Chapter 8:Daddy !

2.6K 78 114
                                    

** Dedicated sayo ayiieee ! maraming maraming salamat hihi ! Sana di ka magsawang isupport ang mga stories ko, ^_^..Arigatou ! I'm happy to have new friends.. ;>

                                 CHAPTER 8

                                " DADDY " 

"Greece is that you ? " isang babae ang sumalubong kay Greece at Alice na papasok na sana sa okupado nilang kwarto.Maganda ito, matangkad at katulad ni Greece isang Vampire.

"Clodeth? " ngiti ni Greece , lumapit naman ito kay Greece at nagbeso sila.

"Dito pa talaga tayo magkikita, matagal na kong nakabalik a year ago at hinanap kita yun lang nalaman ko na nasa ibang lugar ka  " si Clodeth na lalong ngumiti, napansin nito si Alice na nasa likuran ni Greece at halos magdikit ang kilay.

"Hey , introduced me to your -- ?" pinigil nito dahil di nito sure kung ano ang relasyon ng dalawa.

"Ah , Cloeth  si Alice .. " si Greece na di nawawala ang ngiti,  ang ganda lalo ng ex nya kaya nanariwa na naman ang hasang nya.

"Friend or Girlfriend ?  "di rin nawawala ang ngiti ni Akiko.

"Friend ! " mabilis na sagot ni Greece, sa asar ni Alice nauna na sya dito.

"Babaero, malandi, impakto! " gigil na nakuyom ni Alice ang mga palad sa asar kay Greece,  habang naglalakad s'ya sinalubong s'ya ni Lyra at Rain na hinila sya papasok sa isang kwarto, inupo sya ng mga ito sa gilid ng kama.

"Here bagay to sayo! " si Lyra na pinakita ang isang two piece swimsuit na may animal print.

"Ayoko ! " matigas na tutol ni Alice , hindi sya magsusuot ng ganung klase!

"Ito nalang ?! " si Rain na may pinakita naman sakanyang one piece.

Hanggang sa kulitin sya ng mga ito ,patuloy sya sa pag ayaw till wala na syang magawa kundi isuot ang isang two piece swimsuit na kulay apple green.Hindi talaga sya pinatawad ng dalawa at inipitan pa sya, sabay-sabay na silang lumabas matapos magsuot ng robe na sa loob nakasuot na ang mga swimsuit nila.

Plano nilang maglarong tatlo ng volleyball yun nga lang hiyang-hiya si ALice na tanggalin ang robe na nakasuot , samantalang ang dalawa ay naka swimsuit na.

Nagtinginan si Rain at Lyra at sabay nagngitian na para bang nagkaunawaan, nilapitan nila sa magkabilang gilid si Alice at sabay nilang hinila ang magkabilang parte ng robe nito hanggang matanggal.

"Waaahhh ! ano ba kayo ! " halos mangamatis sa pula si Alice ng lumantad ang katawan n'ya.Sinubukan pa n'yang takpan ang biyak ng dibdib at ang ibabang bahagi ng tig isang kamay.

"Dali game maglaro na tayo! baka lumaki na yung tummy ko hindi na ko makakapag ganito ulit ! " si Lyra na tumakbo na palayo hawak ang isang bola,  sa kabilang direksyon naman si Rain na super excited,  si Alice nakalimutan na ang katawan ng una syang masapol ng bola ni Lyra.

Raised by Wolves 2 :THE EVIL HALF (Under the PaperMoon)Where stories live. Discover now