Pansamantala

278 7 0
                                    

*Note: Every chapter has a dedicated song which also serves as that chapter's title. Please enjoy reading while listening to the song as well. Thank you!

Title Song: Pansamantala by Callalily

Josh's POV

Kanina pa ako kinakausap ni Jah sa pag-aakalang ako si Sejun. Biglang tinawagan ni Jah si Sejun kanina pero may ginagawa ito kaya ako ang pinapunta niya kay Jah ngayon. 

At first, hinayaan ko lang siya kasi whether ako o si Sejun ang kausap niya wala namang pagkakaiba para sa kanya. Baka hindi rin siya magsabi sa akin kung alam niyang hindi pala ako si Sejun. Pero masakit pala na hindi ka nakikilala ng taong mahal mo. Tama nga si Sejun, lumalala na yata ang kondisyon ni Jah. Kahit boses ko hindi na niya makilala. Umiiyak din si Jah dahil na naman sa walang hiyang Ken Suson na 'yun. Kung ako na lang kasi sana, Jah.

Niyakap niya ang aking braso at napansin kong bigla siyang natigilan. Binitawan niya ako.

"Hindi ka si Sejun." Sabi niya. Hindi na ako sumagot. Hinawakan niya bigla ang mukha ko. "Josh! Bakit hindi ka nagsabi?" 

Alam ko naman na magagalit siya.

"Hindi ka rin naman nagsasabi, Jah! Kung hindi ko pa pinilit si Sejun matapos ako sinabihan ng kapatid kong nurse na nakita ka niya umiiyak sa ospital, hindi ko pa malalaman."

"Ano ba pinagsasabi mo, Josh?"

"Yung kondisyon mo! Akala mo ba hindi ko alam na lumalala ka na?" Natigilan siya. "Bakit hindi ka nagsabi? Dati naman ako una mo sinasabihan kapag may problema ka ah. Hindi lang naman si Sejun ang kaibigan mo." 

Hindi na siya nagsalita. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at hinarap sa akin.

"Jah, hayaan mo akong tulungan ka. Sabi ng kapatid kong nurse may nakilala silang expert sa face blindness na nasa Singapore. Sakto kasi magpapa-residency ako 'dun para sa Masterals ko. Pwede ka sumama sa'kin."

Justin's POV

Singapore? Bakit naman ako aalis? Naalala ko bigla si Ken. Kapag umalis ba ako merong ibang taong magtitiyaga na kumbinsihin si Ken na magpasurgery? Kahit naman nandiyan si Stell, malabong makinig si Ken sa kanya.

Talaga, Justin? Parang mag-dadalawang linggo ka na yatang nakabuntot kay Ken hindi rin naman siya nakikinig sa'yo.

"Jah, pwede ko icontact 'yung doktor para sa'yo. Referral lang naman yata kailangan mo para makapagtransfer ng doktor."

Teka, hindi naman ako ganun kalala para magpatransfer sa ibang doktor. Hinawi ko ang mga kamay niya at napatayo.

"Josh, ano ba sinabi sa'yo ni Sejun? Hindi naman ako ganun kalala. Oo, mas nahihirapan ako ngayon pero nakakaya ko pa naman."

Josh's POV

Nakakaya? 'Yan ang hirap sa'yo Jah, eh. Kinakaya mo lang lahat. Minsan kahit sobrang bigat na hindi ka pa rin humihingi ng tulong. Pinakaayaw mo 'yung kinakaawaan ka.

"Jah, magpakatotoo ka nga. Kinakaya mo pa ba talaga? Kanina pa nga tayo magkausap hindi mo agad napansin na ako pala 'to. 'Yun ba ang sinasabi mong kinakaya mo?"

Makinig ka naman sa'kin, Jah please.

"Mas nakakaalam ka pa kesa sakin ah! Kahit nga doktor ko hindi naman nagsabi na kailangan ko magtransfer. Bakit nag-dedesisyon ka mag-isa?"

"Tapatin mo nga ako, Jah. Si Ken ba ang dahilan kung bakit ayaw mo pumuntang Singapore?" 

Panigurado kong, oo. Si Ken lang naman talaga pumipigil sa'yo Jah.

I See You 2: Secrets ---- A KenTin AUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant