kinakabahan, nagiging madaldal kana rin at nakakasabay kana rin sa mga jokes and kwentuhan nila. You're now out in your comfort zone and now you're getting better. At ako  naman heto, hulog na hulog na sayo. Mahal na yata kita, D. Pero hindi ko napansin na nagiging close na kayo ni Aizyn, yung isang bestfriend ko. Sobrang close na close niyo na ah? Halos hindi na kita makasama at makausap. Hindi na rin kita makamusta kasi kada kakamustahin kita palagi kang busy o kaya naman kausap mo siya. Ano na bang meron sainyo, kayo na ba? 

Am I still part in your life, D? Am I still your bestfriend? Or you chose to forget me?   

Minute turns into hours, hours turns into days, days turns into months. 3 months. 3 months we don't have any communications. Nagkikita tayo sa school, nagkakatabi, nagkakabungguan pero ni isang beses hindi mo ako kinausap at pinansin. I've done a lot of stupid things just to have your attention but none of them affects you.  Did I do something wrong? Did I hurt you? Or you just lied to me when you said I am your bestfriend and I am important to you? I'm losing my mind thinking what I've done to you, I haven't had a good sleep for 3 months because I'm fucking going insane not talking to you. 

Liham Para Kay DWhere stories live. Discover now