first night

2.9K 47 2
                                    

STELLA POV

nakakapagod ang byahe ...kung alam ko lang na ganito katagal ang byahe hindi nalang sana ako sumama.Umalis kami sa school ng 8:00 pero mag 5 na ng hapon andito parin kami sa daan.At sabi pa niya madaming pupunta kaso konti lang naman.Walo lang naman ang sumama Ako,karen,allen,raine,jane,vp ng futsal,kim at alex.

Mag sisix na ng makarating kami sa isang bahay.Hindi basta basta na bahay ...bakit.??? kasi nasa gitna siya ng gubat..!!!Pero infairness maganda siya.Kamukha ng bahay sa austrialla na pang winter Log house ba tawag dun..Ahh basta ganun.!

maganda siya...pero yung nga lang nasa gitna ng gubat..!

Agad na may lumabas sa bahay na dalawang matanda mag asawa ata sila.Agad namang lumapit sa kanila si alex.Pinakilala kami ni alex sa kanila.PAg katapos niya kaming pinakilala sila naman ang nag pakilala.Sila daw ang caretaker ng bahay nila alex.Pina pasok na kaming lahat kaso naiwan si alex at yung mag asawa sa labas.Mag uusap pa daw sila eh.

PUmasok na kami.At nakakamangha ang loob ng bahay.Maganda siya.Yung unang bubungad sayo ulo ng usa.!! tapos yung sa left side ng bahay eh isang wall na madami pang ulo..!! kakatakot.... parang anu mang oras ulo na namin ang ilalagay dun eh...at andun din yung stairs papunta sa second floor ng bahay...andun ata yung mga rooms namin..

 then sa right side ng bahay andun yung receiving ng mga buseta i mean bisita...or sala.Nasa ibaba siya....ang nandun ay piano,isang malaking flat tv.Mag kaharap yung mga sofa pero medyo malalim yung pinag lagyan at pa bilog yung pinag lagyan....tapos kaharap nun yung tv..Tapos yung piano nasa gilid lang ng mga sofa.gulo kong mag describe noh.?? ahh..basta ganun yun..!!

tapos pag pumunta ka dun sa sala may daan padiretso sa kusina...tapos pag diniretso mo pa yun....may pinto na mag dadala sayo sa likod ng bahay.

Napag pasyahan namin na tignan yung mga kwarto namin pero nung papunta na kami sa hagdan tinawag kami ni alex.sabe niya kakain na daw.Kaya pumunta na kami sa kusina.Salamat naman at kainan na Kanina pa kasi nag wewelga yung mga alaga ko.

Pag kadating namin sa kusina .Ang daming pag kain na nakalagay sa lamesa.Adobong manok at baboy,caldereta at pinakbet then kanin.Tapos may dalawa pang pakwan na malalaki.Grabe hindi naman kami pinag handaan ng todo....

NAg pray mona kami bago kami kumain.Pinasabay na rin ni alex sila aling ina at mang sal sa amin na kumain.Pag katapos namin kumain.pumunta na kami sa taas para ilagay yung mga gamit namin sa kwarto tsaka nag palit.Bali tatloyung yung kwarto sa taas habang may isa pa pang kwarto dun sa baba malapit sa kusina.Sila aling ina at mang sal yung gumagamit nun.

So dahil tatlo yung kwarto kelangan hatiin kami.First room sila allen,alex at raine.Second room sila vp,kim at jade.PAngatlong room kami ni karen.Pinuntahan na namin yung kwarto namin nasa pinaka hulian yung sa amin nasa dulo talaga.Habang papalapit na kami may naamoy akong mabango.

Lalo pang lumakas yung amoy.Tapos bigla kong naalala yung sinabi ni ate na kapag daw may naamoy kang mabango pero wala ka namang nakikitang pinanggagalingan ng amoy sa multo daw yun nang gagaling..!!!

agad akong lumapit kay karen....sa wakas narating narin namin yung kwarto namin.May dalawa siyang kama na nakaharap sa pintoan at may sariling comfort room.Tapos sa left side ng mga kama may maliit na drawer na gawa sa kahoy.Tapos yung kama na nasa left side eh may isang bintana na tanaw yung bundok.Kaya dun nalang ako.

Halaga l:Your worth [ complete ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant