MPAH: Chapter One

15.1K 204 58
                                    


"Miles Jalynna Ferrer!! ANUNG ORAS KA BA BABANGON DYAN SA HIGAAN MO?! WAG KANG TULOG MANTIKA AT HINDI TAYO MAYAMAN! Lumabas kana dyan at mahuhuli kana sa klase mo! Jusko kang bata ka!"

Napadilat agad ako dahil sa sigaw ni Tita. Jusme! Anung oras na?! 8:43 na! Huhuhu! Late na nga ako!! Kasi naman eh, tinapos ko pa yung project namin sa physics dahil ngayon na yung pasahan tapos may 3 long quiz pa kami. Juskong buhay talaga 'to oo. Napatayo agad ako nung sumigaw ulit si Tita.

"JALYNNA FERRER! Ano, hindi ka babangon dyan?! Gusto mo hilahin pa kita dyan?!"

Halaaaa! Galit na talaga si Tita at paakyat na syaa!! Jusko! Nahihilo pa ako ngayon. Huhuhu!!

"E-to na po, Tita! Maliligo na po ako! H'wag na po kayo umakyat!" Sigaw ko.

Wala nakong narinig na sagot kay Tita at buti naman iyon. Kumuha nako ng undergarments ko tas tuwalya sabay pasok sa cr.

"Hayy, ang sakit ng ulo ko. Nahiwa pako dun sa blade na ginamit ko. Ang tanga tanga ko talaga! Huhuhu!"

Habang nagkukuskos ako ng tuhod hanggang binti nang may biglang kumalabog ng pinto ng cr. Jusme naman eh!

*BOOG! BOOG! BOOG!*

"Aba naman, Jalynna! Sobrang late kana! Hindi ka pa ba tapos dyan?! H'wag kana nga magdrama dyan!"

"Tita naman eh. Eto na nga o! Ayieee! May lakad ka yata Tita eh. Ayieee! Makikipagkita ka po ba sa jowa mo? Naks naman si Tita! Lumalablayp! Kabog pa ako! Hehehe"

"Jalynna, wag moko simulan ha!"

"Waaah! Di mabiro si Tita. Eto na po! Nagpupunas nako ng katawan. Palabas narin po ako."

"Oo na. Bilisan mona dyan. Ikaw talagang bata ka."

Hehehe! Si Tita talaga masyadong mahiyain. Nahahalata ko tuloy. Binilisan kona yung pagbuhos ng katawan ko at nagpunas agad ng katawan. O baka isipin niyong hindi ako ng shampoo, sabon at toothbrush. Nagawa ko po yun lahat! Hehe. Ngayon, nagsusuot nako ng sando at short ko sabay labas ng kwarto. Dumiretcho ako sa cabinet ko at kuha ng uniporme ko. Yan! Hindi sya gusot gusot! Hehe! Todo plansta ako dyan! Masipag ako eh. Ayun, nag-ayos lang ako ng konti at kinuha na yung bag ko para makapasok na. Pagkababa ko ay nandun si Tita sa may pinto at hinihintay akong pumasok na.

"O iyan lang ang mabibigay ko sa'yo ngayon. Yung amo ko kasi yan lang binigay sa akin kahapon kaya pasensya na."

"Okay lang yun, Tita! Atleast po may pang-gastos ako. Hehehe!"

Bigla kong naisip kung may jowa na si Tita. Matanong nga. Hehehe

"Tita?"

"Bakit Jalynna?"

"May jowa po ba kayo? Hehe, kasi lagi ang dami nating pagkain tapos ang laki pa ng baon ko. Hehe..."

Bigla naman sumama yung tingin ni Tita sakin. Waaaaah! Nakakatakot! May nasabi ba akong mali? Huhuhu!!

"Waaah! Papasok na po ako! Pasensya na po kung pabigat ako Tita!"

"H'wag mona isipin at sige na, malelate kana sa iskul mo. Mag-ingat ka ha?"

"Sige po Tita. Babye po! Hehehe!"

Lalakad na sana ako ng bigla akong tumalikod sabay yakap at halik kay Tita. Nung kumalas nako ay mabilis ako tumakbo. Pero nakita kong nakangiti si Tita. Hayy, labing limang minuto pako makakarating sa iskul kasi naglalakad lang ako. Teka, parang may nakalimutan ako. Ay ayun! Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo! Hehe, sorry po. Ako nga pala po si Miles Jalynna Ferrer, in short po ay MJ Ferrer. 17 years old na po ako at graduating student ng Felizidad College. Mahilig po ako sa Bratz! hehehe ang cute kaya nun! Pero sabi nila mas cute dawang Barbie pero favorite ko talaga ang Bratz eh. Hehehe! Anu pa ba, ah wala na po akong magulang. Namatay po sila nung 7 years old po ako. Kumupkop sakin ay ang Tita ko. Kapatid sya ng Papa ko. Ang panglan ni Tita ay, Hanna Ferrer. Sobrang bait ni Tita kaso pag hindi ko nagagawa yung gawain ko ay nakakatakot sya promise! So, yan po ang aking introduction. Hehe! Ang bilis po ba ng introduction ko? Sorry po hehe. Habang naglalakad ako ay bigla kong naalala kung paano nakita ng dalawang mata ko kung paano sumabog yung kotse nila Mama.

My Possesive Arrogant Husband (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon